Sabihin Mo Na. [One Shot]

42 1 0
                                    

Sabihin Mo Na. [One Shot]

-

"Ui, Maj kelan mo ba ako sasagutin?"

"Hmm... wala pa akong balak!"

Mahal na mahal ko si Maj mula pa nung mga bata pa kami. Siya ang bestfriend ko.. pero noon pa man di ko na siya tinuring bilang isang bestfriend.. kundi 'firstlove'. Siya yung tipong mabait, maalalahanin, caring.. at oo Maganda. Lahat ng gusto mo sa babae ay nasa kanya na. Hehe.. Alam kong cliche pero totoo.

Noon.. akala ko one-sided love lang 'to. Pero siya rin pala may pagtingin sa akin. Hindi niyo alam kung gaano ako kasaya nung araw na malan ko. Kaya hindi ko na pinakawalan pa ang pagkakataon... At niligawan ko siya.

"Sabihin mo na kasi!"

"Anong sasabihin ko?"

"Na.. OO girlfriend mo na ako Jet. Sinasagot na kita"

"Tse! Maghintay ka! Kung di mo kaya edi maghanap ka ng ibang babaeng liligawan mo"

"Oh sige.. madami naman may crush sakin. Hmm.. si Gia kaya. Patay na patay naman sakin yun. At isa pa... maganda siya"

Bigla akong kinurot ni Maj sa bewang.

"Aray! Para san yun?"

"Nagbibiro lang naman ako. Kinagat mo naman. I hate you! Sige dun ka na sa Gia mo! Di ba maganda siya?"

"Wui! Bakit? Nagseselos ka?"

"Hindi no! Hmp!"

"Ui.. si Maj nagseselos!" niyakap ko siya at tumingin sa mata niya. "Wag ka ng magselos. Alam mo naman ikaw lang ang mahal ko. 10 pana ata ang tinusok sakin ni Kupido kaya patay na patay ako sayo"

Ngumiti siya. Pero pinigil niya. Haha.. cute! Ayaw pahalatang kinikilig.

"Sabihin mo nga kasi sakin na mahal mo ako"

Bigla siyang kumalas sa yakap ko sa kanya.

"Hmp! Di ko yun sasabihin hangga't di pa kita sinasagot"

"Ay! Sagutin mo na kasi ako"

"Ayaw ko pa!"

"Tsh! Ano ba yan? Sige kahit 'I Love You' nga lang kasi"

"Sabi ko naman sayo pag sinagot na kita. Sige alis na ako bye"

Ngumiti siya at naglakad na paalis.

"Sabihin mo na!"

"Tse!"

Haha.. kulit namin no? Pero masaya kami. Pero mas lalo akong sasaya kung sasagutin na niya ako.

*

Araw-araw ko siyang inihahatid sundo sa bahay nila at school. Alam rin ng parents niya nililigawan ko siya. At nakakatuwa pa don eh, boto sila tita sakin.

Blockmates kami at pareho kaming ComSci ang kinukuha. Alam niyo bang pati blockmates namin alam na nililigawan ko si Maj. Kahit ibang tao sa loob ng university alam yun. Lagi nga kaming inaasar na Sweet Couple kasi ganon talaga kami kasweet sa isa't-isa. May asaran at tampuhan.. pero lamang pa rin ang mahalan. Hindi nga maintindihan ng mga tao kung bakit di pa ako sinasagot ni Maj eh 6 months na rin akong nanliligaw. Pero kahit na ganon, parang kami na rin sa mga ikinikilos namin. Kaso, mas maganda pa rin talaga kung girlfriend ko na siya.

*

Isang araw...

Nagpunta kami ni Maj sa stadium para manood ng basketball. Big fan kami ng naglalaro ngayong team. Ito rin ang gift ko sa kanya dahil 7 months na akong nanliligaw sa kanya.

Sabihin Mo Na.  [One Shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon