Chapter 19- Text message

23 3 1
                                    

Sam POV:

Tinawag ako ni Kath pero hindi ko na siya nilingon, ang gusto ko lang ngayon ay layuan siya. Nasa hallway na ako papaunta sa hagdan ng narinig ko ang boses niya

"Hoy! Ano bang problema mo kanina ayaw mong sumayaw tapos ngayon ayaw mo akong tulungan" imbis na sagutin ko siya ay nagtuloy na lang ako sa paglalakad "ano? Hindi ka nanaman magsasalita?!, kanina ka pa ganyan. Ano ba talaga ang problema mo" di pa rin ba ko titigilan nito napipikon na ako ah

"Hey.. Hi.. Hello.. Multo ba tong kausap ko at hindi nagsasalita.. Ah baka hangin" para na siyang tanga sa ginagawa niya. Winawasiwas niya pa ang kamay niya para mapansin ko siya

"Puwede ba tigilan mo na nga yan" mahinahon kong sabi

"Hay salamat nagsalita na rin ang hangin" pangaasar niya sakin "ano ba talaga ang meron sayo at hindi mo na ako pinapansin" tanungin niya kaya sarili niya kung ano ang problema ko "eto nanaman di ka nanaman ba magsasalita?" Huminto ako at bumuntong hininga

"Ang kulit mo rin eh no, huwag kang mag-alala ako na ang kakausap kay dad na huwag ng ituloy ang punishment na to" pababa na ako ng hagdan ng hinarang niya ako

"Tumabi ka nga diyan!" Kasi hindi pa rin siya gumagalaw kaya umiwas ako para dumaan

"Sabihin mo muna kung anong problema mo, sabihin mo kung bakit hindi mo na ako pinapansin atska bakit ka umalis nung iniligtas niyo ako at bakit ba ayaw mong sumayaw at bakit--"

"None of your business so please padaanin mo na ako"

"Seriously, marunong ka rin pa lang magplease" HAYST!, naasar na ako dito ah..

"KATH!" Nagulat ako ng may sumigaw sa likuran ko pagtingin ko si Sophie, buti naman at titigilan na ako nito

"S-sorry kala ko kasi ikaw lang mag-isa yun pala kasama mo ang boyfrie-" di pa niya natatapos ang sasabihin niya ng nagsalita na si Kath

"Oo nga pala may lakad pa kami ni Sophie, sige alis na ako" hay salamat titigilan na rin ako nito and yes naglakad na siya papunta kay Sophie at pababa na rin ako ng hagdan ng nagsalita siya "thank you nga pala and sorry kung ano man ang kasalanan ko" then she walk away, gusto ko siyang habulin that time pero naalala ko na galit pa rin ako sakanya. Bakit ako galit? Di ko alam i think i made myself jealous on how she interact with James but i dont have any rights to feel this thing.

***

Naglalaro ako ng playstation when dad gets home, i need to talk to him para sa punishment. Sinalubong ko siya sa hallway ng bahay bago siya pumasok sa kuwarto cause i knew na siya ang nagutos kay mam na bigyan ako ng punsihment.

"Hey dad can i have a minute with you?"

"Sure, whats the problem?" Then pumasok kami sa kuwarto niya halos matagal din akong hindi nakapasok dito

"Oh ano bang problema?"

"No dad whats your problem, alam ko na ikaw ang nagbigay sakin ng punishment"

"B-but son it can help you moved on"

"No dad!, did you think na kapag ibinigay mo sakin ang punishment na yun matutulungan ako na makalimutan ang nangyari kay mommy. There is no way na makakalimutan ko ang nangyari kay mommy!"

"But son, that accident was 2 years ago kaya dapat natanggap mo na ang nangyari sa mommy mo"

"Ganyan ba talaga kabilis para sayo na kalimutan si mommy?, Oo nga pala mabilis nga lang pala talaga para sayo na baliwalain ang pagkamatay ni mommy kasing bilis ng pagpatol mo in that bitch girl" then he slap me at my face

"You dont know what ive felt when your mommy died kaya huwag mo akong pagsalitaan ng ganyan! Daddy mo pa rin ako!" Humarap ako sakanya at inambahan ko siya ng sampal bilang ganti

"SIGE ITULOY MO!" Kaso biglang bumukas ang pinto and my step-mother was on it

"Are you two fighting?" Tanong niya kaya binaba ko ang kamay ko at lumabas sa kuwarto, i know that was 2 years ago but hindi naman ako katulad ni daddy na madaling kalimutan. I love my mom kaya when she died hindi ko natanggap ang biglaang pag-aasawa ni daddy.

Pumasok ako sa kuwarto ko ng mabigat ang pakiramdam, gusto kong mabawasan ang bigat kaya naisipan kong mag-Facebook muna

*1 new message from Kath*

Hayst eto nanaman siya, kukulitin nanaman ako nito. Di ko nalang siya pinansin at nagpatugtog nalang ako di ko namalayan na nakatulog na pala ako.

***

Pagpasok ko sa room kumpleto na ang lahat ng classmate ko except for Kath, wala pa rin siya sa upuan niya atska bakit ko siya hinahanap eh galit ako sakanya. Dumating na rin si mam and nagstart kami sa lesson. Habang nag-lelesson kami i am trying to focus on what my teacher was saying pero hindi ko magawa i feel incomplete, parang ang bigat pa rin ng katawan ko at ang sama ng pakiramdam ko, if only my mom was here may magaalaga sana sakin. I think i have to sleep medyo late na kasi ako natulog kagabi pero malapit na ang exam namin kaya pipilitin ko munang wag matulog...

"Heeey Mr. Reyes!" May tumatapik sakin and wait nakatulog ako! Pagdilat ko si Sophie nasa harapan ko

"Huy nakatulog ka, sinabi ko na kay mam na late ka nakatulog kagabi kaya pinayagan kang matulog" wait bat alam nito

"Bat alam mo?"

"Syempre, online ka kaya ng 11:30 ng madaling araw and by the way nareceive mo ba yung text ng girlfriend mo?"

"Ha? Whos your talking about?"

"S-si Kath diba ka--"

"Ah.. Oo nga pala wait let me check it" then kinuha ko yung phone ko and then read the message from Kath

*Hi Kumag, bahala ka na muna diyan sa punishment natin ah, we are just having a family vacation here. Kaya ako nagpaalam kasi baka sabihin mong tinatakasan ko yang punishment natin sige babye, hope na may magawa ka na diyan*

"What? Iiwan niya sa akin mag-isa yung paglilinis dun!" Bulong ko kaya napatingin sa akin si Sophie at ngumiti

"Uhmm. I was thinking...kasi wala naman akong gagawin mamayang uwian, so i can help you as a representative for Kathy" di na ako nagsalita kasi okay na rin yun atleast ngayon may kasama na akong maglinis. Kaya ng maguwian pinauna ko nang umuwe ang mga ka-teammate ko kasi ayokong sabihin nila na taga-linis nalang ako ng music room pagtapos dumiretso na ako sa taas para pumunta sa music room nagulat ako ng nakita ko si Sophie na nakapatong sa upuan at nagpupunas na ng window.

"Wow ah, kala ko hindi ka na darating eh" ive just smirked pagkatapos kumuha ako ng basahan at pumunta sa bintana at tumabi sa puwesto ni Sophie

It Is All DestinedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon