Nakaupo si Caleb sa isang leather, swiveling chair sa likod ng isang magarang lamesa na gawa sa narra. Ang lamesang magara ay tila wala sa lugar sa gitna ng lumang kwarto ng abandonadong warehouse.
Pinag-uusapan na naman nila ang nangyaring kaguluhan noong kaarawan niya. Wala namang nasaktan o nasugatan sa mga bisita ni Caleb. Ang tanging ginawa lang ng mga lalaking naka-maskara ay guluhin ang set-up ng party; itumba ang mga lamesa at upuan, basagin ang mga plato, tanggalin sa pagkakasabit ang mga banderitas at mga lobo, lagyan ng food coloring ang pool. Mga nambubwisit lang.
“May ideya na ba kayo kung sino ang umatake sa salu-salo sa bahay ko?” tanong ni Caleb.
Humakbang ang isang lalaki palapit kay Caleb. Isa ito sa mga Captain, si Leo.
“Mukhang mga baguhan ang umatake sa atin, Boss,” sabi ni Leo, nakatungo ang ulo, hindi tumitingin kay Caleb. Sa ganitong pormal na meeting, bawal tignan sa mata ang mas nakatataas sa’yo. “Wala pa silang kahit na anong tatak. Mukhang tayo ang ginamit nila na initiation.”
Napakunot ng noo si Caleb. “Iyong mga nahuli natin, ayaw bang umamin?”
“Ang sabi ng isa, napag-utusan lang daw sila. Hindi siya miyembro ng kahit na ano. Pero mukhang hindi kapani-paniwala.”
“Paaminin niyo pa. Kung kailangan gamitan ng dahas, gawin niyo. Pagkatapos ng ilang araw, pakawalan niyo na.”
“Hindi kaya ang mga Warriors na naman ito?” sabi ni Jared mula sa likod ni Caleb. Hindi tulad ni Leo, hindi nakatungo si Jared kundi nakatingin ng diretso, iniiwas ang tingin kay Caleb.
“Hindi,” sabi ni Caleb, nakakunot ang noo, hinihimas ang panga gamit ang hinlalaki at hintuturo niya. He was in deep thinking. “Sa tingin ko ay hindi. Hindi ganito makipaglaban ang mga iyon.” Hindi nagma-maskara ang mga Warriors. At hindi lang ito mga nanggugulo. Nangingidnap din sila.
“Hindi kaya may bago na naman tayong kaaway, Boss?” tanong ng isang Soldier.
Napatingin si Caleb dito at lalong lumalim ang pagkakunot ng noo niya. Sino naman kaya ang bago nilang kaaway?
* * * * *
“Bakit ikaw ang laging naghahatid sa akin pauwi?”
Gabby was crouching down beside Jared’s motorbike, pulling blades of grass from the ground. They were by the hillside where, a while ago, Caleb and Gabby were having a “picnic date.” And when it was over, Caleb called Jared over to bring Gabby home. Pero ayaw pang umuwi ni Gabby. Ayaw pa niyang patapusin ang isang magandang araw… kahit pa wala na dito si Caleb.
Nang tumingala si Gabby sa kanya, umasim ang mukha ni Jared. Alam niyang naiinis na ito sa kakatanong niya, pero nasanay na siya na ganito si Jared. Na parang normal na ito sa kanya.
“Hindi ko alam,” sagot ni Jared. “Pwede bang umuwi na tayo?”
Napasimangot si Gabby. ‘Hindi ko alam’ na naman ang sinagot ni Jared sa kanya. Kanina ay tinanong niya ulit ang tungkol sa party pero wala siyang nakuhang sagot kay Jared. Ipinaliwanag ni Caleb sa kanya na ang nangyari sa party niya ay isang pangge-gate crash lang. Pero bakit ganoon kagulo? Bakit kinakailangan pa siyang ilagay ni Jared sa isang tagong lugar?
“Bakit ba?” sagot ni Gabby. “Bakit ba iritang-irita ka kapag kasama ako?”
“Kasi makulit ka. Para kang bata…”
Lalong sumimangot si Gabby. Napatayo siya at pinagpag ang mga kamay niya. “Sa tingin mo ba, gusto ko ding naiiwan kasama ka? Syempre gusto ko din naman makasama si Caleb ‘no!”
Hindi sumagot si Jared.
“Pero, ok na rin ‘yon,” sabi ni Gabby muli. “Hindi ko alam kung bakit pinapagawa ni Caleb ito sa’yo pero, alam kong may rason siya. Nagpapasalamat pa rin ako sa’yo. Kaysa naman ‘yong hahayaan mo kong maglakad pauwi. Pagpasok ng school, naglalakad ako. Pati pa ba naman pag-uwi?”
Napatingin sa kanya si Jared. “Naglalakad ka papasok ng school?”
Tumango-tango si Gabby na parang hindi naman ito ganoon ka-big deal. “Para makatipid sa pamasahe.”
“E may bike ka, ‘di ba? Bakit hindi mo sakyan iyon?”
Naramdaman ni Gabby na namula ang pisngi niya. “H-hindi ako marunong…”
Natawa bigla si Jared. Napatingin si Gabby sa kanya, hindi dahil nainsulto siya sa pagtawa nito kundi, dahil sa malakas nitong pagtawa na karaniwan niyang hindi ginagawa. Ni ngumiti nga ay hindi masyadong ginagawa ni Jared.
“Ang tanda-tanda mo na, hindi ka pa rin marunong?” sabi ni Jared.
“E bakit ba?” asar na pagkasabi ni Gabby. “Sa tingin mo ba, matuturuan ako ng daddy ko? Nakita mo naman ang kundisyon niya, ‘di ba?”
Hindi sumagot si Jared. Nakita ni Gabby ang maliit na ngiti sa bibig nito. The little smile can do wonders to his already handsome face. “Tuturuan kita…”
“Ano?” sabi ni Gabby.
“Tuturuan kitang mag-bike. Para naman makumpleto na ang kabataan mo…”
* * * * *
Nakasakay si Caleb sa sasakyan niya papuntang warehouse. Kagagaling lang niya sa picnic date nila ni Gabby. Siguro, ngayon, naihatid na ni Jared si Gabby sa bahay nito.
Napabuntong-hininga si Caleb. Kung maayos lang ang buhay niya, hindi niya sana ganito tatratuhin si Gabby. He would treat her out to a fine restaurant, bring her to an amusement park and hold her hand when she gets afraid of heights. Go to a mall and buy her everything she wants and whatever her eyes laid upon. Kung pwede nga lang.
Itinigil ni Caleb ang sasakyan niya sa may eskinita at bumaba. Naglalakad siya papasok ng eskinita nang may kumapit sa leeg niya, mula sa likod, hinihila siya pababa.
Malakas na siniko ni Caleb ang lalaki pero hindi siya nito nabitawan. Inihampas na lang niya ang ulo niya sa ulo ng kumapit sa kanya. At nang mabitawan siya, sinuntok ito kaagad ni Caleb sa mukha.
Narinig ni Caleb ang tumatakbong mga paa mula sa likod niya. Instinct kicked in. He ducked down to avoid being run over. At kasabay ng pagyuko niya ay pinatid niya ang tumatakbong lalaki. The guy fell with a sickening crunch.
Pagtayo ni Caleb ay may kaagad na sumuntok sa kanya. Natamaan siya sa pisngi pero para lang siyang nadampian ng langaw. Caleb caught the guy’s next punch and flipped him over without hesitation.
Ang lalaking kaninang humablot sa kanya ay sumugod ulit. Hinablot siya ni Caleb sa kwelyo at initsa sa isa pa nitong kasama na pinatid niya. Tumumba ang parehong lalaki.
Hinablot ni Caleb sa kwelyo ang isa sa tatlong lalaki at hinila ito patayo gamit ng isang kamay.
“Hindi niyo ata kilala ang kinalaban niyo,” nakakatakot na pagkasabi ni Caleb. Namukhaan niya ito, at dahil na rin sa tattoo ng espada sa kaliwa nitong balikat. Isa ito sa mga Warriors. “Ano ang kailangan niyo?”
Sa gilid ng kanyang mata, nakita ni Caleb ang isa sa mga lalaki na pagapang, aatakihin siya. Kaagad niya itong tinuhod and the guy was knocked out cold.
“Wag na kayong lumaban!” sigaw ng lalaki na hawak ni Caleb. Tumingin siya kay Caleb. “Pinapasabi ni chief na mag-ingat ka. Lalo na yung babae.”
Caleb was surprised, his hold loosening just a bit. Nakita kaya siya ng mga ito kanina kasama si Gabby?
Naramdaman ng lalaki ang panghihina ni Caleb at napangisi. “May kahinaan ka rin pala.”
Caleb glared at the guy and threw a strong punch at him, causing for one of his tooth to fall out. “Hindi mo ko kilala.”
Pagkatapos ay nagtungo si Caleb sa warehouse. Pero, nag-dalawang isip, tumalikod din siya at sumakay na lang ng sasakyan niya.
Nag-dial si Caleb sa phone niya. “Lumabas ang dalawa sa inyo diyan sa warehouse. Kayo na ang bahala sa tatlong gago diyan.” Binato ni Caleb ang phone niya sa passenger seat saka pina-arangkada ang sasakyan.
BINABASA MO ANG
Another Gangster Story
RomanceWhat are you willing to sacrifice for the one you love? Caleb Fabiano lived a dangerous life. A life full of darkness and mysteries. But sunshine crept over it when Gabby Ignacio came. For the first time, Caleb had something to live and fight for. B...