Ayokong masaktan si Nel, I consider his feelings now na dati rati I don't really care.
Ano ito ??? Hay puso bakit paiba iba ang tinitibok mo , nalilito na tuloy ako.
At si Gary, sa kanya ba ako inis o sa relasyon nila ni Glenda ?
Naku Yel, ayusin mo ang sarili mo ha ! At mag isip isip ka na .
Mag isip ng tama.Dinner Time :-)
Nagbalik nga si Nel. Habang nagkukwentuhan sina Nel at Gary sa sala , tinulungan ko muna sina mommy sa paghahanda ng table.
Ssshhhhh...nag uusap ang dalawang bestfriend ni Yel...
" Nel , tol wala ka bang balak ligawan si Yel ? Para mawala na ang pagiging childish hahaha." Tanong ni Gary.
" Gar tol, alam mo naman since before na gustung - gusto ko si Yel , kaya lang wala pa talaga sa isip niya ang relationship at sabi nga nila tita hangga't maari ayaw muna nilang magka boyfriend si Yel." Paliwanag ni Nel.
" Mabait sina auntie, maiintindihan nila kung maging kayo man ni Yel. At kilala ka na nila." Tugon ni Gary.
" How about you Gar ? Hindi ka ba nagkagusto kay Yel ?" Tanong ni Nel.
" Hahahaha, kababata lang natin si Yel, oo charming siya pero parang kapatid lang ang turing ko sa kanya." Paliwanag ni Gary.Nasa ganun silang pag - uusap ng tawagin ko na sila para maghapunan.
" Ang sarap naman po yata ng niluto ninyo mga tita ko hahaha." Papuri ni Nel. Habang pinauupo ko siya sa tabi ko.
Si Gary nakaupo opposite ng kinauupuan namin ni Nel pero magkaharapan kami.Inistima kong mabuti si Nel, binigyan ng rice , ulam sa plate niya.
Si Gary nakatingin lang sa amin walang kibo.Habang kumakain nangumusta si mommy kay Nel.
" Nel ikaw, hindi ka pa ba suko sa anak ko ? " tanong ni mommy at nagkatawanan lahat.
Hahahahaha....
" Mommy naman...as if para naman akong napakasutil ." Kunwa'y maktol ko.
" Bakit hindi ba ?" Dugtong naman ni Gary.
Yun lang at tinadyakan ko siya sa paa mula sa kinauupuan ko . Inabot ko ang paa niya na nasa ilalim ng mesa.
" Aray, uy grabe kang makatadyak ." Angil ni Gary.
Hahahaha... tawanan ng lahat.
" Yel, ikaw talagang bata ka !" Si mommy.
" Hilig kasing mag side comment mom eh !" Nakanguso kong sabi.
Hahahaaha...tawanan lang ang lahat.
" O Yel , ano na iha, wala pa din bang nagpapatibok ng puso mo ?" Tanong ng mommy ni Gary.
Bago ako sumagot , hinawakan ko ang tinidor ko at itinuro kay Gary.
" Huwag kang eepal ako ang tinatanong." Sabi ko kay Gary.
" Tita , love is just around , I want the perfect guy, yun ba pong tipong hindi MAYABANG , PRESKO AT SELF CONCEITED ." Habang nakatingin ako kay Gary ng matalim na tingin at siya ay nakangiti lang.
" Eh , ikaw naman Nel, wala ka bang balak ligawan si Yel ? Sabihin mo na habang nakaharap ang mommy niya hahaha." Sunod na tanong ng mommy ni Gary.Sa sarili ko lang....
Ano ba naman itong si tita parang imbestigador.Nangiti si Nel bago sumagot,
" Hayaan ninyo po sisimulan ko na ang panliligaw kay Yel , at hinihingi ko na ang permiso ni tita ." Sabay tingin kay mommy.Nag thumbs up si mommy at ako , naramdaman kong nag init ang pisngi ko .
" Alright , finally may nagkamali kay Yel hahaha." Tuya naman ni Gary.
Mabilis na sumagot si Nel seryoso,
" Tol hindi ako nagkamali, talagang liligawan ko na si Yel.Pwede po ba tita ?"
" Aba 'y oo naman. Basta igalang ninyo lang ang dalaga ko at huwag paiiyakin , kundi kami ng daddy niya ang makakalaban ninyo ." Sagot ni mommy." Uy Yel, bakit pulang pula ang pisngi mo ?" Pansin ni Gary.
" Ikaw ! Kapag hindi ka pa tumigil bubuhusan na kita ng malamig na juice ! " sabay tayo ko at hinawakan ang pitsel ng orange juice.
Tawanan ulit ....hahahaha.Natapos ang dinner namin sa ganung usapan.
Ang mga tao dito, wala ng nakita kundi ako ! ( syempre ako ang bida )Nagpaalam na si Nel at nagpasalamat. Bago tuluyang umalis,
" Yel tulad ng sabi ko liligawan na kita, pinag paalam ko na kay tita. I LIKE YOU AND I LOVE YOU."