We are best buddies! ^_^

168 1 0
                                    

"Bhez! Happy 5th Anniv satin! 5 years na tayong mag bestfriend!!! tagal na natin. Thank you for everything! Padangat ko ika." wow 5 years na pala kming mg best friend at 5 years ko na din siyang lihim na minamahal. "Padangat ko ika" means i love you. 

"yehey! tagal na kitang pinagtyatyagaan bhez ha. padangat taka man." 

Dito kmi ngayon sa bahay. Pag wala siyang ginagawa, pumupunta siya dito sa bahay. Nakikipag kwentuhan sakin at sa pamilya ko. Tawag nya nga sa mama ko ay mama din eh. Kinikilig nga ko, parang bf ko lang talaga sya kaso hindi. Sa mga ginagawa at kilos nya parang bf ko siya. Sinusundo at hinahatid ako. Ang sweet nya kaya. Assuming lang ata kasi ako eh. Alam ko naman na mahal nya gf nya. May gf na sya at 2 years na sila. Mahal na mahal nila ang isa't isa. "Bhez" tawag sakin nung gf nya. Bestfriend ko na din tuloy siya dahil girlfriend sya ng bestfriend ko. Lagi ko pa siyang kasama. Lagi din siyang nasa bahay namin. Lagi din niya kong sinusundo at hinahatid. See? bagay sila ng bestfriend ko. Parehas sila ng mga ginagawa para sakin. Tsk. 

Hindi ko alam kung nagseselos lang ako o masama ugali ko na binibigyan ng masamang kulay pagiging malapit nya sakin. Baka kasi sinisiguro nya lang na hindi ako threat sa relasyon nila. Alam nyo naman na takot ang iba pag ang bestfriend ng bf o gf ay opposite sex. Iisipin baka may gusto si bestfriend sa gf o bf ko. Aminin! Ganyan talaga at totoo naman kasi na may isa na di maiiwasang magkagusto sa bestfriend. Isa na ko sa mga yan. Haha 

Makalipas ang isang taon. Ang bilis ng araw. May bf na din ako. Sa wakas. Mabait sya, masayang kasama at parang bestfriend ko na sya. Simula ng maging bf ko sya di na kmi masyadong nagkakasama ng bestfriend ko. Thank you kay bf kasi mejo nabawasan na ang atensyon at ang aking pagmamahal kay bestfriend. Masaya na ko. May lovelife na eh. ^_^

In the middle of the night. May kumatok sa bahay. Late na! Bumaba ako pati sina mama at papa lumabas ng kwarto nila. Nagulat ako ng makita ko ang bestfriend ko na malungkot. Niyakap nya ko at umiyak siya. As in iyak. Gulat na gulat ako. 1st time ko siyang nakitang umiyak. Niyaya ko siyang maupo. Binigyan kmi nina mama at papa ng privacy. 

"Best, anong nangyari sayo? bakit ka umiiyak ng ganyan?" Tanong ko habang tinititigan sya. 

"Kaya ko din naman gawin yung ginawa ng lalaking yun eh! Ang sakit best! Ang sakit sakit sakit!" 

"break na ba kayo ni Julia?" 

"Oo, niloko nya ko best. Buntis sya. Buntis sya pero hindi ako ang ama best! Ginago niya ko! Kaya ko namang gawin yun eh. dapat sinabi nya! Mahal na mahal ko siya! Alam mo yun! Sa kanya lang ako tumino best!" Patuloy pa rin siya sa pag-iyak. Gwapo ang bestfriend ko. Madaming babae at bading na nagkakagusto sa kanya. Lakas pa ng appeal nya. Ang linis at ang bango pa nya. Always fresh! Nakilala niya si Julia. Naging stick to one siya at talagang super effort siya. Pinakilala niya sa pamilya niya at sakin. Di ko siya masisi kung bakit mahal niya si Julia. Ang ganda naman kasi talaga niya at ang lakas din ng appeal. Bagay talaga sila. Sa ganda ni Julia, madaming mga ahas ang nakapaligid. Akalain mo yun sa ganda niyang yun may kalandian pa lang di mo inakala. 

Naiinis ako kay Julia. Sinaktan niya bestfriend ko! Nasasaktan akong nakikita siyang nagkakaganito. Tinapon niya cellphone nya. Pinulot din naman! Baliw talaga to. Mahal kasi yung phone. Yung sim card na lang sinira niya. 

"Sana kasi bhez ako na lang minahal mo. Di kita sasaktan at lolokohin. Mamahalin kita ng sobra. Mas malabo ata mata mo sakin eh. Di mo ko makita at maramdaman. Lagi naman akong nasa tabi mo, sa harap mo at likod mo. Sana ako na lang best."  sa isip ko lang yan. Di pwedeng sabihin. 

"iiyak mo lang yan best, andito lang ako. Time can heal that wound. Am sure! Mawala man sila. I will always be here for you. I will always love you best."

We are best buddies! ^_^Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon