A/N: Alright readers! Konting push nalang! Haha. Now, Chapter 39 is ready! Hope you'll like it. Enjoy reading!
Quote of the day:
• Don't try to fix what's been broken in your past, let your future create something better.
******
Darren Stanley's POV:
Sa lahat ng ayoko, ang mag-practice sa graduation -_- Ilang pagkakamali lang uulit na naman from the top. Nakakainis! Si Jewel gagraduate siya. Makukuha yung certificate niya. Kaya lang wala siya. Natapos naman kasi niya ang school year. Umalis siya ng bansa nang patapos na ang pasukan tsaka valid naman ang excuse niya. Si kuya John nalang yata ang kukuha ng certificate niya eh. Kasama namin silang magce-celebrate ng graduation namin. Kaya lang kulang. Wala si Jewel.
"Gusto mo ng tubig?" Tanong sakin ni Baby girl.
"Oo. Meron ka ba?"
"Heto."
"Ayieeh, indirect kiss tayo? Tangina, huwag ganyan baby girl. Nagiging manyak ka." Nakangisi kong sabi.
"Sira! Ibinili kita ng iba." Sabi at pinukpok pa sa ulo ko ang bote ng tubig.
"Aray naman. Joke lang eh." Sagot ko at sinimangutan siya.
"Nakita mo si Jayshin?" Tanong ko. Break kasi namin sa practice. Kaya lang nawawala siya.
"Pumasok sa loob ng room. Nagpaalam siya."
"Tara, puntahan natin siya." Akmang tatayo na 'ko nang pigilan niya 'ko.
"Huwag. Hayaan muna natin siyang mag-isa. Iniisip lang niya si Krizlee. Alam mo namang ilang linggo pa lang sila tas long distance agad. Ang masaklap pa, hindi natin makakasama si Krizlee sa Graduation. Meron na yata silang plano ni Jayshin. Kaya lang hindi matutuloy dahil wala si Krizlee." Sagot niya.
"Bat alam mo ang tungkol diyan? Naki-chismis ka?" Tanong ko pero binatukan niya 'ko.
"Sadista ka talaga. Aish. Natural ikinukwento sakin ni Krizlee noon." Sagot niya at nag-face palm pa.
"O'na." Sagot ko.
"Seniors! Prepare for the continuation of our graduation rehearsal now." Anunsyo ni Ma'am Torres. Tss, practice na naman.
"Itetext ko na si Jayshin." Sabi ni Baby girl.
"Sige."
"Ayoko ng magpractice."
"Yung mga kilay mo. Nagkakasalubong na naman." Sabi niya pagkatapos niyang magtext at hinaplos ang mga kilay ko.
"Gwapo naman. I love you." Sabi ko.
"I love you din."
"Huwag nga kayo dito maglambingan. Nakakairita." Reklamo ni Kean.
"Bitter." Sabay naming sabi at pumwesto na.
Kristine's POV:
Naalimpungatan ako nang biglang naramdaman ko ang pagsakit ng tiyan ko. Sumandal ako sa headboard ng kama tsaka hinawakan ang tiyan ko. Si Kai naman ay mahimbing pa ring natutulog. Magkatabi na kaming natutulog simula nang malaman niya ang tungkol sa pagbubuntis ko. Baka daw kasi may mangyari sakin kung magkahiwalay pa kami ng kwarto.
"Haayy, ilang buwan nalang baby, lalabas kana. Patulugin mo muna si mommy. Inaantok pa si mommy mo eh." Sabi ko kaya napangiti nalang ako. Excited na 'kong makita ang anak ko.
"W-wife?" Mapupungay pa ang mga mata niya at halatang inaantok pero umupo siya sa tabi ko, "Anong problema?" Tanong niya.
"Naalimpungatan lang. Bigla kasing kumirot ang tiyan ko. Parang naiipit." Sagot ko.
BINABASA MO ANG
Memories of the Past (One Liter of Tears)
Teen FictionHow would he bring back all their memories of the past if he's the reason why she forgot everything? Does he deserve a second chance to make all his doings and decisions right? Would she give another chance? Would she accept his love again? Let's re...