Nakasalampak sa kanyang higaan si Hathory na pilit iniiwasang mailabas ang hikbi. Ang isang kamay niya’y nakatakip sa bibig at ang isa naman ang tagapunas ng mga luha sa namumugto niyang mga mata. Maghahating gabi na pero heto parin siya sa panonood ng madramang Korean-nobela sa kwarto niyang tanging ang laptop lang ang nagsisilbing liwanag. Nasa pinakamadramang parte na ang pinapanood niya kaya wagas ang tulo ng bawat luha niya. Talo pa niya ang bida kung makapag-react sa bawat eksena, kahit minsan konting dialogue pa nga lang ay naiiyak na siya..
Pasinghot-singhot siya at mahinang humikbi ng bumukas ang pinto at biglang umilaw. Sumulpot ang kapatid niyang si Harvey. Malamang kararating lang nito galing sa gimik kasama ng barkada nila. She paused what she's watching for awhile.
“hahaha..” nang-aasar na tawa ni Harvey “Sabi ko na nga ba at gising ka pa at nanonood na naman ng mga ganyan. Kakatawa tuloy itsura mo!” sabi nito at tumawa ulit.
“Nakakainis ka naman eh!” sabay bato ng unan kay Harvey na sinalo lang nito. “O, bakit ngayon ka lang? Sa’n kayo nagpunta?” tanong ni Hathory sa namamalat na boses.
“Hehe, sa tambayan lang. Nakakabagot nga wala kaming maisipang asarin wala kasi kayong mga girls doon eh. Tsaka walang maiingay.” Biro nito sa kanya.
“heh! Muka nyo! Ano kala nyo sa amin? Gulpihin namin kayo eh!”
“Hmm.. oo nga, mga amazona pala kayong apat noh?”
“Shut up, UGLY!!!” sabay kurot sa tagiliran nito.
“Ouch ha? Ugly pa talaga nabigkas mo eh ikaw yun eh!” pagkasabi nun tumakbo na siya malapit sa pintuan. “Gabi na matulog ka na ha? Yan problema sayo pangit ka na nga nagpapapangit ka pa!” biro nito.
“Heh! Special child ka naman! Alis ka na nga dito baka ahitan pa kita ng kilay jan eh!”