Chapter 16

45 3 2
                                    

It's been a month simula nang makalabas ako ng ospital. One month na din simula nang mas maging protective sakin si Kevin. Halos araw-araw na kami magkasama to the point na sa bahay na sya natutulog kung minsan.

"Ree!" narinig ko ang pagbukas ng pinto ng kwarto ko at nakita ko si Kevin.

Nagtaklub ako ng kumot at tumalikod sa kanya. Naramdaman ko ang pagtabi nya sakin sa kama ko at ang pagkakayakap nya sakin.

"Baby.." naramdaman ko ang pagbaba ng kumot na itinaklob ko sa mukha ko.

Napaharap ako sa kanya at nakita ko ang malalalim nyang mga mata. Damn! Those eyes always gets me. The way he stares always makes me melt.

"I love you.." bulong nya habang nakatitig padin sa mga mata ko.

Inilapit ko ang mukha ko sa kanya at naramdaman ko din ang paglapit nya. Nadama ko ang labi nya sa labi ko.

Natigilan lang kami nang may marinig kaming sigaw mula sa pinto ng kwarto ko.

"Oh my fuck!" nakita ko si Lory at Riley na halatang nagpipigil ng tawa.

Lumapit sakin si Riley saka bumulong "Virgin ka pa ba?" napatalon ako sa sagot nya.

"Gago ka!" tinawanan lang ako nina Lory at Riley.

Tumayo na din sa kama si Kevin at sinabing nasa baba na daw ang breakfast ko kaya kumain na daw ako.

Bumalik ang atensyon ko kay Lory at Riley na halatang may gustong itanong.

"What?" tinitigan ko sina Lory.

"Masarap ba?" namula ako sa tanong nya.

"Fucker.." tumalikod na ako at bumaba para kumain.

Nakasunod lang sakin sina Lory at Riley. Pagbaba ko ay si Kevin at si Kuya agad ang nakita ko.

"Good morning Ree.." nginitian ko si Kuya.

Tinignan ko si Lory na ngayon ay patuloy padin ang pagiwas sa kuya ko. She's still hurt because of what was between Rina and my kuya.

Hindi na sila nagusap pa uli after that. And I know na nasasaktan nadin si Kuya.

Binaling ko naman ang atensyon ko kay Riley na ngayon ay kausap sa telepono si John. Napangiti na lang ako sa itsura ng best friend ko habang halatang kinikilig sa mga sinasabi ni John sa kanya.

Nagulat ako nang may naramdaman akong brasong pumalupot sakib mula sa likuran ko. Naramdaman ko ang pagpatong ni Kevin ng baba nya sa balikat ko.

This feels nice. Yung kahit sa simpleng gesture lang ay okay na ako.

"Wala pa akong narinig na sagot sayo kanina.." binaon nya ang mukha nya sa leeg ko kaya napangiti ako.

"I love you too Kevin.." naramdaman ko ang pagform ng ngiti ng mga labi niya mula sa leeg ko.

Natigil kaming lahat sa ginagawa namin nang marinig namin ang pagdating nina mama.

"Ree!" hinalikan ako ni mama sa pisngi saka naman sya lumapit kay kuya para halikan din sya sa pisngi.

"Guess who's birthday is near.." napatingin silang lahat sakin. Oh shit! Sa dami nang nangyari ay hindi ko namalayang malapit na pala ang debut ko.

"In a few weeks, legal age na sya!" umingay sa loob ng bahay dahil sa sigaw na iyon ni Lory.

"We need the guest list soon Ree.." tumingin si papa kay Kevin "And of course, ikaw Kevin ang escort ng anak ko.."

Tumango si Kevin at ngumiti.

"Ngiting tagumpay oh!" natawa ako sa pangangantyaw ni Kuya.

Nakipagtawanan lang din si Mama at Papa kay Kuya at Kevin. Ang saya sa tuwing nakikita ko silang ganyan.

"Sandali na lang at magiging anak na din kita.." napalingon ako kay Papa dahil sa sinabi niya.

Tinawanan ako ni Kuya sa naging ekspresyon ko kaya minabuti kong lumabas papuntang gazebo dahil nahihiya na ako sa loob.

Naiwan ko pala dun ang gitara ko kaya kinuha ko iyon at nagstrum.

Let's take a chance
To see what we want
Take it for us
Before it's all gone

Narinig ko ang pagpalakpak ni Kevin mula sa likuran ko.

"Bat ka tumigil?" ngumiti lang sya sakin kaya tumango ako.

So I'm gonna love you
Like I'm gonna lose you
I'm gonna hold you
Like I'm saying goodbye
Ever standing
I won't take you for granted
Cause we'll never know when
When we run out of time

Hinablot ni Kevin sakin yung gitara kaya napangiwi ako. 

Nagstrum sya kaya hinayaan ko na lang syang hawakan ang gitara ko.

If I got locked away
And we lost it all today
Tell me honestly
Would you still love me the same?

Tinititigan nya lang ako habang kumakanta sya. He has the best voice I ever heard.

If I showed you my flaws
And I couldn't be strong
Tell me honestly
Would you still love me the same?

Tumigil sya sa pagstrum kaya tumingin ako sa kanya. Ibinaba nya ang gitara ko at lumapit sa akin.

"I love you... So much..." yumakap sya sakin ng sobrang higpit.

"Why does it feel that you're saying goodbye?" I know it's weird pero yun yung naramdaman ko.

Kumalas sya sa yakap saka umiling at ngumiti.

"I will never leave you.." hinawakan nya ang kamay ko at tinignan ako sa mata "Never forget that.."

Tumango ako at ngumiti.

"I love you Kevin... I really do.." ngumiti siya saka pumasok sa loob ng bahay "Gago yun.. Iwan ba naman ako dito.."

Babalik na sana ako sa loob nang lumabas uli sya papuntang gazebo na may dalang isang box.

"Open it.." kinuha ko ang box sa kamay nya at binuksan.

Necklace iyon. It had an infinity pendant na may letters na K at R sa bawat dulo nung infinity sign.

"It's beautiful.." ngumiti siya at isinuot sa akin yung kwintas.

"Mas maganda ka padin.." namula ako sa sinabi niya.

"Tang..i..na.." napalingon kami kay Kuya at kina Lory na ngayon ay halatang nagpipigil ng kilig.

"Kuya!" tinawanan lang ako nina papa saka kami pinapasok lahat para mapagusapan namin ang mga kaganapan sa debut ko.

Bago kami makapasok ay naramdaman ko ang paghawak ni Kevin sa kamay ko kaya napangiti na lang ako.

The Search For Mr. ImpossibleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon