Mika
"Puuuush! For a very good morning! Wakey wakey sleepy heads!" Ara cheerfully greeted the bullies. Napasimangot naman sina Carol at kambal dahil sa ingay ni Victonara. No choice na kami kung hindi bumangon. Nakaupo pa kaming apat sa kama habang kinusot kusot pa ang aming mga mata.
Gosh! Could you imagine that we wake up like this every day??
Ang ingay ni Vic grabe!
"Pwede ba Vic!" inis na sita ni Cienne sa kanya. Knowing this girl, ayaw pa istorbo sa tulog niya.
Ara went near her and pinched her right cheek. "Eto naman, aga aga nakasimangot." Inunat naman ni Ara ang magkabilang pisngi niya. "Ganyan Ciennang, smile! ARAY!"
Napalo tuloy ni Cienne. Natawa nalang ako dito, alam naman ni Victonara na di maganda gising ni Noo, inaasar pa.
"Yan! Yang kalokohan mo kasi!" tinapunan naman ng unan ni Camille si Ara.
Napapout ang bruha.
"Huy Vic! Obvious na nga yang nguso mo, pinapa obvious mo pa lalo. Wag ka ngang mag pout. Kaloka ka!" We chuckled after Carol said that.
Tiningnan naman niya ng masama si Carol. "Langya ka talaga, Donkey ka!"
"Uy, galit na siya..." carol teased her.
"Di noh." Ara just crossed her arms over her chest and rolled her eyes.
Di daw siya galit oh. Hahaha.
My attention was shifted to my phone when someone texted me. I opened it and breathed heavily right after I read the message.
Tumingin nalang ulit ako sa bullies na nagbabangayan na ngayon. SI Cienne, tinakloban ang sarili ng comforter, siguro na iingayan na kay Carol at Ara. Si Camille naman tumatawa nalang sa reaksyon ng dalawa.
Napailing iling nalang ako. Kinuha ko na ang towel at pumasok na sa banyo.
After a few minutes, lumabas na ako ng banyo. Si Cienne nalang ang natira sa kwarto. Grabe, disappearing act agad ang tatlo.
Di ko na pinansin pa si Cienne dahil nakatalukbong pa rin. Nagreview siguro ito kagabi ng bongga kaya puyat.
I opened my cabinet at kinuha ang white top crop ko and a short shorts. Magt-tsinelas nalang din ako since dito lang naman sa la salle ang pupuntahan ko.
"Cienne... aren't you going to go downstairs?" kahit di ako sure na gising siya, kinausap ko pa rin. Malay ko at gising pala, di ba?
Nagsusuklay na ako at konting face powder nalang at lalabas na ako ng kwarto pero hindi pa rin sumasagot si Cienne. Hmm. Tulog nga siguro.
Lalabas na sana ako nang marinig kong sumisinghot si Cienne.
Teka... may sipon ba siya?
Lumapit ako sa kanya.
"Cienne? May sipon ka? May gamot ako..." di pa nga ako tapos sa sasabihin ko when she shook her head.
"may problema ba? Noo, okay ka lang?..." di pa rin siya sumasagot. "huy Ciennang! Ano ba nangyayari sayo?" niyuyugyog ko na siya.
Di rin nagtagal napabangon siya at its positive, umiiyak siya!
"Miks..." umiiyak pa niyang sabi.
Tumabi ako ng upo sa kanya and without any words to say, niyakap ko siya and then there she cried very hard.
"just let it out..." I said and still hugging her.