Jasmine's POV
Akalain mo nga naman oh! Single na ang dreamboy namin! Hahahaha. Ano ba yan! Kinikilig ako!
"Jusko Jasmine! Jusko talaga!" sabi ni Sab
"Thank You Lord for this wonderful day!" sabi ko naman
"Okay lang kayo?" tanong ni Valerie
Ay. Andiyan pa pala siya! Gosh. Kelan naman kaya siya aalis? Pwede bang mauna na siya dahil kailangan naming mag-spazz ni Sab! Fan girl na fan girl talaga! Hahaha. Number 1 stan kami ni Ken eh.
"Okay lang kami. Hehe" sabi ni Sab
"Ah nga pala. Di ba tinatanong niyo kung sino yung crush ko dati?"
Wow! Sasabihin niya na!
"Ang totoo niyan..... I like.....uhhhmmmm...Red."
Sino daw?
"Ahahahahahahahahahah!!" Biglang napatawa si Sab.
Hala nabaliw na! May karibal kasi siya! Tsk3
"Bakit ka naman tumawa Sab?" tanong ko
"You know...CYRUS..."
Oo nga pala! Hahahahaha! Pinopormahan nga pala ni Cyrus si Valerie! Maiinis yun kapag nalaman na si Red ang gusto ni Valerie. May lihim na galit kay Red yun eh.
"Ahahahahahahahahhahahah!!"
"O bakit ka naman tumawa ngayon?" tanong ni Sab
"Eh natawa na rin ako eh! May naalala kasi ako."
"Ano yun?" tanong ni Val
"Hhhmmmm... wala naman. Paano na si Cyrus?"
"Ha? Cyrus? Anong meron kay Cyrus? Friends lang naman kami eh. Saka I know you'll hate me for this, Sab. Kasi nga di ba best friends daw kayo pero kasi I befriended Cyrus kasi close siya sayo. Ikaw talaga ang gusto kong maging ka-close."
Si Sabine? Why naman?
"Ako? Bakit naman ako?"
"Kasi close kayo ni Red. Like today if hindi kami magkasama ni Cyrus eh hindi ko kayo makakasama. Syempre naman di ba kung ako lang eh wala akong dahilan para maki-join sa inyo. Hindi ko makakasama si Red."
Shaaataaaaappp! Natatawa na talaga ako! Hahaha
"Mas close kaya si Jasmine at Red!" sabi ni Sab.
"Talaga? Akala ko kayo ang close kasi mas nakukwento ka ni Red eh."
Yiiiiiiiii~ Talaga yung si loverboy oh. Aasarin ko nga yun mamaya.
"Talaga? Pero kasi ang alam ko may gusto ng iba si Red."
Potek. Alam ko na kung sino ang tinutukoy niya! Bakit niya ba pinagpipilitan yung sa amin ni Red? Takte talaga. Ngayong single na si Ken my loves magdadamoves na ako! Lalablyf na rin! Joke.
"Oo nga Val. Alam ko din may gusto ng iba si Red" sabi ko naman.
Naka-smile pa nga sa akin itong loka-loka kong kaibigan. Akala niya naman kinikilig ako kay Red. Asa naman siya noh. Pare ko na yun eh. Haha
"Alam ko... halata naman eh. Hindi lang ako sure kung sino. And I don't care kung sino man yung girl na yun! Gusto ko lang talagang maging close kay Red. What if magbago yung nararamdaman niya di ba? I'll do eveything to change his feelings! I really like him!"
Mali naman nang pinagsasabihan itong si Valerie! Mukhang magpapatulong pa siya kay Red! Asa naman siyang tutulungan namin siya! Asa naman siyang tutulungan ko siya! Magdusa siya diyan.
BINABASA MO ANG
You Belong With Me
Teen FictionNakasulat na sa palad natin na tayo ay nakatakda para sa isa't-isa. Teka. Sa palad ko lang ata?