Chapter 10 - Tug of hearts

8 1 0
                                    

Clarence's POV

Naks! May POV na din ako, thanks author!

(A/N: You're welcome.. n__n)

Oh eto na nga, lunch break na pero wala pa din sila Gilbert at YanYan. First time in history yan mga brad haha pero okay lang dahil sa wakas masosolo ko na din si my loves ko!

Palagi kasi silang mag kasama ni YanYan, si Gilbert naman ay palagi akong inaasar sa tuwing kakausapin ko si my loves. Kaya minsan, hindi namin maiwasang mailang sa isa't isa.

At ngayon may time na kaming mag bonding na dalawa, I'll treat her today sa isang class na restaurant. Walang mang-aasar, walang bantay, at walang mang gugulo.

*inhale* *exhale*

This is it!

"Ish! Tara mag lunch, my treat."

Sana pumayag siya...

"Okay!"

Sana pumayag siya...

Sana pumayag siya...

Sana pumayag siya...

"Uy? Tara na?"

Wait a sec..

Pumayag siya?

"Clang!"

Napatalon naman ako sa lakas ng sigaw niya.

"Bat ka nakatanga diyan? Tara na, gutom na ko."

Basta pagkain talaga hindi nito inuurungan.

"Ah.. hehe sabi ko nga tara na."

Kainis! First move pa lang palpak na haaaaay...

"Jane!"

Naglalakad kami ni my loves sa corridor ng may tumawag sa kanya dahilan para matigil kami sa paglalakad at mapalingon sa likuran.

Jane? Oo nga pala, yun ang second name ni my loves! Pero bakit kilala siya nung bagong classmate namin?

"Magkakilala kayo?" tanong ko kay my loves.

"Ha? ahm.. parang ganun na nga hehe."

Pero paano sila nagkakilala? Kailan? Saan?


"Hi Jane!" Sabi nung nakangiting hilaw na singkit.


"Hello Pat." Bati naman ni my loves habang nakangiti. Kulang na lang umabot sa bumbunan niya yung lawak ng ngiti.


"Do you want to join us for lunch?" Tanong nung Pat.

Hindi pwede, ako yung unang nag aya!

"Pasensiya na pero si Clarence kasi yung naunang nag aya eh." Yan! Tama yan. Ang bait talaga ni my loves kaya mahal na mahal ko tong babaeng to eh.

"Oh? If that's the case, can we join you for lunch? My treat."

Tumingin si my loves sa kin so ibig sabihin hinihingi niya yung permiso ko. At dahil natuwa ako sa ginawa niya ay napatango tuloy ako.

"Sige," sabi ni my loves.

"Alright, by the way I'm Patrick Neil Sanchez and you are?"

"Clarence, Clarence Saavedra." Sabay abot sa kamay niya.

"And these are my friends, George and Johnny."

Unang lumapit yung George kay my loves.

"Hey gorgeous, I'm George so pangalan pa lang bagay na tayo."

Loko to ah?!

"Ops! Awat na pre."

Hinila ko si my loves sa tabi ko kaya napabitaw siya ng hawak dun sa ugok na yun.

"Mine's Johnny." Sabay tango sa aming dalawa ni my loves sabay batok kay George. "Tsk! womanizer."

"Where do you wanna eat?" tanong ni Pat.

"Sa cafeteria na lang para hindi tayo ma late sa afternoon class natin."

Mas mabuting doon na lang kami kumain para naman makaalis kami agad ni myloves.

---------------

Kumakain na kami dito sa cafeteria pero parang walang gana si my loves ah? Tsaka kanina ko pa napapansin na nakatitig lang siya kay Ish ko mula kanina kaya paano makakalunok si my loves ng pagkain? O baka ayaw niya yung pagkain. Akala ko walang istorbo sa amin ngayon. Pagkakataon nga naman.


"Ish ko, okay ka lang? Ayaw mo ba ng pagkain? Ibibili kita. ano bang gusto mo?"


"Nako hindi na! Okay lang ako, masarap nga oh." Saka siya sumubo ng pagkain.

"Ish mo?"

Napatingin naman kaming apat kay Pat. Ngayon ko lang siya narinig mag tagalog.

"Oo bakit?" sagot ko naman.

"Bakit? Kayo na ba?" Saka siya ngumiti ng nakakaloko.

Kayabang naman nito?! Hindi ako pwedeng magpatalo. Naka 1 point na nga siya dahil sa panlilibre, kailangan kong bumawi!

"Hindi pa.. pero malapit na."

*cough* *cough*

Nasamid si my loves kaya inabutan ko siya ng tubig. Kaso pati si Pat inabutan din siya ng tubig. Papalit palit ang tingin sa aming dalawa ni my loves na halatang naguguluhan kung kaninong tubig ang aabutin niya.



Yes! Sa akin yung kinuha niya pero..



Kinuha niya din yung kay Pat at nang mapatingin ako sa kanya, aba! Ang lakas ng loob na ismiran ako ah?!


"Tara na guys, malapit na mag bell." sabi ni my loves.

=====================


A/N: hello Baby Gees! Nakapag update din sa wakas!


Anong team kayo? Team Clash (Clarish & Clarence) or Team Janel (Jane & Angel)?


Please feel free to vote & comment! Bukas ulit ang update.




November 10, 2015

Obsession [On Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon