Hi Jake!

530 3 0
                                    

*Flashback when they were College Freshmen*

Parehong pumapasok sina Hurri at Spring sa UST. Pero magkaiba sila ng course. Si Hurri ay Civil Engineering tulad ni Rain at Dentistry naman ang kay Spring. Habang naglalakad si Spring sa hallway, natanaw niya sa kabilang hallway si Hurri na nakaluhod. Mas kilala pa sa pangalang Jake nuon si Hurri. Masyadong good boy at geek. Weird ang sense of style niya. Makikita mo dahil lagi siyang naka-suspender.

Habnag nakaluhod si Jake may hawak itong bouquet at isang research paper.

Jake : Hi Tine, eto na nga pala yung pinapagawa mong research paper. Ginawa ko na at tinapos para hindi ka na maabala at pambawi na din sayo kasi kinukulit kita ng sobra. I'm sorry.

Tine : Please Jake. H'wag mo akong pahiyain dito for the Nth time. Masyadong maraming tao. Tignan mo pinagtitinginan na tayo.

Humawak si Jake sa legs ni Tine.

Tine : Anu ba? Para kang tanga. Umayos ka nga. Nakakahiya.

Jake : Patawarin mo na ako. Please Tine. Give me another chance.

Tine : Leave me alone. You jerk!

Umalis na si Tine dahil dinudumog na sila ng tao sa campus. Pero binalikan niya si Jake bago pa siyang tuluyang lumayo.

Jake : Bumalik kaaaa! Ibig ba sabihin nito bati na tayo?

Tine : (kinuha ang research paper) Thank you for this, bye!.

Imbis na mainis sa tratong iyon ni Tine sa kanya, ay mas lalo pa itong kinilig. At habang pinapanuod ni Spring si Jake sa malayo, nasabi na lamang nito sa sarili na,

"Kawawang lalake. Mukhang tanga ng dahil sa babae."

Nagkalasan na ang mga tao ng biglang naisipan ni Spring na pumunta ng banyo.

Habang nasa banyo.

Girl1 : Ano ba yan Tine, nakaw eksena kayo ni Jake sa Hallway kanina.

Tine : Ewan ko sa kanya. Parang engot yung lalakeng yun. Pero astig tong ginawa nyang research paper. (habang tinititigan ang papel) I'm sure tataas na naman grade ko nito. :)

Girl2 : talaga lang ha?

Tine : Oo nga. Hayaan niyo na lang siya maghabol!

Girl1 : Aso lang?

Tine : Oo. Aw aw aw. Hahahaha

Girl1 & Girl2 : Tama. Hahaha

Narinig ni Spring ang usapang iyon. Pagkagaling niya sa banyo, pumunta na agad siya ng Library para sa assignment niya ng bigla niyang natanaw si Jake na nasa sulok. Nagsusulat si Jake nuon.

"Dear Diary,

Bati na kami ni Kristine. Pinansin na niya ako. . . "

Spring : Hi! (biglang bumungad sa harapan ni Jake)

Jake : Ayy. Hello. (tinakpan ang diary niyang sinusulatan)

Spring : Pwede tumabi sa'yo?.

Jake : Oo naman. Sige.

Spring : Anu yan Diary?. Patingin naman oh.

Jake : Aaah. ahhh. Hindi. Homework to.

Spring : (sinilip ang diary) Hindi ako engeng para akalaing notebook yan. Eh may padlock pa 'tong notebook mo eh. Hahaha Diary yan nuh?. Anu nilalagay mo?

Jake : Ay pambihira!

Spring : Anu bang kinukwento mo dyan sa diary mo?

Jake : Wala ka na dun.

Natuloy pa ang pangungulit ni Spring kay Jake nuon hanggang humantong si Jake sa pag amin na nagsusulat siya ng entry sa diary niya tungkol kay Tine.

Jake : Oo na nga. Aaminin na. Nagsusulat ako sa diary ko tungkol kay Tine. Kasi bati na kami. Yun lang yun.

Spring : Oo nga nakit ko nga yun. Feel na feel mo nga eh. So anu pang nilagay mo dun?

Jake : Wala ka na duon. Too private. Pero di ba kasi si Tine bati na kami. Tapos tinanggap niya yung research paper na ginawa ko para sa kanya. Tapos sobrang caring niya, understanding, loving, maganda.

Spring : At manggagamit!

Jake : At manggagamit! Huh? Hindi siya manggagamit.

Spring : Oo manggagamit siya. Makapag describe ka tungkol sa kanya, parang ang perfect nya ah. Eh kung tutuusin, ginagamit ka lang niya. Yung talino mo. Narinig ko sila kasama ng mga kaibigan niya duon sa cr. Pinag uusapan ka nila.

Jake : Wala kang karapatan para pag isipan si Tine My Love ng ganyan. Hindi kita kilala at hindi mo siya kilala. Wag kang judgmental.

Spring : Believe me. Babae ako. :) Anyways, may pangalan ako. Ako nga pala si Spring. (nag-initiate ng handshake pero iniwasan ni Jake)

Jake : Now I know. Ikaw Spring. Wag mong pagsalitaan ng ganyan si Kristine dahil hindi mo siya kilala.

Spring : Alam mo ayaw ko na makipagtalo sayo. Kung ayaw mo maniwala, okay. Ayokong mamilit ng mga taong sarado ang isip. Sige alis na ako. Nice to meet you Hurrijake.

Jake : Paano mo nalaman ang pangalan ko?

Spring : Nakita ko dyan sa Diary mo. :)

Jake : Grrr. (medyo naiinis na)

Spring : Anyways, bago ako umalis may tatanong ako sayo. Panu ang tahol ng aso?

Jake : Aw aw aw.

Spring : Hahahaha Okay. Salamat. Bye. :)

Umalis na si Spring sa Library at tumungo na sa klase niya. Habang si Jake ay abala pa din sa diary niya.

Itutuloy. . .

It Started With a LikeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon