Ako nalang sana? One shot.

1.2K 28 19
                                    

Sa school.. 

"Hello Shella!" Tinig ni Lance, eto namang puso ko. Nagkakarerahan. Bakit nagkakarerahan? Simple lang, gusto ko sya! Hihi. ^_^

"H-h-hi." 

"May sasabihin ako sayo sheshe!" Bakit bakit? Ano yun ano yun?! Sasabihin nya bang crush nya ako? Omo omo! Hihihihi. :"> 

"Ano yun!?" Hyper kong sabi.

"Alam mo bang may gusto ako sa ate mo, si Louise. Lakad mo naman ako oh." Sabi nya habang ngingiti ngiti pa. Kala ko naman ako, Masyado lang akong assuming. Pero kay ATE?! OHMYGULAY. 

"Ka-kay A-te?" Kung kanina may pagkahyper pa ako, ngayon bigla akong tumamlay.

"Oo sa ate mo. Sige una na ako ha! May gagawin pa ako eh! Sige bye she!" Lance.

Aw. Oo nga pala, Ako si Shella Cruz, 3rd year college. May kapatid ako, isa lang. Si Ate Louise. 3rd year na din sya, kaso magkaiba kami ng course at trip ko syang tawagin ng ate, eh kasi pinsan ko talaga sya, eh nasa taas na sila tita at tito kaya ayun.

 At may crush din ako, Si Lance. At ang masaklap pa, sa ate ko sya nagkagusto. Sakin pa sya nagpapatulong. Well, malaki naman ang mundo. Hindi ko hahayaang sakanya lang umikot ang buong mundo ko. 

Naniniwala naman ako na Love is in the air. Malay nyo masinghot ko at mapunta ako sa love na sinasabi nyan. Hahaha. 

Pero. Seryoso. Ba. Si. Lance? Bigti na fre. Pero nooooooo, Hindi ko hahayaang magkasugat si skin. Nononono!

"Shella!!!" Sigaw mula sa aking likod. 

Lumingon naman ako, at si Ate Louise lang pala. 

"O ate? Bakit?" Galang ko no. 

"Nakita mo ba si Lance kanina? Ang gwapo nya no!" With matching hampas pa.

"D-d-dont tell me ate may crush ka saka-n-nya?"

"Hihihihi. Oo eh. :D" 

Ahh, okay. 

Lumipas ang 1 month, Dating (Deyting) na sila ni ate Louise. Kung alam mo lang ang nararamdaman ko lance. Kung alam mo lang. Simula din nun, hindi na ako pinapansin ni lance. Para bang wala na syang utang na loob na tinatamo saakin. 

Ako kasi ang dahilan kung bakit sila napunta sa dating relationship eklavu na yan.

*FLASHBACK*

"Sige na sheeee! Parang awa mo naaaaa! Ilakad mo na ako sa ate mo!" With matching pacute at hawak sa braso ko. Emeghed. kilig mats si ateng. Pero di pwede Shella! Argh!

"Oo na oo na!" -_-

"O TO THE M TO THE G! OMG! THANKYOU SISTER IN LAW BWAHAHAHAHAH! MWA!" Ay bakla. 

"Pogi ka sana, bakla lang!" 

"Hoy hindi! basta ah! ^_^" OO na oo na! Tss

"Oo na! Eto number itext mo 09123456789" 

"YUN OH! SALAMAT!" Sabay kiss sa noo ko. Lola lola? Matanda? pero kinilig ako dun! Hahahaha. 

Kinabukasan** 

"She, may kilala kang number na 0987654321?" Ah oo ate, si lance yan. 

"Si lance yan ate."

"TALAGA?! OMG OMG OMG!!!!" Humiga sa kama namin at pagulong gulong. 

"Kalma naman!" 

Tapos ayun, textmate sila. hanggang madaling araw, jusko. 

*End of Flashback

Pero alam nyo? Masakit eh. 

"Lala, aalis muna ako ah." Sabi ni Ate. 

"Okay." Baka may date sila ni....

After 3 hours. 

"LALALALALALALALALA! OMAYGASH OMAYGASH! OMAYGULAY!!!" Sigaw ni ate habang nagtatatalon. Wala namang ipis ah? Ganyan kasi sya pag may ipis. 

"ANO BA ATE?! BAKIT?" 

Pinakita nya sakin necklace nya, ang ganda ha. "Kami na ni Lance. :D" 

Sa sinabi nyang un, natulala ako.. Totoo ba to? 

"T-talaga? Haha! Congrats!" Nagkunwari nalang akong masaya. Ayokong makasira ng relasyon. lalo na kung sa ate ko pa. 

"SALAMAT SAYO SHE, SALAMAT!" Sabay hug sakin. 

*Bzzt bzzt* 

from: Lance

She, salamat sayo ha? Kasi kung di dahil sayo. Hindi magiging kami ng ate mo, Sorry di kita napapansin this past few weeks. Busy eh. Thanks ulit! =))

Welcome na welcome lance, basta pagdating sayo. Nagmumukha akong shunga.

Lahat, Ginawa ko. mapasaya ka lang. Mapasaya ko lang kayo ng kapatid ko. Ayos na sakin, kahit masakit.

After 3 years.. 

Isa na akong sikat na fashion designer. Si Ate louise at si Lance? Ayun, matibay at nagmamahalan parin. 

Engaged na nga sila e, at ang kasal nila? Next month na. Eto ako ngayon at nagdradrawing ng Gown ni ate Louise. 

Ang ganda... Naiimagine ko na ako ang may suot netong gow na ito, at naglalakad sa altar. Ngumingiti sa magiging asawa ko, tumitingin sa mga abay at bisita sa aming kasal. At finifeel ang paglalakad sa altar kahit imagine lang, dahil alam ko. na hindi ako ang magsusuot nitong gown na idinodrawing ko ngayon..

After 1 month..

Eto na ang araw ng kasal nila Ate louise.. Nasa simbahan na kami, at eto ako ngayon. naglalakad sa altar. Abay kasi ako. Habang naglalakad ako nakatingin ako kay Lance.

Lance, alam kong hindi ka para sakin. Kuya Lance na ang tawag ko sayo. Salamat sayo kasi ng dahil sayo natuto akong magparaya. Mahal kita, pero kailangan na kitang parayain..

Sabi ko sa isip ko. At ngumiti sakanya at pumwesto na, si Ate louise na ang naglalakad sa altar. Ang ganda ganda nya. Sana ako nalang sya. 

*After wedding ceremony..

"You may now kiss the bride.."- Father

Nagkiss na sila, Kailangan mo nang tanggapin shella. Hindi sya para sayo. Hindi. 

Lumabas muna ako ng simbahan. 

Umiyak ako. Nang biglang may lumapit sakin.

"Mahal mo sya noh?" Boses lalaki, tumingala ako. Nakapangdamit pang abay din sya. Siguro kaibigan ni Ate.

"Ha?" 

"Si Lance. mahal mo. Alam mo, Si Louise din, mahal ko yan eh. Kaso hindi ako nagkaroon ng lakas ng loob sabihin sakanya ang nararamdaman ko." 

"T-talaga? Sino ka? Anong pangalan mo?" 

"Oo, Ako si Kyle. Ikaw si Shella diba?" 

"Oo. Ako nga."

Nagkakwentuhan kami, parang ang gaan gaan ng loob ko sakanya. Eto ung naramdaman ko kay Lance noong unang pagkikita namin. 

Dati, akala ko hindi happy ending ang buhay ko. Akala ko tatandang dalaga ako. 

Ngayon? Sa tingin ko hindi na. :)

Sige, hanggang dito nalang! Ako si Shella Cruz, at ito ang maikling storya ng buhay pag-ibig ko. :D

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 04, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ako nalang sana? One shot.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon