Nasa isang bakanteng classroom ako ngayon at plano kung matulog habang naghihintay sa klase ko. Bago ko maisipan ipikit ang mata ko napansin ko ang isang babaeng sumilip sa salamin ng pinto. Nang makita nya akong nakatingin sa kanya nawala sya bigla. Tumayo ako at lumapit sa pinto para hanapin yung babae pero wala na ata ito. "Creepy". napabuntong hininga nalang ako. Bumalik ako sa pwesto ko kanina at natulog. 30mins. din akong natulog pag gising ko may nakita akong puting panyo sa paanan ko. "Kanino kaya ito?" Napakamot ako sa ulo ko. Pinulot ang panyo at ng maamoy ko ito sobrang bango parang may nag uudyok sakin na itago to kaya tinago ko sa loob ng bag. Papabalik na ako sa classroom ng may nagtext sa cellphone ko kinuha ko ito sa loob ng bulsa ko at ino-pen ang message. Habang binabasa ko ang message sa phone di ko napansin ang kasalubong ko. Isang babaeng nakayuko at natatabunan ang kanyang mukha ng buhok nito. "weird! Si sudako ba to?" Nasabi ko sa isip ko. Pero nabigla ako sa amoy ng pabango nya ito din yung bango ng panyong napulot ko kanina. “Sorry!” sabi ng babae pero nakayuko parin at umalis na ito.
Sa loob ng klase ko di parin mawala-wala sa isip ko yung nangyari kanina. Naiisip ko yung babae at ang amoy ng pabango nya. Na didistract ako sa klase naming ngayon. Hays! Bakit naman kasi na cu-curious ako eh kung pwede naman itapon yun. Bumuntong hininga ako. “pare, lalim ng iniisip natin ha!” Natauhan ako sa kakaisip ng tapikin ako ni Mark. Napailing lang ako. “chicks bay an pare? Wag mong sabihing natamaan kana?” kantyaw ni Mark. Bago ko pa ito nasambit eh may tumawag sakin. “Hoy. Harry may naghahanap sayo.” Buti nalang lumabas si maam at free makapag sigaw-sigaw mga classmates ko. Tumayo ako at agad tinungo ang pinto. Pero wala nman tao dun. Luminga-linga pa ako pero wala talaga. “Kriiiiiing!” bell na nagsilabasan ng mga estudyante . Naamoy ko ulit yung pabango ng babae. Hinanap ko sya pero di ko makita dahil madami ng estudyante nagsilabasan hanggang sa mawala na ang bango sguro nakalayo na ang may-ari nito.
Sa labas ng gate habang nagkukwentuhan kami ng mga barkada ko nahagip ng mga mata ko ang isang babae na nakatingin saakin. Ito yung babaeng nakasalubong ko kanina pero iniwas nya agad ang mukha nya ng mapansin nyang nakatingin ako sa kanya. “Hoy harry ang layo-layo na naman ng iniisip mo.” Tinapik ako ni mark. “ huh! Wala pare.” Bumaling na ang tingin ko sa kanya. “Eh, curious talaga ako eh. Sino ba aksi yang iniisip mo?”sabay akbay pa nyang sabi. “ ano kaba nababaklaan na talaga ako sayo.” Sabay aklas sa kamay nyang nakaakbay sakin. “gago ka harry iniiba mo naman ang topic eh.” Sinagot ko nalang sya ng tawa.
Kinabukasan, tinanaghali ako ng gising.Paano kasi di ako makatulog nasa isip ko kasi yung babae weirdo. Dapat ko na kasi makita yun para maisauli ko na yung panyo. Alam ko kanya yun.
Habang patungo ako sa klase nakita ko yung babaeng weirdo na panay kakasilip sa classroom namin. Ito na yung chance na maisauli ko sa kanya tong panyo nya at syempre makilala sya. Tinapik ko sya sa balikat. Lumingon naman agad ito sabay pagtalsik ng mga buhok nya sa mukha ko. Napaharap ito sakin at nasilayan ko ang magandang mukha nya. Gulat na gulat sya at parang syang namumutla. Akmang tatakbo ang babae pero agad ko namang nahawakan ang braso nito. “Saan ka pupunta? Sino hinahanap mo miss?” Iniilag nya ang kanyang mukha sakin. “Huh.. aaahh..wala. sige mauna na ako.” At umalis na sya. Napansin ko di nya gamit yung pabango nyang gninamit nung isang araw. “Miss sandal.” Nakita ko syang huminto pero di nya ako nilingon. “Miss, wag mong takpan yung mukha mo ng buhok mo di napapansin yung maganda mong mukha.“ Sana napangiti ko lang man sya sa ganoong paraan. At patuloy na itong naglakad. Pumasok na ako sa klase ko. Di ko malaman kung saan ko kinuha ang lakas ng loob para magawa yung ginawa ko kanina. Di maalis-alis sa isip ko ang ganda ng mukha nya, ang maputla nyang kulay at ang mapupungay nitong mga mata. Kelangan ko syang makilala. Nang matapos ang klase ko nagmamadali akong tumambay sa may gate para abangan yung babae kanina. Marami ng estudyante ang nakalabas na sa gate pero di ko parin nakikita yung babae na yun. Mayat maya nakita ko sya. Nakayuko ito, natatakpan na naman ng buhok nito ang mukha nya kaya dali-dali akong bumili ng hair clip sa tindahan at nilapitan ang babae at nilagay ito sa buhok nya. Kitang-kita ko ang pagkagulat nya. “Ayan, din a natatakpan.” Ngumiti ako sa kanya. Nagpatuloy lang din sya sa paglalakad ata walang imik. “Miss pwede malaman pangalan mo?” Di sya sumagot. “Ah. Miss ako pala si Harry.” Paglalahad ko ng kamay sa kanya pero di nya ito pinansin. “Sige na miss… Please!!!!!” Di parin ito sumagot hanggang umabot kami sa paradahan ng jeep. Pumara ito ng jeep pero bago ito sumakay hinarap nya muna ako sabay sabing, “tawagin mo akong Dee.” Tipid na ngiti ang binigay niya sakin. Abot langit naman ang kasiyahan ko na di ko mawari kung bakit. “Babye Dee. Ingat ka!” Sigaw ko sa kanya ng papasakay na sya sa jeep. At yun nga ang simula ng lahat, di man sya gaanong umiimik pero nasisiyahan na akong makasama sya. Ang ganda nya talaga lalo na pag ngumingiti. Palagi ko syang sinasabayan pag-uwi kinakausap naman at yun nga nagging close kami. Hanggang isang hapon biglang sinabi ni Dee na baka di ko na sya makita o biglang syang mawala. Nangunot ang noo ko. “Huh? Di kita maintindihan. Anong pinagsasabi mo?” Nalungkot ang mukha nya pero pilit parin syang tumawa. “Bsta.. Oy sa birthday ko punta ka huh..” “Oh ba. Kelan ba?” Tanong ko. “Sa September 27. Sa bahay naming sa Blablabla Subd.”
“Eh, layo pa nun eh.” Ngumiti lang sya. “Oy, dee bakit ka aalis? Bakit ka mawawala?” Pumara na sya ng jeep. “Sge babye harry.” Niyakap nya ako at biglang kiniss sa pisngi. Nagulat ako sa ginawa nya kaya di ko napansin na nakasakay na pala sya. Naiwan akong tulala. Nararamdaman kong namumula ang mga pisngi ko pero di ko rin maitago ang saya na naramdaman ko. Kinabukasan di ko sya nakita nag absent daw. Sumunod na araw di ko parin sya nakikita sa school. Ano ba ito namimiss ko na sya. Hays! L Dumaan ang isang linggo, isang buwan wala nakong nakitang Dee. Ito na ba yung sinabi niyang mawawala sya? Isang buwan pa ang lumipas wala parin siya. Namimiss ko na talaga siya. March na. Graduate na ako. Hinihintay ko parin na magkikita kami ulit. Summer na nun at naremember ko yung address na binigay niya pumunta ako doon. Nagbabakasakaling Makita ko siya ulit pero walang tao sa bahay nila. Walang araw na di ko siya naiisip. Ewan pero namimiss ko na talaga sya ng sobra-sobra. Naghihintay parin ako na makita siya ulit. Lumipas ang anim na buwan. September 27, maaga ako nagising ngayong araw na ito. Ito yung araw na sinabi ni Dee na birthday niya. Babalik ako dun sa address na binigay niya. Bumalik ako sa bahay nila. Nag doorbell ako. Isang babaeng di katandaan ang lumabas ng bahay at pumunta sa gate. Mama siguro ito ni Dee kasi magkahawig sila, maganda din ito. Nang mabuksan na ng babae ang gate nabigla syang ng makita nya ako. “Hi po, anjan po ba si Dee?” sabi ko. “hijo, pasok ka.” Yun lg sinabi ng babae ni di man lang nya sinabi kung nasa loob ba si Dee pero sumunod ako sa kanya. “Naikwento ka sakin ni Denisse hijo.” Ahhh, kaya pala parang kilala nya ako. “Asan po sya tita?” Lumungkot ang ekspresyon ng mukha ng mama ni Dee. Pilit itong ngumiti. “Ay, hijo may ipapakita ako sayo.” Sumunod naman ako. Umakyat kami sa ikalawang palapag ng bahay nila at binuksan niya yung isang kwarto sa pinaka dulo. Nalaman ko na kay Dee itong kwarto dahil sa nakalagay sa labas na pangalan “Denisse”. Pumasok kami doon at nabigla ako sa nakita ko. Puno ng mga pictures ko ang kwarto na ito. Stolen shots lahat ito. May mga kuha na natutulog ako, nakanganga ako, nakikinig sa klase at tumatawa kasama ang barkada. Stalker ba sya? Pero agaw atensyon yung pinakamalaking picture sa lahat ito yung natutulog ako sa isang bakanteng kwarto at may napulot akong panyo. May nakasulat ito sa gilid at binasa ko: “Ito yung araw na matutulog n asana sya pero nakita nya ako na nakasilip sa salamin ng pinto kaya lumapit sya agad naman akong nagtago sa ibang classroom para di niya ako makita. Pero nung makatulog na sya palihim akong pumasok at panakaw ko syang kinunan ng picture. Di ko namalayan na nahulog pala yung panyo ko sa may paanan nya at natakot na akng kunin to baka magising pa sya. Ang cute nya!” Nagtaasan ang balahibo ko dun. Di ako makapaniwala na stalker ko sya. Marami pa akong nabasa at natuklasan dahil sa mga pictuires na naka display sa dingding niya. Pero may nalaman ako na nagpagimbal saakin. 5months na palang patay si Dee. Yung araw na nagkita kami yun yung araw na inatake din pala sya ng sakit nya. Agad daw nila dinala si Dee sa hospital. Nakipag laban pa sya ng 1month sa sakit niya pero din a talaga nakayanan ni Dee at namatay ito. Nangilid ang luha sa gilid ng aking mga mata. Kung bakit kasi huli ko na nalaman ang lahat. Kung bakit ngayon pa na mahal ko nap ala siya.
-Pasensya na po kung di niyo nagustuhan ang story at kung nagustuhan nyo po maraming salamat po. :) Leave comments after you read. Thanks po/