Chapter Five

60 2 0
                                    

Chapter Five.  Enjoy! :))

--------------------------------

Chapter 5

Halos hindi ako nakatulog kagabi kakaisip sa sinabi ni mama, pati narin doon sa mga sinabi  saakin ni Janine kahapon.  Kaya heto ako ngayon parang zombie na naglalakad mag isa. Iniisip ko palang kase na magkikita kami ni Ivan mamaya sa bahay nila pakiramdam ko mamatay na ako sa mga tingin niya. E galit na galit kase siya kahapon saakin e. Para bang isa akong malaking problema sa kanya. Pero shemay naman oh! Bakit ba hindi ko magawang umiwas sa kanya, bakit ba pilit ko parin pinanghahawakan yung rason ko na dapat ko siyang hanapin pero hindi ko naman alam kung bakit.

Napahinto nalang ako sa paglalakad ng makita ang isang pamilyar na itsura. Sinundan ko nanaman siya ng tingin saan naman siya pupunta? Maya maya pa, dahan dahan ay sumusunod ako sa kanya. Napatago nalang ako bigla sa isang poste dito sa dinadaan ko ng lumingon siya, maya maya pa sumilip naman ako kung nakaalis na ba siya. Ayun nakita ko siyang naglalakad nanaman. Dahan dahan ay sumusunod naman ako sa kanya. Nakita ko nalang na lumiko siya,  agad ko namang binilisan ang paglalakad ko para masundan siya, sa pagliko ko...

Naramadaman ko nalang na may humila sa mga braso ko kasabay nito ay ang pagsandal niya saakin sa pader at ang pagharang ng kamay niya at braso niya sa left side ko banda. Nacorner ako  -___________-

Napalunok naman ako ng makita siya kasabay nito ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Kitang kita ko yung pagkainis sa mukha niya. Yung pagka irita, nanlilisik na rin yung mga mata niya. Kinakabahan naman ako. Ayan nanaman yung mga mata na ayaw na ayaw kong makita. 

"I--Iv--Ivan.."

Nauutal kong banggit sa pangalan niya.

"Sinusundan mo ba ako?"

Inis niyang tanong niya naman saakin. 

"H-h-hi-hindi Ah!"

Nauutal kong sagot ko kanya. Nagsmirk naman siya. 

"Liar... pwede ba? Itigil mo na ang kakasunod saakin? Nakakairita ka."

Galit niyang sabi saakin. Napayuko naman ako sa sinabi niya. Ito nanaman yung ugali niya. Yung bang laging galit, parang napakalaking problema ko sa kanya. Para bang buong pagkatao ko ay ayaw na ayaw niya.

"Hindi mo ba ako naiintindihan? sinabi ko na nga sayo na hindi ako ang Ivan na hinahanap mo.. Mahirap ba yun intindihin? Nag iisip ka ba ha? Are you crazy? Sinabi ko narin sayo na wag kang gumawa ng paraan para mapansin kita dahil hindi ako interasado sayo, mahirap ba intindihin yon?"

Ang sakit.. ang sakit sakit ng mga binibitawan niyang salita. Nararamdaman ko naman ng umiinit na yung mga mata ko, unti unti ay nagblublurry na yung paningin ko. Ang sakit sakit talaga, ang sakit sakit. Pangawalng bese na ito e, pangalawang beses na niya akong sinasabihan ng masasakit na salita.

Naramdaman ko nalang na dahan dahan ay inalis niya ang braso niya na nakacorner saakin kanina at inilagay niya ang mga kamay niya sa bulsa ng pants ng uniform niya.

"Layuan mo na ako please lang."

Matapos niya yun sabihin umalis na siya sa harapan ko. Agad naman ako napakagat sa labi ko. Ang sakit sakit talaga ng mga sinasabi niya. Pero kahit ganun kasakit ang mga sinabi niya, hindi ko magawang magalit sa kanya ng hindi malaman ang dahilan. Kahit ilang ulit niya ako pinapagalitan hindi ko magawang magalit sa kanya. Bakit?!

Naramdaman ko nalang na tumulo na yung luha ko sa pisngi ko. Agad naman ako napaupo sa sahig. 

'Bakit ganito nalang ang epekto niya saakin? Hindi naman kami magkakilala, ngayon lang naman kami nagkakilala pero pero bakit ganito nalang kasakit ang nararamdaman ko? Bakit ko pa ba siya hinanap kung ganito lang din ang mangyayari? Ang sakit sakit.'

You And I Collide ( O N H O L D)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon