Watashi wa anata o eien ni aishimasu

41 1 0
                                    

Watashi wa anata o eien ni aishimasu (One shot)


"Oy Lian, tara na nga sa locker!" –Bryan

"Teka nga okay?" inayos ko yung gamit ko at lumapit na sa kanya. "Tara." –me

"Wait, si Ethan yun diba?"

"Wag mo nga mabanggit banggit sakin ang pangalan na yan okay?"


Who's Ethan? Sya ang ex ko. Last year lang kami nagbreak an hanggang ngayon bwisit ako sa kanya. Move on na ko nuh hahahaha, ni hindi ko nga alam kung bakit sa lahat ng lalake sa mundo eh sya pa ang naging boyfriend ko.


"Hindi ka pa ba move on kay Ethan?"

"Ha? You know what Bryan, matagal ko ng sinabi sayo na move on na ko. Matagal na kong move on sa gagong yan okay? Tsaka pwede bang wag mong mabanggit banggit sakin ang pangalan nya Bryan okay? Dahil kumukulo ang dugo ko kapag naririnig ko ang pangalan nya."

"Relax ka nga lang pwede ha Lian? Nagtatanong lang ako kaya wag kang beastmode dyan."


Bestfriend ko yang si Bryan eh, loko loko kung minsan. Magugulat kana lang sa mga kalokohan na itatanong nyan sayo like, "Pwede bang manligaw?" , "Dapat kasi ako na lang ang minahal mo eh." , "Pwede ba kitang maging girlfriend?" and etc etc hahahaha.. Kaso nga lang minsan nararamdaman ko na parang totoo eh.


"Alam mo Lian, kung mahal mo ko sana sinabi mo na lang." –Bryan

"Ha? Pinagsasasabi mo?" –me

"Para masabi ko sayo na mahal din kita at meant to be tayo." Tumawa sya ng malakas at naglakad papalayo.


Tingnan nyo oh, gago talaga oh. Kabwisit ugali nya. Akala nya nakakatawa mga biro nya. Wag nya kong sasanayin sa mga biro na yan dahil baka dahil dyan eh mahulog bigla ang loob ko sa kanya.

Pumunta na kami sa locker at pagkabukas ko ng locker eh may nahulog bigla na letter. Teka anu naman to ah?


"Naks may letter hahaha!! Dalaga na ang bestfriend ko ah." –Bryan

"Tigilan mo ko Bryan ah." –me

"What? Hahahahaha! Naks talaga oh, pabasa nga!"

"Pabasa ka dyan? Sayo ba to ah, sayo ba? Kung makapagsabi ng pabasa ah."


Tumawa sya ng malakas at inakbayan ako bigla.


"Alam mo dapat sinabi mo na lang sakin na gusto mo ng love letter nuh. Ako na mismo magbibigay sayo para alam mo kagad ang nararamdaman ko."

"Isa pang banat Bryan, babanatan kita dyan takte ka ah."

"Hahahahaa!! Hindi na po boss Lian."


Binasa ko na yung letter at nawindang ako sa nakasulat. Teka anung klaseng salita to lol.


To: Jillian Maris Alvarez

Watashi wa anata o eien ni aishimasu

From: DGB


DGB? Ano to, Dragon Ball? At tsaka anung watashi—chuchu ewan ang pinagsasasabi nito? Anu to, alien?

Watashi wa anata o eien ni aishimasu (One shot) (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon