T W E L F T H (151106)

430 11 11
                                    

[ x/n: See the photo above? Or at the side? Gawa yan ng aking ever loving friend/supporter/reader,
@GorgeouslySerious. Thank you ulit :) Maganda siya wag kang mag-alala :) Nakakatuwa yung ganyang effort ng isa sa readers ko grabe 😭 Dahil sa tuwa ko, ginawa ko siyang book cover :)

Anyway, this chapter is dedicated to @PhoebeLynnRagasa. Salamat sa pagvo-vote ng mga previous chapters :) ]

Enjoy Reading~

-

Chapter 12

Mishy's

Tahimik ang buong mansyon at pasado alas otso na ng gabi pero hindi pa rin bumababa sila Arvin para kumain ng hapunan.

Ngayon ko lang nalaman na may mga kasambahay pala dito, hindi ko lang napansin kasi sabi nila, ayon daw kay Arvin walang lalabas sa kani-kanilang quarter room kapag pagala-gala siya. Lalabas lang daw sila kapag umalis ito or nasa loob ng kwarto o kung anumang silid.

May personal chefs din si Arvin pero driver wala dahil kaya naman daw nitong i-handle ang sarili niya sa pagmamaneho.

Umupo na lang ako sa upuan habang tinitignan ang mga pagkaing nakahain sa lamesa. Nilingon ko yung limang kasambahay na nasa gilid ko lang.

"Ah... sabayan niyo na po ako. Wala yatang balak sumabay sa hapunan ang master niyo." pag-aya ko ngunit umiling lang sila.

Nagpa-cute ako para lang sabayan nila ako. Hindi kasi ako sanay na walang kasabay na kumain kapag alam kong may kasama ako. "Sige na please? Ang dami nito at saka, ang lawak nitong lamesa at ang dami ng upuan para lang sa isang tao." pangungumbinsi ko. Nagkatinginan silang lima at dahan-dahang tumango.

Napapalakpak ako. "Sige, tawagin niyo na yung iba."

-

THE whole dinner went fun. Nagkwentuhan kaming lahat. Doon ko napagalaman na medyo bata pa pala sila. Yung tatlong kasambahay ay nasa early thirties, tapos yung dalawa ay nasa late twenties, then yung personal chefs, ay nasa early twenties.

Nandito ako ngayon sa backyard. Malalim na ang gabi at ang suot kong polo shirt na pinangpasok ko kanina sa klase ay hindi sapat para malabanan ang lamig ng simoy ng hangin.

Yung tatlong kasambahay na nasa early thirties ay nagpapahinga na at yung dalawa ay naghuhugas ng mga pinagkainan kasama yung isang chef.

"Oh." nakaramdam ako ng medyo mainit na bagay na ipinatong sa balikat ko. Napatingin ako sa gilid ng balikat ko at napagtanto kong jacket pala iyon. Napatingala ako at matamis na ngumiti sa kanya. "Salamat."

Ngumiti siya pabalik at umupo sa tabi ko. Nakaupo kami ngayon sa damuhan habang nakaharap sa swimming pool.

Katabi ko ngayon si Stefan, yung isang chef. Napagtanto ko na magpinsan pala sila nung isang chef. Stefan Drew Perez, isang graduate HRM student at pumapasok sa isang culinary school hanggang ngayon. Mahilig siyang magluto pero mas forte niya ang pagbe-bake. Si Wallace Carpio naman na pinsan niya sa mother's side ay mahilig mag bake pero mas forte niyang ang paggawa ng dishes. Mas matanda si Wallace ng 2 years kaysa kay Stefan. 21 palang kasi si Stefan and Wallace is already 23.

Natuklasan ko rin na kaya siya dito nagta-trabaho para kay Arvin ay dahil gusto niyang ipasok siya ni Arvin sa pag-aari nitong five star pastry shop. Ganon din si Wallace na gustong makapasok sa isang pagmamay-ari ni Arvin na five star restaurant.

Tatanggapin ni Arvin ang hiling ng dalawa if papasok sila sa taste nito. And in order to do that, kailangan nilang magtrabaho muna para kay Arvin.

Playful Sweet DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon