Last Chapter

11 0 0
                                    

Ending

Maaga akong nagising. This is it! Sabi ko sa sarili ko, tama nga sila. Hindi lahat ng ending masaya, dahil may mga ending na bitin. Kasi 'yung ending namin? Happy lang, pero may ending.

Masakit? Check! Mahirap? Check! Nakakapanghinayang? Check na check! Pero lahat yon maiisip mo na, baka kasi may reason kaya yun nangyari. Sabi nga sa kanta, "they say bad things happen for a reason," kasi hindi lahat ng alam mong tama hindi na dapat pang wakasan, minsan ito lang 'yung pinaka tamang gawin para mahinto yung sakit at pighati sayo.

"Ashley, nandyan na sina Gabbie." Ani mama, habang ako naman nagsusuklay pa. Ewan ko ba! Feeling ko kaylangan kong maging presentable sa harap ni Rade, sa huling pagkakataon.

"Wow! Bihis na bihis a. San ang lakad natin?" Pagbibiro nya at saka ako inakbayan, "Excited ka na ba, Ash?"

"What? No! I mean, gusto ko lang talaga syang maka-usap." I said while taking her hands off me. Amoy banana bread iyon at panigurado kumuha na naman 'yon sa mga ititinda ni mama.

Gamit na naman namin ang sasakyan ni Gabe, papunta sa place kung san kami mag-uusap ni Rade. Masyadong tahimik, at masasabi kong ito 'yung Awakward na tahimik. Siguro na-feel yun ni Gabbie kaya nagpa-tugtog nalang sya.

Park. Dito kami huminto, ang peaceful nung lugar, may mga palarauang pambata, at mayroon ding lugar para sa mga gustong mag picnic. At doon nga kami dumiretso, nakita ko si Rade na naka-upo sa isang blanket na naka-latag don.

I smiled at him, yung pinaka genuine kong ngiti ba! He also smiled, at me. And it feels good na kaya nya na din akong ngitian ngayon. I thought hindi pa rin nya ako papansinin, eh.

"Hi, Rade." Bati ko sa kanya, bago ako maupo. Tanging ngiti at tango lang ang ginawa nya. Oh-kay! I understand..

"Oh, guys! Kain muna tayo ha? Bago kayo mag-usap, pandesal lang kasi ang nakain ko kanina," pagmamaktol ni Gabbie. "Ito kasing si Gabe pinagmamadali ako, ang arte!" Aniya.

"Ang usapan kasi natin 9:30am e, diba?" Ganti ni Gabe.

Sa pagkain namin silang dalawa lang 'yung maingay kami ni Rade, busy lang sa pagkain. May trabaho na kaya sya? Mag ti-take na din kaya sya ng board exam? Hm, kamusta na kaya sya? Ang dami kong gustong itanong sa kanya, pero alam mo 'yon? Wala akong lakas ng loob.

"Sige, usap na kayo dyan mga kapatid." Ani Gabbie at saka tumayo, "Gabe 'dun tayo sa may playground!" Pag-aaya ni Gabbie.

"Sure, let's go." At don na sila nag simulang mag habulan. Nakakatuwa!

"Para silang mga bata noh?" Sabi ko at saka binalingan ng tingin si Rade, na ngayon ay nakatitig sa akin, "may dumi ba?"

"Wala. I just want to look at you, for the very last time," Aniya.

"Ano ka ba? Para ka namang nagpapaalam nyan, magkikita pa naman tayo e, diba? Jusko! Lapit lang naman ng bahay natin, e. Wag ka nga!" I said, trying to lighten up the mood.

"Aalis na ako, bukas."

"W-what? I mean, why? Bakit?" Gulat kong tanong mula sa kanya.

"Ash, nakahanap ako ng trabaho sa ibang bansa. Feeling ko kasi nandoon ang swerte ko. I also want to travel the world, alam mo yan." Ani Rade.

"Chaka, gusto ko din kasing magpalamig sa problema dito, Ashley. Problema ko sa ating dalawa. I'm sorry for being a jerk, Ash. I know nasaktan kita ng sobra, to the point na umabot nang muntik mo nang makalimutan yung sarili mo para sa akin. Masakit na nakikita na naman kitang bumabalik sa dating Ashley na mahina at walang ibang alam na gawin kundi ang magpakababa para lang sa taong mahal nya, ayoko non. Ako yung mas nasasaktan, eh. Kaya I am so sorry, Ash."

"Akala ko, pag sinuggest ko yung pag bi-break natin mas makakabuti. Mas maiibsan yung sakit sa pagitan nating dalawa. Akala ko lang pala, pero ngayon alam mo? Na-realize kong tama 'tong naging desisyon natin. Tama na wakasan ang isang masayang relasyong nauwi sa isang malaking sakitan, expired na, kumbaga. And today, I am looking forward na maka move on sayo."

Ako mismo, nagulat sa lahat ng sinabi ni Rade sa akin. Natural lang na gawin ko ang lahat dahil mahal ko sya. Martyr? I don't think so! Parang gripo kung tumulo ang luha ko sa mga sinabi nya, sakit at pighati ang naramdaman ko dahil don. Masakit dahil aalis na sya bukas, ni hindi manlang nya sinabi sa akin para naman napag handaan ko. Dahil kahit wala na kami mayroon pa ding kahit konting pagmamahal para kay Rade, siguro as a friend. He's a good guy, and I hurt him.. A lot.

"B-bakit.. Bakit ngayon mo lang sinabi sa akin? I hate you!" Pabalik na sagot ko sa kanya.

"Tingin mo masasabi ko 'yon ng agad agad? Alam kong nasaktan kita ng sobra, alam mo namang wala akong experience pa sa mga relationships, pero nag take ako ng risk para sayo. Because I know I can love you, unconditionally. Pero wala e, nandito na tayo sa finish line ng relationship natin. Sabi ko non sa sarili ko, ikaw na talaga. Hindi ko maiisip na ma-fall out of love sayo,"

"Ilang taon ba naman kitang pinangarap, diba? Ikaw 'yung babaeng nagpapa-utal sa kin. Ikaw 'yung babaeng kahit na masaya sa piling ng iba ayos lang sa akin. Kasi nga, mahal kita. Pero ngayon parang mali na atang mahalin natin ang isa't isa, mas mabuti pa atang maging magkaibigan tayo. Mas okay din siguro kung isipin muna natin 'yung mga priorities natin. I never thought of saying this to you, Ashley. I loved you, and I am looking forward to move on, with you."

Those words stuck my whole body system. Kahit ako hindi ko naisip na masasabi nya sa akin 'yon. Wow! Sinampal sampal ko ang pisngi ko, naghahangad na sana'y panaginip lang. Pero hindi e, napalakas ata 'yung sampal ko sakit eh!

"Ako, Rade. Hindi ko 'din naisip na sayo ako maiinlove ng ganito, akala ko nga noon happy ending na tayo. Yung tipong successful na tayo pareho, natupad na natin 'yung mga binuo nating pangarap. Pero ngayon? I want to agree with you, nakakatawa noh? Dati in love na in love tayo sa isa't isa tapos ngayon, pareho na nating tinatapos 'tong binuo nating relasyon," I am shocked for what I said, hindi ba? Kagulat gulat na saking martyr sa pag-ibig na ako pa mismo ang nag sabi noon.

"Kung ito man ang pinaka magandang gawin para sa ating dalawa, gagawin ko. Rade, mahalaga ka sa akin. At ngayon I can say that I have moved on with my past, thanks for treating me like your queen. Those memories were amazing, and I like it. Thank you for everything. I'll see you soon.."



The End..

AN:
Bitin ba? Don't you worry guys, may book pa po nito. I'll post it soon.

Thank you for all your support sa story. Super na-appreciate ko po. :)

Break FreeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon