CHAPTER 1

401 17 17
                                    

Bebang's POV

"BEBAAAAAAAANGGGG!!"

Napabalikwas ako ng bangon nang marinig ko ang sigaw ng mahadera kong tiyahin.

"BEBANG! ANG PANGIT MO TALAGA! TANGHALI NA! GUMISING KANA DYAN AT MAGSAING! ANO TO? AKO PA MAGSASAING PARA SA IYO? ANO KA? PRINSESA? ANG PANGIT MO NAMANG PRINSESA!" Dakdak ng tiyahin kong bungangera pala at hindi mahadera. Sabay kalampag niya ng pintuan ng kwarto ko.

"Andyan na po." Sagot ko sabay madaling lumabas ng kwarto.

"DALIAN MO NA! NAGUGUTOM NADIN AKO! KAYA NAGHIHIRAP ANG PILIPINAS EH DAHIL SA MGA TAONG KATULAD MO! TAMAD! PANGIT NA NGA TAMAD PA!" Napatakip nalang ako ng tenga. Lagi kasing pasigaw kung magsalita si mamang. Minsan nga nagugulat nalang ako kasi paglabas ko madami ng tao sa labas ng bahay kasi akala daw nila kay kaaway si mamang. Kitam?

Di pa nga ako nakakatanggal ng mota niratratan na agad ako ng mala-armalite niyang bibig.

"Wag na po kayong sumigaw mamang--"

"DIBA SABI KO WAG MO KONG MATAWAG-TAWAG NA MAMANG? BAKA MAMAYA AKALAIN NG IBA ANAK KITA. HOY GUMISING KA! WALA AKONG ANAK NA PANGIT NOH!"

"Mamang nam-- ARAY!"

Kinurot niya lang naman ako sa tagiliran. Sanay akong tawagin siyang mamang e.

"SABING WAG MO KONG TATAWAGING MAMANG E. MAS OKAY PA ANG CAROLINA KESA SA MAMANG." Galit niyang sabi.

"Edi sige. Pwede ba Carolina? Wag kana ngang sumigaw. Sirang sira na ang eardrums ko sayo Carolina. Ang aga aga oh. Sigaw ka ng sigaw." Nakapameywang ko pang sabi.

Bigla niya naman akong binatukan.

"Aray naman Carolina."

"ABA'T LOKO KANG BATA KA AH!"
Babatukan niya pa sana uli ako pero umatras agad ako. Kala mo tyang ah. Hihi.

"BAKIT KASI AKO PA ANG INIWANAN NG TATAY MO SAYO? NAKU KUNG WALA LANG SIYANG MALAKING PERA NA BINIGAY SAKIN WALA SANA AKONG SAKIT SA ULO NGAYON." Napa-face palm pa siya.

Oo, ampon lang ako ng tiyahin ko. Iniwan ako ng tatay ko sa tiyahin kong bungangera noong sanggol pa lamang ako. Malapit na kamag-anak daw ni tatay si Caroli--- este mamang pala.

Nakakainis lang isipin na hindi man lang sinabi ng tatay ko kung bakit niya ako binigay kay mamang. Dahil ba pangit ako? Kung pangit ako, ibig sabihin ba pangit din ang mga magulang ko?

"HOY BEBANG!! NAKATULALA KANA NAMAN! NAGMUMUKHA KALANG MALIGNO. PAGKATAPOS MONG MAGSAING, MALIGO KANA AGAD!" Pasigaw niya na namang sabi. Ano pa bang bago? Lagi naman siyang sumisigaw.

Tumango nalang ako bilang tugon. Sanay na akong laging nilalait ng mga tao pero syempre hindi padin nawawala ang feeling na masasaktan at masasaktan ka padin sa mga panglalait nila. Ang aga aga ang drama ko na naman sa buhay. Nakaka-pangit lang yan. Ay... pangit na nga pala ako.

Bago ako pumasok ng CR bigla akong kinalabit ng tiyahin ko.

"Bakit po?" Tanong ko.

"MAGHILOD KA HA!" Sabay alis niya.

Napa-irap nalang ako bago tuluyang nakapasok sa loob ng CR. Sinunod ko naman ang sinabi ni mamang na maghilod. Well, lagi naman akong naghihilod eh. Sadyang makakapal lang talaga ang libag ko sa katawan kaya kahit anong hilod ko ayaw padin matanggal. Hindi naman ibig sabihin na kapag maitim ka eh madumi kana din.

Pagkatapos kong maligo dumiretso kaagad ako sa salamin.

"Isa, dalawa, tatlo, apat,....... fifty one, fifty two, fifty three." Bilang ko sa mga tigyawat ko.

THE REVENGE OF BEBANGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon