Chapter 28: An Emergency

552 8 0
                                    

A/N: Ayan napapadalas na ang update ko dahil gusto ko ng talaga siyang matapos? Bakit? Kasi excited ako sa next story na gagawin ko. hohoho basahin niyo din yun ah! XD

--------------------------------------------------------------------------------------------------

Keeno’s POV

            “What?” Napasigaw nalang ako sa sinabi niya. Di ko kasi maiintindihan kung anong meron. Bakit siya nag-go-goodbye sakin?

            “Makasigaw ka naman,” sabi ni Frizz sabay hampas sa braso ko.

            “Magpapaalam lang naman ako kasi naman po diba ikakasal si ate? Kailangan lang naman naming pumunta kina papa para makapamanhikan yung fiance niya,” simpleng sagot  niya.

            “Ahh yun lang naman pala,” sagot ko sabay tango. Whew! Natakot ako dun ah.

            “Bakit asan ba papa niyo,” bigla kong napatanong. Kahit kailan kasi di pa nagkwe-kwento sa Akin si Frizz about sa mga family matters kaya wala akong kaalam-alam tungkol sa pamilya niya.

            “Nasa Baguio. Doon na kasi siya nakatira kasama ang bago niyang pamilya,” sagot niya at agad na naging malungkot ang kanyang mga mata.

            Bigla kong naramdamang kumirot ang aking puso. Ayaw na ayaw kong nakikita siyang nalulungkot ng ganyan. Pati ako nalulungkot din eh.

            “Sorry,” sabi ko sabay hawak sa kamay niya para i-comfort siya. She just raised her head and looked at me straight in the eye with a smile on her face.

            “Okay lang yun, di mo naman alam eh,” sagot niya at napangiti na din ako.

            “So kelan kayo aalis,” tanong ko ulit.

            “Ewan ko. Baka sa makalawa. Kailangan pa kasing bumili ng ticket ni mama and well mag-book ng hotel sa Baguio,” sabi niya.

            “Hmm…then pwede ba bago kayo umalis lumabas naman muna tayo kahit isang araw lang,” sabi ko na nagpa-cute pa para umoo siya agad. Kailangan yan mga tol eh haha.

            “Then how about tomorrow,” agad niyang sagot at linabas na naman ang maamo niyang ngiti.

            “Perfect,” sabi ko with a huge grin on my face.

            “It’s a date then,” sabi niya na hinawakan pa ang mga kamay ko while smiling heartily.

            “Yeah, a date,” sabi ko at mas hinigpitan ko pa ang pagkakahawak sa kamay niya.

            Hapon na din ako nakauwi sa apartment noong araw na ‘yun. Masyado kasi akong nag-enjoy kasama ang pamilya ng future asawa ko. Ahahaha asawa daw agad oh.

            Pagka-abot na pagka-abot ko palang sa apartment eh agad kong tinawagan si Amber. May naisip na naman kasi akong idea.

            “Oh Bee bakit,” agad niyang tanong nung sinagot niya na ang tawag ko. Magsasalita n asana ako eh pero nakarinig ako ng boses ng isang anghel. ‘Yun oh!

            “Bee? Si Keeno ba yang kausap mo,” kahit sa telepono alam kong si Frizz ang nagsabi nito. Asan kaya sila? Parang meron pang ibang tao bukod sa kanilang dalawa eh. May mga nagu-usap.

Allergic to Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon