Chapter 2

489 12 0
                                    

[Airish]

Kinurot ko ang pisngi ko. Ouch!

Masakit! So di ito imagination o panaginip?

Humakbang pa ako papalapit sa kanya para masiguradong siya nga yung posteng lalaki pero perks naman at nadapa pa ako.

"Aray..." Bakit ba kasi may bato dito sa dinadaanan ko?

Tsk. Ang epic tuloy.

Narinig ko namang tumatawa siya.

Di ko siya tiningnan at pinagpagan ko na lang ang uniform ko. Lalo lang akong mababadtrip kapag nakita ko pa kung paano niya ko pagtawanan.

Tch. Bakit ko ba naisip na si Raymart ang lalaking 'to eh kung si Raymart siya malamang ngayon ay tinulungan na niya akong tumayo. Psh!

Lalo pa akong napangiwi nang makita kong may sugat sa tuhod ko. Sana pala yung jogging pants ang sinuot ko para sa PE hindi itong shorts. Tsk.

Kung minamalas ka nga naman talaga oh!

"Still a clumsy cat eh?"

Napatingin ako sa kanya sa sinabi niyang 'yon. Again for the second time tinawag niya akong 'clumsy cat'.

And now he's smiling at me. Ewan ko kung bakit pero parang nag-slow-motion ang paligid ko and this familiar feeling inside my heart...

posible kayang...

"Raymart?"

Lumawak ang ngiti niya.

My heart skipped a beat. Siya si Raymart? For real?

Pero bakit Lance ang tawag sa kanya?

"I-ikaw ba yan Raymart?"

"It's actually Lance."

Natigilan ako sa sinabi niya.

"Huh?" Ano daw?

Loading.......

S-so hindi siya si Raymart?

Aiiissshh!

"Sorry!" Tumalikod ako agad.

Nakakahiya! Now I already said it, sabi na nga kasing Lance ang pangalan niya bakit ba ako Raymart ng Raymart?

"I can't believe you never recognized me Rish."

Napaharap uli ako sa kanya. Wala akong naalalang sinabi ko sa kanya ang pangalan ko? At ano daw sabi niya? Di ko siya narecognize?

?

? ?

? ? ?

? ? ? ?

Di ko talaga ma-gets. Kaya naka-kunot noo lang akong nakatitig sa kanya. Di rin ma-process ng utak ko ang mga sinasabi niya.

Magkakilala na ba kami dati?

Isip. Isip.

Lance?... Lance?... Lance?...

Argggghhh!!! Wala talaga eh! Wala akong kilalang Lance!

"Weird. Bakit mo sinasabunutan ang sarili mo?"

Huh?

Napatingin ako sa mga kamay ko na nakasabunot nga sa buhok ko. Dahan dahan kong binaba ang kamay ko at napakamot sa batok.

Perks! I'm unconsciously doing it for real? Gosh! Ano pa bang kahiya-hiyang gagawin ko.

Lumapit siya sakin then poked my forehead.

My MVP Love : FIRST LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon