MMS Chaptie 7
(Red's POV)
Hindi ko alam kung ano itong nararamdaman ko, hindi ko alam pero may biglang kumirot sa puso ko. Alam kong mali itong nararamdaman ko, pero hanep! Nahulog na ako. Alam kong may itinatago si Nika at Naithan, simula pa nang nagkita silang bigla nung nasa Resto kami.
Alam ko nang may namamagitan sa kanila. Itago man nila pero obvious pa rin sa bawat titig nila sa isat isa.
Si Naithan kilala ko na simula nung mga bata pa kami, kaya alam ko kung may itinatago yan oh wala.
May naalala ako...
May kamukha si Nika eh.. Hindi ko lang matandaan pero parang siya yung batang babae sa picture na nakay' Naithan....
Andito kami sa Field sa silong ng mga puno, kasama ko si Nika at si Mitch. Pinapanood namin ang mga taong naglalaro ng soccer at para makapag refresh na rin. Syempre nakakapagod din maging student noh.
Si Nika, ang ganda niya. Hinahawi ng hangin yung mga buhok niya. Alam ko sa sarili ko na may pagtingin na talaga ako sakanya.
Hindi nga lang kasi pwede, ayokong talohin ang kaibigan ko.
Lumayo ako ng kaunti sa tabi ni Nika at sumandal ako sa puno. Kinuha ko ang notepad ko at nag drawing.
Iginuguhit ko si Nika na nakatanaw sa malayo at nakangiti. Kahit side view niya ay napaka gandang anggulo na.
Alam kong mali ito, mali talaga na mahalin ko ang taong di naman ako pwedeng mahalin.
(Nika's POV)
Fast Forward..
Andito na ako sa bahay ngayon, nakakabagot kasi walang pasok. Isang linggong walang pasok kasi on vacation and seminars ang mga profecesor sa school. grabe naman to!
Bumaba ako sa kusina para kumuha ng chips at juice. Dinala ko to sa kwarto ko.
Naglalaro ako "Put me" sa tablet ko. Grabe ang boring naman maglaro nang ganito. Wala akong kasama eh.
Si Naithan naman nasa kwarto niya, nag aaral nanaman siguro yun. Di ba napapagod yung utak nun.
Ako nanapagod din mag isip kaya minsan hinahayaan ko nalang na iba ang mag isip para sakin. Hihihi
Haaaaay ang Boring talag---
"Princess nanjan ka ba?" Ayyy. Si dad lang pala yun. HUWAAAAAAT? SI DAD? nakuuuuu! Lagot!
"Baby, nanjan ka ba sa loob?" patay! si Mom yun, naku si Mom. Hala hala! Kailangan kong magtago. San naman?
Ahh sa cabinet nalang, naku baka di ako makahinga dun. Aaah sa kurtina nalang. Ay hindi pwede dun nasa bintana yun, baka mahulog ako sa bintana. Ahhhhy, nakuu what to do! Tssssk.
"Aaah eehhh, wala po ako dito Dad Mom, nasa mall po ako!" sigaw ko naman. nakuu sana maniwala sila. Lagooot na! Hindi nila alam na magkahiwalay pa rin kami ng kwarto ni Carl. Hala naman kasi!
"*chuckles* Hi Ma, Hi Pa." teka boses ni Carl yun eh.
Lumapit ako sa may pinto banda para marinig yung pinag uusapan nila.
"Oh, iho! Kamusta na?" si Mom yun.
"Okay lang po Ma, kayo po kamusta?"
"Doing great. You're getting handsome huh." chuu! matagal na Mom, Maaaataaagaaaal na!
BINABASA MO ANG
My Mister Sungit (completed)
HumorMakakaya mo kayang makisama habang buhay sa lalaking ubod ng sungit? Kaya mo kayang mag mahal ng babaeng sobrang slow? Read, Vote and be My Fan! Thank you! :)