CHAPTER 1

23.5K 291 5
                                    

This is it... ito na po yung Love story ng twin nina Doc Dexen Vera Cruz at Trisha Lyra Galvez, yung bida sa My UNEXPECTED FIANCE.

Sana magustohan nyo.

-O-O-O-O-O-O-O-O-O-O-O-O-O-O-O-O-O-O-O-

Tiktilaok.... tiktilaok.... tiktilaok... wala po tayo sa bundok, alarm tone yan ng cellphone ko, kapag narinig ko na yan ibig sabihin 4 am na at kailangan ko ng gumising, kahit halos ayaw pang dumilat ng mga mata ko.

I'm Hannah Liza Divinagracia, ganda ng family name ko no Divinagracia in English Divine grace, wahh napakabanal na apelyedo, I'm 24 years old, graduate ng nursing pero kasalukuyang nagaaral ng medicine sa isa sa kilalang prestigious school of medicine sa pilipinas, bonga ko ano...pero hindi po ako mayaman, kasi kung mayaman ako hindi ko kailangang gumising ng ganito kaaga para maglaba ng damit ko at makipagunahan sa banyo sa mga kaboardmate ko.... kahit antok na antok pa ako ay pinilit ko ang sarili ko na bumangon, dahan dahan ang ginawa kong pagkilos upang hindi ko maistorbo ang ka roommate ko na si kath na nasa itaas ng double deck na higaan namin.

Ang study light na lamang na nasa mesa ang binuksan ko, nagsalin ako ng mainit na tubig mula sa termos at nagtimpla ng 3n1 na kape, bitbit ang kape at ang marurumi kong damit ay lumabas ako ng silid at pumunta sa washing room, pinagsabay ko ang paginom ng kape at paglalaba, lagpas alas singko na ng matapos akong maglaba, gising na ang iba kong mga kaboardmate kaya may pila na sa banyo, dadalawa lang kasi ang banyo sa floor namin eh mahigit dalawampu kami sa 3rd floor buti na lang at puro kami babae kaya yung mga magkakaclose na ay nagsasabaysabay ng maligo, ako kasi ay ayaw kong may kasabay mabilis lang naman kasi akong maligo, mas natatagalan pa nga ako kapag may kasabay sa loob ng banyo kasi pinagsasabay namin ang paliligo at pagkukwentohan.

Eksaktong alas sais ay nakahanda na ako para umalis, pagbaba ko ay nakita ko ang landlady namin na si ate ley na nakatayo sa tabi ng sasakyan ko.

" Bago na naman to ah... at mamahalin, ang sosyal ng mga sasakyan mo hannah."

" Ate ley talaga... iba na syempre ang may mayayamang bosing, pasaan ho ba kayo.?"

" mamalengke lang sa public market."

" sabay na ho kayo sa akin doon din naman ang daan ko."

" hala wag na nakakahiya naman baka madumihan yang sasakyan mo, makagalitan ka pa ng boss mo."

" hindi ho... akong bahala mababait ho yung mga boss ko."

At sumakay na kami ni ate ley sa bagong bagong adventure na minamaneho ko, yes tama ang basa nyo ako ang nagmamaneho na sasakyan na pagaari ng anak ng boss ko. Nagtatrabaho ako bilang personal assistant ng Presidente ng unibersidad na pinagaaralan ko kapalit nito ang pagaaral ko ng libre sa GMU Galvez Medical University, at monthly allowance na 10k, na syang ginagamit ko na pambayad sa boarding house, pambili ng pagkain at personal na pangangailangan may nakukuha rin akong buwanang pension mula ng mamatay si papa, kaya nakakaraos din naman kahit papano.

Bilang personal assistant ni Doctora Trisha lyra Galvez veracruz ay trabaho ko ang maging secretary nito kapag nasa clinic ito, nurse kapag nasa hospital ito, student assistant kapag nasa GMU ito at Driver kapag tinatamad itong mag drive, at isa sa mga priveledges ko ay ang iuwi sa boarding house ko ang sasakyan nito, para daw madali akong makakapunta kung saan ako kailangan. But since last week, ay nagbago ang routine ng buhay ko dahil sa kalokohang ginawA ng anak ng boss ko.

6:30 am nasa condo na ako ni Tristan, at dahil sa alam ko naman ang password ng pinto nito ay hindi na ako nagdoorbell, dumiretso na ako sa loob, pero nagulat ako ng makita ang sala nito na daig pa ang dinaanan ng bagyo, nagkalat ang lata ng beer, upos ng sigarilyo, mga balot ng junk foods, at mga styro na pinaglagyan ng mga pagkaing inorder sa fastfood chain.

" what the Fuck happen here?" na shock talaga ako, first time kasi yun na naabotan ko ng ganun kakalat ang condo nito at may beer pa talaga at sigarilyo, kaylan pa natutong manigarilyo ang lalaking yun.

" Tristan... tristan..." tawag ko sa pangalan nya, naglakad ako papunta sa silid nya at walang katok katok na pumasok ako sa loob, nakita ko itong nakadapa sa kama tulog na tulog pa rin at naka boxers brief lang, nasanay na akong naabotan ng ganun ang hitsura ng lalaki, sa mahigit anim na taon na pagiging magkaibigan namin nitong si tristan na anak ng boss ko ay sanay na sanay na ako na makakita ng halos nakahubad ng lalaki, linapitan ko sya, hinawakan sa likod at inalog.

"Tristan, ano ba gumising ka na dyan, malelate na tayo."

Umungol lang ito.

" Tristan please parang awa mo na gawin mo namang madali ang trabaho ko oh... bumangon ka na dyan." at inalog alog ko uli sya, pero umungol lang ulit sya.

" hindi ka na nakakatuwa, bangon na sabi." pilit ko siya hinila paharap sa akin.

" Ano baaa..." paungol na sabi nito, na hindi pa rin idinidilat ang mga mata.

" hoy tristan, kapag hindi ka bumangon dyan hihilahin kita papasok sa banyo."

Ng hindi pa rin ito kumilos ay hinawakan ko na sya sa kamay at pilit na hinila pababa sa kama, pero bigla nya akong hinila kaya napasubsob ako sa ibabaw nya tapos bigla syang tumagilid kaya napahiga ako sa kama at bigla syang umibabaw sa akin sabay sunggab sa labi ko.

Napakabilis ng mga pangyayari hindi ko inasahan yun kaya napanganga ako para sana magsalita pero wrong move kasi lalo lang naglapat ang mga labi namin, at may kakaiba akong naramdaman ng mga sandaling iyon, tila bumilis bigla ang pintig ng puso ko, naginit ang pakiramdam ko, hindi iyon ang unang halik ko, hindi naman ako ganun ka inosente nakailang boyfriend na rin ako at natural lang naman sa mag kasintahan ang maghalikan, kaya masasabi kong iba ang pakiramdam ko ng mga sandaling iyon, at hindi pa ako nakaramdam ng ganun sa buong buhay ko.

Unti unti ay naramdaman ko ang marahang paggalaw ng labi nito, napapikit na lang ako ng biglang umangat ito at tumilapon sa sahig, bigla akong napatayo nakita ko kasi si tristan na nasa ibabaw ng isa pang tristan at sinasakal ito.

" walanghiya ka papatayin kita." sabi nito, mabilis akong kumilos, bigla ko itong itinulak.

" stop it!" sigaw ko.

MY TWIN BOYFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon