XXXII – A Wish Upon a Star
Hyacinth’s POV
Si Girlie. Kasama siya ni Xander ngayon. Magkausap sila. Bakit? Pucha.
Nakatingin lang ako dito sa kanila. Medyo malayo rin sila pero kahit na. Di ba nila alam na tanaw ko pa rin sila dito? Akala nila di na ko lalabas ng bahay?
Maya-maya, biglang hinawakan ni Xander ang wrist ni Girlie at hinila ito paalis.
Mabuti naman naisip niyang umalis sila don.
At dahil dito, napaisip na naman ako…
Nagpakatanga na naman ba ako?
Napailing ako. Hindi, di maaari.
May tiwala ako sa’yo, Xander.
Wala ako sa sarili nang pumasok sa bahay. At noon ko lang napansin na, May bisita pala kami.
Si Jeremy.
Nakangiti siya sa’kin habang nakasandal sa pader.
“A-anong ginagawa mo dito?” nauutal kong sabi. Kanina, si Girlie. Ngayon, si Jeremy.. Mukhang alam ko na ang mga nangyayari.
Nilapitan niya ako at pi-nat sa ulo. “Grabe ka. Kanina pa kaya ako nandito. Pumasok ka na ng bahay, lumabas ka pa nga tapos ngayon mo lang ako nakita. Hahahaha!”
“Ah, eh pasensya na.” nasabi ko na lang. Nakangiti pa rin siya sa’kin. Hindi ba niya nareceive yung text ko sa kanya bago pa kami umalis ni Xander papuntang Subic?
Oo, di ko pa nabanggit sa inyo pero tinext ko din talaga siya nang araw na yun. Tinatawagan ko pa nga eh pero hindi sumasagot. Sinabi ko na sa kanya agad na, bibigyan ko ng chance si Xander, na si Xander ang mahal ko, na pupunta kong Subic kasama ang mahal ko.
Huwag niyo ko sabihang masama. Ayaw ko lang din siya paasahin at wala akong pinagsisisihan sa lahat ng ginawa ko dahil yun ang alam kong tama para sa’min ni Jeremy. Kaibigan ko siya at ayaw ko siyang masaktan. Sa totoo lang, kung ganun lang sana kadali ilipat sa ibang tao ang pagmamahal mo sa isang tao, matagal ko na sanang mahal si Jeremy.
Kaso, hindi nga ganun. Hindi keribels.
“Ano? Wala kang balak pumasok?” tapos hinila na niya ko papasok ng bahay.
“Oh? Anak, nariyan ka na pala.” Wika ni Mama. “Dito nga pala muna matutulog si Jeremy ha? Kasi gabi na.”
“Lalaki naman yan eh. Kaya niya na sarili niya. Wala naman magtatangkang mang-rape diyan.” Hey, it’s me. Best Actress, Hyacinth.
“HA? Wala pa bang magtatangka sa’kin sa lagay na ‘to?” tapos pinakita niya yung abs niya. Pucha.
“Ano ba! Bastos!”
“Parang first time mong makita ah?” Gagi talaga ito. Oo na, this is not the first time!
“Che! Ma, bahala na kayo sa mokong na ‘yan. Kumain na po ako sa labas, matutulog na po ako.” At dali-dali akong tumakbo papuntang kwarto.
“Sige, Anak!” dinig kong sigaw ni Mama.
At alam ko din, sinundan ako ni Jeremy pero, naunahan ko siya at agad-agad ko siyang napagsarhan ng pinto.
BINABASA MO ANG
MOVING CLOSER by Eunice
RomantizmThis story is written by Eunice Laurito with the help of Hyacinth Manesca in cooperation with LOVE OUR BLOG POST :D She's no ordinary. She loves manipulating people's lives until she met this guy who have turned her world upside down and also the gu...