Letter of Acceptance

25 1 0
                                    

Sabi nila edukasyon ang tanging maipapamana ng mga magulang sa kanilang mga anak. Edukasyon din daw ang puhunan natin sa magandang kinabukasan. Pero sa buhay ngayon, magastos ang mag-aral sa magandang eskwelahan kaya nga ba pinipilit kong makakuha ng scholarship sa Le Francois Academy. Ito ang pinakasikat na eskwelahan para sa mga lalaki na nagbibigay ng high quality education sa buong Pilipinas. Mas okay na rin ako sa school na ito kasi malapit lang sa bahay kaya anytime pwede akong umuwi. Excited na ako kasi ngayon ang labas ng results ng exams.

"Tin-tin!!! may dumating na bang sulat??"

"Kuya, wala pa. Relax ka lang. Kanina ka pa tanung ng tanung diyan eh. Paulit-ulit. Chill ka lang. Darating din yun." sabi ni Tin-tin habang nagtetext sa cellphone niya.

"Teka, Tin. Anong oras daw ba kadalasan natatanggap yung mga sulat? Kinakabahan na talaga ako eh. Baka naman hindi ako pasado."

"Kuya... anong sabi ko? Relax ka lang di ba? Malay ko kung anong oras darating yun. Hindi ako kartero. If ever naman, baka naman natraffic lang si Mister Messenger. Libangin mo na lang sarili mo. Manuod ka ng tv. May laban ata ang Miami at Spurs ngayon. Panuorin mo pampalipas oras."

"Sige na nga." kinuha ko yung remote at binuksan yung tv. "Tin, paano kaya kung hindi ako pumasa? o paano kung pumasa nga ako pero hindi ako nakakuha ng scholarship? Patay. Walang malapit na eskwelahan dito satin. Ayokong iwan ka mag-isa dito. Paano kaya kung--"

"KUYA!! Ano ba?! Sabi ko relax lang di ba?! Napepressure ako! >.<"

"hahahaha.. Oh, ikaw naman ngayon ang magrelax. hahaha.. Sorry na. Iniisip ko lang ang probabilities. Ang tagal naman kasi ng sulat na yan."

"Ikaw naman kasi. Dami mong tanong. Pati ako napapaisip sa kakatanong mo eh. >.<"

"Oh, sige na. Sorry na. Bili na lang kita ng ice cream mamaya. Maliligo lang ako. Abangan mo yung sulat ha!"

Tama. Ililigo ko na lang to. Pampatanggal ng kaba at pampalipas oras.

"Tin!!!!!!!! ano?? dumating na ba?" tanong ko pagkalabas na pagkalabas ko ng banyo..

"Kuya, magbihis ka muna nga! Nakatapis ka lang oh! Kadiri ka!!" sabay bato niya sakin ng maliit na unan.

Pagkabihis ko, "KUYAAAA!!!" napatakbo ako ng di oras.

"Nandyan na??!!"

"Kuya, nagugutom na ako.."

"Ang aga-aga pa.. 10AM pa lang, kakain ka na naman?"

"Hindi pwedeng magmeryenda, Kuya? >.<"

Kumuha ako ng 2 orange sa dining table at naupo sa tabi niya, "O, iyan. Wala tayong ibang pagkain eh. Mas mabuti na yan. Healthy snack."

"Kuya, tubiiiiiig.."

"Ayos ka ah. Ano ako? Yaya mo?"

"Sige na pleaaaaaasssse" at nagpacute pa siya..

"Tin, maawa ka sakin. Hindi bagay sayo. Teka lang." tumayo ako at pumunta sa kusina para kumuha ng tubig.

"KUYAAAA!!!!"

"Nandyan na??!"

"Kuya, nagpm yung friend ko..."

"Anong sabi??"

"Hi daw.."

"Anak ng.. Akala ko naman kung ano na. Balik na nga lang ako sa kwarto. Pinaglololoko mo ako eh."

Nang makarating ako sa kwarto, "KUYAAA!!!"

"HINDI MO NA AKO MALOLOKO!! BAHALA KA SA BUHAY MO!!!"

""Kuya!!!!! May sulat ka!!!!"

Ayan na.. ayan na!!!! tumakbo ako palabas ng kwarto.

"Kinakabahan ako. Tin, ikaw na magbukas."

Letter to Jessie Garela

---------------

"To Jessie Garela,

We are pleased to inform that you have qualified the entrance exam and has been given a full scholarship. We expect you to come personally on Wednesday on our office.

Welcome to Le Frances Girls Academy."

---------------

YUN OH!! Pasado ako.. wait, wait.. Le Frances G-G-GIRLS ACADEMY??!!! ANONG NANGYAREEEEEE?!!!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 02, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mistaken IdentityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon