Chapter 29 - JEALOUS?!

8.6K 140 24
                                    

Chapter 29

A/N: mga kaibigan, POV ni Brandon ito, seryoso ito at binabalaan ko po kayo, kakaunti ang mababasa nyo dahil in character talaga sya, kahit sa POV bihira magsalita XD

Kaya maikli lang ang POV nya dahil wala naman syang chika hehe ^____^v

[Brandon's POV]

Narinig ko ng magsalita si coach pero ayoko pang idilat yung mata ko. Tsaka ayokong makipagsiksikan sa kanila sa pagbaba, magpapahuli na lang ako.

Nung ramdam kong wala ng masyadong tao eh parang may naramdaman naman akong tumabi sa akin. At alam ko kung sino to, familiar yung amoy ng pabango.

Naramdaman kong inalis nya yung salamin ko kaya sigurado na ako kung sino ito. Pero ayoko pa talagang idilat ang mata ko.

Maya-maya eh bigla ko na lang naramdaman yung parang may something na humahawak sa ilong ko =____=

Tapos yung pilikmata ko naman =___=

"JAAAADE! ANG TAGAL MO NAMAN!!!" 

nagulat ako nung may biglang sumigaw kaya napadilat ako at halata namang nagulat din si Jade nung nagising ako.

Ayan na naman sya sa pagtitig sakin, pero ano bang nangyari sa kanya at ibang-iba ang ayos nya ngayon??

Para syang nataranta kaya bigla syang napatayo pero mula sa pwesto ko eh nakita kong may tao sa likod nya at kinukuha yung gamit sa lalagayan sa taas at kung mababangga nya yun eh paniguradong parehas silang masasaktan, kaya hinatak ko sya at buti na lang eh hindi sya nabunggo.

Pero ang hindi maganda eh napalakas yata ang pagkakahatak ko kaya napasubsob sya sakin at napakalapit na ng mukha namin sa isa't-isa.

O___________________O

"A-ah.." hindi nya alam kung anong sasabihin nya at bigla na lang syang tumayo at inayos ang sarili nya.

"A-ano... Una na ko..." sabi nya at dali-daling tumalikod at umalis.

Tumayo na din ako para bumaba na pero pagtayo ko eh nasa harap ko na naman sya.

"S-sa-salamin mo..." sabi nya at inabot sakin ang eyeglasses ko.

Tinignan ko sya at mukhang kinakabahan na ewan kaya nagkandalaglag pa yung mga dala nya.

"Tss, that girl..." bulong ko at bigla na lang akong napangiti. Yes, marunong naman po akong ngumiti, palihim nga lang. At hindi ko inaakalang ngingiti ulit ako pagtapos nung masaklap na pangyayari noon.

At mangilan-ngilang beses ko na din nahuhuli ang sarili kong napapangiti.

That girl... she made me smile again.

Bakit Hindi Ako Crush Ng Crush Ko? [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon