Chapter 10

1.5K 76 56
                                    

How I ended up inside a hut? Hindi ko rin alam. Basta ang alam ko lang, nakita ko ang dalawang Charlemagne na nag-aaway. They both turned into two really identical wolves and fought I almost shit bricks.

"Babae..." Nagulat ako ng magsalita si Charlemagne. O hindi ko alam kung kakambal niya ba 'to. Kahit kasi boses, parehas sila!

"Carlo?"

Umiling siya.

So, si Lothair nga ito.

"Nasaan si Charlemagne?" Tanong ko habang niyayakap ang sarili.

Nang mag-away kasi sila kanina, napatakbo na lang ako. Fvck the direction. I just wanted to get out of their sight. Nako naman kasi, bukod kasi sa baka malapa nila ako, eh ayoko na naman ma-witness ang pagbabalik nila sa katawan tao. Dahil alam ko naman ang nakita ko last time.

"Ang tanong ay kung bakit kasama mo siya. At bakit kilala mo ang kapatid ko."

Hindi agad ako nakasagot. Nakatakip lang kasi siya ng dahon!!! Nagbabalik na naman sa ala-ala ko 'yung Tarzan.

"Ang tanong, kung magta-transform kayo, bakit hindi na lang kayo maghubad na muna ng damit para hindi nasisira. Dahon-dahon ka tuloy ngayon.

"T-transform?"

Hekhek. Malamang 'di rin siya maalam. Pero alam kong the rest ng sinabi ko, narinig niya na. Kaya siya namula.

"Oh, nasaan na si Carlo?"

"Hindi ka ba natatakot sa'kin?" Tanong ni Lothair.

Ngayon niya pa ba 'yan tatanungin. Nagtatakbo na nga ako nang makita kong bigla na lang naging malalaki silang aso ni Charlemagne. Pero ngayong namumula siya pagtapos ko sabihin 'yung tungkol sa dahon, matatakot pa ba ako?

Hinanapan ko tuloy sila ng pagkakaiba ni Charlemagne.

Mas matapang ba si Lothair? Mas mataray? Akala ko ganun nung una. Ilag na ilag kasi siya at halatang galit. Pero ngayong para siyang blushing teenager, parang parehas na naman sila. 'Yan ang mahirap dahil ilang araw lang naman kaming nagkasama ni Carlo para malaman ko agad ang difference. Eh spitting image lang niya itong si Lothair.

"Nasaan si Carlo?" Tanong ko ulit. Hindi ko sinagot ang tanong niya.

"May relasyon ba kayo?"

"H-ha?" Agad-agad, tanong niya!

"Alam mo ba kung ano siya?"

Hala, mag-away ba kayo sa harap ko as werewolves tapos itatanong pa nito.

"Layuan mo siya." Sabi niya habang papalapit sa'kin.

"Wow. Sino kaya ang lumapit sa'kin? Ako ba? Sabihin mo 'yan sa kapatid mo." Kung kaya niya. Eh patay na patay yata 'yun sa'kin.

Ayan. Taglandi pa rin ako, nasa oras na nga ng panganib. I'd say I'll blame this on the fantasy books I've been reading. Masyado ng naromanticize ang mythical creatures sa isip ko na ngayon nakakakita ako ng isang uri, in flesh, eh hindi na ako ganun natatakot.

Unless magpaka-beast na naman sila.

"Alam mo bang kaya kong tanggalin ang ulo mo mula sa katawan mo ng isang kagat lang?"

Aaminin ko. Nakakatakot isipin 'yon ah. Spine-chilling. Pero bakit hindi niya gawin if he really means it. Malamang nananakot lang ito.

"Do it." Ang tapang ko mag-dare ah! Pero I was clutching my fist so hard halos bumaon na kuko ko.

"Matapang ka..."

"Lothair!!!"

Sabay kaming napatingin sa gilid namin. Of course, si Carlo. Biglang gusto kong umiyak sa saya. My kyoti Charlemagne is back.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 06, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Loving Charlemagne BaldiviaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon