Lipat Bahay
@Shyleelorin's POV
Hello Author! Share ko lang yung creepy experience ko.
2011 nung lumipat kame sa isang bahay dito sa Antipolo. Okay naman nung una yung nilipatan naming bahay. Maaliwalas sa pakiramdam nung unang linggo naming pagtira pero akala lang pala namin yun.
Nang maka dalawang linggo na kami dun, dun na nagstart yung pagpapakita nung babaeng nakaputi. Sa hagdan, sa CR pero mas madalas sa kwarto.
Nung maka isang taon na kami dun sa bahay na yun, nagworst yung pagpaparamdam at parang dumami na sila. Paano ko nasabing lumala? Ito ang kwento.
Nakitulog yung friend ng Mama ko sa bahay nun. Bandang 2am, nagising daw siya kasi parang may kumakaluskos pero pinagsisihan niya yung pagdilat niya dahil sa nakita niya. Ang sabi niya may bata daw na pumasok sa CR. Nagtaka siya bakit magkakaroon ng bata nun sa bahay e puro na kami dalaga kaya nagdecide siya na tignan pero pag bukas niya ng pinto, sinalubong lang siya ng malamig na hangin.
Ito pa, ako mismo naka-experience nito. 4am nagising ako dahil papasok ako sa trabaho ko nun. Ginawa ko muna yung daily routine ko bago maligo. Tapos nakita ko si Mama na unang pumasok ng banyo so okay lang kasi hindi pa naman ako maliligo. Nung umabot na ng halos kalahating oras, kinatok ko na si Mama.
"Ma, hindi ka pa ba tapos? Malilate na ako!" Tapos sumagot siya.
"Sandali malapit na." Edi naghintay ulit ako sa labas ng pinto. Maya maya may narinig ako na bumababa ng hagdan. Napanganga nalang ako nung makita ko yung Mama ko na kagigising lang. At ang sabi pa saken.
"Oh? Ba't di ka pa naliligo? Diba may pasok ka pa?" So, sino pala yung nakita ko na pumasok at sumagot sakin sa CR?
Ito pa, friend ulit ito ng Mama ko na naka-experience. Sa bahay pa din namin. Describe ko pala muna yung bahay namin. 2 storey house, kahoy yung sahig sa itaas kaya rinig na rinig mo kung may naglalakad. So, eto na nga, natutulog nun si Mommy Jules (Ito yung kaibigan ni Mama) sa salas, nagising siya sa ingay na nanggagaling sa taas. Ang sabe niya, may tumatalon talon daw na parang may naglalaro. Nung una hindi niya daw pinansin pero nung maramdaman niyang tumakbo pababa ng hagdan at may sumitsit sa kanya knowing na nag-iisa siya sa bahay ay dun na siya napatakbo palabas.
Ito pa, dun padin sa bahay. Galing yung Mama at kapatid ko dun sa dati naming tinitirhan. Pag-uwi nila ng hapon, mga bandang 4pm na yun, umakyat yung kapatid ko sa taas para magpalit ng damit. Pagbaba niya, putlang putla siya at di nagsasalita. Di nalang namin pinansin kasi akala namin pagod lang. 6pm umalis kami ni Mama at namalengke. Pag-uwi namin, bandang 8pm, yung kapatid ko na putlang putla nung umalis kami, naabutan namin na nagtatago sa ilalim ng lamesa namin. Nagalit pa yung Mama ko nun kase ano daw ginagawa niya dun. Dun na siya nagkwento at umiyak. Nung hapon na pag-akyat niya daw sa taas, napatingin daw siya sa salamin at nagulat siya kasi nakita niya yung sarili niya naka-upo sa upuan, nakatungo at mukhang malungkot. At kaya naman siya nagtatago sa ilalim ng lamesa kasi nakita niya na may paa na bumababa sa hagdan.
Dun na kami nagdecide na patignan yung bahay. Yung Tita ko, may sinama na parang espirista sa bahay. After ng cleansing sinabi niya na may mga nakatira daw sa bahay na dalawang bata, babae't lalaki, matandang lalaki at babae. Yung nakapagpataas lalo ng balahibo ko yung sinabe nung espiritista na "Yung babaeng nanggagaya ng mukha e naglalakad patiwarik sa kisame at ayaw umalis dito sa bahay niyo."
Dahil sa sinabing iyon ng espiritista ay napagpasyahan nalang naming lumipat ng bahay. Kung ayaw nilang umalis doon, pwes, kami ang aalis.
_END_
BINABASA MO ANG
Nginig! (Compilation Of Horror Stories) KILABOT part 3! [ON GOING]
HorrorIhanda na ang sariling matakot at kilabutan dahil dito sa pangatlong yugto ng Nginig, sisiguraduhin kong manlalamig ka. Sisiguraduhin kong pagpapawisan ka. At sisiguraduhin kong pagkatapos mong basahin ito... MANINIWALA KA NANG TOTOO SILA!