What I Love About Wattpad

77 2 7
                                    

Medyo matagal na rin akong may wattpad account. I think last last year pa. Pero dinedelete ko din kasi naiinis ako sa stories na sinusulat ko. Feeling ko sobrang lame at walang patutunguhan, kasi walang nagbabasa. Pero ngayon, nung nakagawa ulit ako ng bagong account at nagsimula ulit magsulat ng stories, natutuwa na ako.

Bakit?

First of all, dahil may mga kaibigan na ako dito na lagi kong nakakausap at sumusuporta din sa sinusulat ko. Nakilala ko sila dahil sa pagsali ko sa mga discussions. Doon ako nakakita ng mga friendly writers na makakasundo ko.

Pero ang pinakanakakatuwa, nakakdiscover ako ng mga story na kahit kaunti lang ang reads, MAGANDA PALA. Kasi dati ang napapansin ko lang, yung madaming reads, yung laging nasa What's Hot. yun bang color red na ang bilang ng reads. HAHA. Totoo, magaganda nga halos lahat ng stories na nafe-feature doon. Pero dahil nga sa pagsali ko sa discussions, nakakadiscover ako ng mga magagandang stories na hindi gaanong napapansin. At yun yung mga nakakaexcite basahin :)

At yun ang pinakagusto ko sa site na to. Maliban sa nakakpagbasa ako ng magagandang storya, nakakakilala pa ako ng mga bagong kaibigan na nag-iinspire sa akin para magsulat :)

What I Love About WattpadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon