Memory - 1

33 2 0
                                    

HER POV

"WE'RE HOME." My dad said.

I looked around and then glanced to my dad. Yes at last, after 10 years. I'm already home. For the last 10 years of my life, nasa London ako dahil doon ko naisip ituloy ang pag-aaral ko. Nandoon rin kase ang mga lola ko at iba kong mga pinsan at tita. So technically, hindi naman ako na-homesick masyado but still namiss ko ang Pinas. Namiss ko ang parents ko. And namiss ko rin siya, ako kaya namiss niya? Absolutely not.

"Hey dear, tulala ka dyan. C'mon tulungan mo kami ng daddy mong ipasok itong mga gamit mo. Bakit nga ba ang dami dami mong dala? Puro ba mga damit mo ito? Aba wala ka atang ginawa sa London kundi magshopping ah." Nabalik ako sa wisyo ko ng magsalita si mommy.

"Ano ka ba naman love. Hayaan mo na muna si Daphne. Sige na anak umakyat ka na sa kwarto. Kami ng bahala dito. Tinawag ko na rin naman si Manang Flor para tulungan kami ng mommy mo." Sabi naman ni daddy. Aangal pa sana si mommy pero nilambing lang siya ni daddy kaya sinunod ko na siya at pumunta na ng kwarto ko.

NASA bathroom ako ng may biglang kumatok sa pintuan ko. Dali dali kong tinapos ang paghihilamos ko at binuksan ito. Napasigaw naman ako ng makita ko kung sino siya.

"Nanay Flor!!!" Masiyang bati ko at niyakap siya ng mahigpit kaya nabitawan niya ang mga dala niya.

Natatawa naman siya habang nakayakap rin sa akin. "Ikaw talagang bata ka. Napakakulit mo pa rin. Teka nga at papasukin mo ko para maayos na natin tong mga gamit mo." Sabi niya kaya iginaya ko siya sa loob ng room ko.

Itinabi ko muna ang mga maletang dala niya tsaka ako bumalik sa kanya na nakaupo na sa dulo ng kama ko. Nakangiti pa rin siya at parang tuwang tuwa na nakita ulit ako kaya napangiti na rin ako at niyakap siya muli.

"Kamusta na Nay? Sila Tay Carlos nasaan? Kamusta sila ate Fiona tsaka kuya Otep?" Sunod sunod kong tanong sa kanya. Mga anak nila Nanay Flor at Tatay Carlos sila ate Fiona at kuya Otep. Driver dati nila daddy si Tatay samantalang taga-asikaso naman ng bahay namin si Nanay. Nakilala ko sila ate at kuya dahil dito sila nakatira sa amin nung mga bata pa sila. Tinuring ko silang mga kapatid na rin dahil only child ako.

"Okay naman ang tatay mo nak. Si ate Fiona mo naman may asawa na at dalawang anak. Si kuya mo, ayun binata pa rin. Ewan ko ba sa batang ayun, sinasayang ang kagwapuhan. Ayaw pa mag-asawa!" Kwento niya at sabay kaming natawa sa huli niyang sinabi.

"Next time po sabihin niyo sa kanila na dumalaw rito. Sakto po at madami akong chocolates na pasalubong. For sure, matutuwa po ung mga anak ni ate!"

"Ay sige sige iha."

Ilang minuto pa kami nag-usap ni Nanay ng mapagpasiyahan niyang magpahinga muna ako dahil maaga pa naman. Gigisingin nalang daw niya ulit ako bago kami magdinner.

Nakatingin lang ako sa kisame ko habang nakahiga. Iniisip pa rin kung handa na ba akong makita ulit siya.

Ang tanong pala, gusto niya pa akong makita ulit?

Haay Daph. Utang na loob. Wag ka munang mag-isip isip ng ganyan. Matulog ka nalang.

NAGISING ako ng may narinig akong katok at tawag ng pangalan ko. Bumukas iyon at nakita ko si mommy.

"Can I come in?" Nginitian ko siya tapos ay tinanguan. Naglakad siya papunta sa kama ko at umupo sa tabi ko. Agad rin naman akong umupo dahil nararamdaman kong mukhang may itatanong siya sa akin.

"What is it mom? C'mon spill it out." Walang kadalos dalos kong sabi. Bumuntong hininga muna siya bago nagsalita.

"Are you going to visit him?" Panimula niya. "Hindi namin alam kung anong nangyari sa inyo pero hindi ako magtatanong kung bakit pero anak, sige na. Kindly visit him tomorrow. Hindi man niya sabihin sa amin ay alam kong hinihintay ka niya."

"I'll think about it." Sagot ko nalang.

"Okay. I hope makadalaw ka sa kanya. Come on. Get up. Dinner time na. Naghihintay na ang daddy mo sa baba." Huling sabi niya at naglakad na ulit palabas ng kwarto ko.

TAHIMIK lang kaming nagdidinner. Kasabay namin si Nanay Flor. Naka-leave daw kase ung bagong driver nila daddy kaya kaming apat lang ang nandito.

"Daphne, tumawag nga pala ang lola mo kanina. Sabi niya ay baka umuwi rin sila muna dito next month dahil malapit na mag-winter doon sa London diba? Alam mo naman sila mama, medyo nagkaka-edad na kaya baka di na masyadong kaya ang weather doon." Sabi ni mommy.

"Talaga mom?! That's great! Kasama ba nilang uuwi si Anya?"

Pinsan ko si Anya. Siya ang pinakaclose ko noong nagstay ako sa London. Siya rin kase ung halos kalapit ko ng edad. Mas bata siya sa akin ng tatlong taon. Sila lola na ang nag-aalaga sa kanya dahil namatay ang parents niya dahil sa isang accident nung bata pa siya. Siya rin ang halos lagi kong ginagawang model ko or manika dahil nag-sideline ako dati doon sa pagiging makeup artist. Tuwang tuwa rin naman siya kapag inaayusan ko siya. Sabi nga nila ay para kaming magkapatid talaga.

"Yes. Sabi niya ay mag-eenroll nalang muna siya sa homeschool para kahit andito siya ay nakakasabay pa rin siya sa mga lessons niya doon." Sabi naman ni mommy kaya mas lalo akong naexcite.

Kung ano ano pa ang napagkwentuhan namin. After namin kumain ay tumulong ako kay Nanay na magligpit ng pinagkainan. Sila mommy naman ay nauna ng umakyat sa kwarto nila.

"Hindi talaga ako makapaniwala na ang laki laki mo na anak. Parang dati lang ay tinataguan mo pa ako kapag ayaw mong magpaligo sa akin." Kwento ni Nanay at napatawa siya ng malakas.

"Nay naman! Wag mo ng alalahanin un. Nakakahiya." Sabi ko pero natatawa na rin.

"Dalian na natin dito para makapagpahinga ka na ulit." Sabi nalang niya at tinapos na nga namin ang pagliligpit dito sa kitchen. Pagkatapos naming masiguro na okay na ang lahat, tsaka kami nagpaalaman-an na.

"Oh siya, akyat na sa kwarto Daphne. Iccheck ko muna ang mga pinto at gate kung naka-lock na at tsaka ako magpapahinga. Goodnight anak."

"Sige po nay. Goodnight din po."

Umakyat na ako sa taas at nag-goodnight na din muna kila daddy. After nun ay pumunta na rin ako sa kwarto ko, ginawa ang rituals bago matulog at saka ulit nahiga. Hindi nagtagal ay inantok agad ako.

Forgotten Memories - RevisedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon