Hiyya!!! Dedicated to you.. kasi sayo ko gusto i-dedicate :P Thanks for adding this story to your Reading List.
------------
Habang nakaharap ako sa salamin.. nagflashback sa utak ko lahat ng nangyari ..
Napakadaming nangyari pagkauwi ko ng hospital..
Mula sa pagtanngal sa akin ng principal bilang ssg president dahil nga sa nangyari, at dahil na rin sa pagpilit sa kanya ni Martina na tanggalin na ako..
Sa mga masasakit na salita ng mga studyante sa akin..
Sa hindi na pagpasok ni ally..
Sa mga pangaaway sa akin ng mga studyante sa pangunguna ni Martina..
Sa hindi pagpansin sa akin ni JR sa hindi ko malamang dahilan..
Pero kahit papano nandyan naman si tanya at courtney.. Tama.. nagkabati na kami ni courtney.. Sila ang nandyan para damayan at protektahan ako..
At ngayon.. pupunta ang lolo at lola ko dito sa bahay.. Siguro alam na nila ang lahat ng nangyari.. Sa pagkatanggal ko sa ssg.. Sa pagkawala ko sa top sa school.. Sigurado ako.. disappointed na naman sila sa akin.. :( kunsabagay.. kelan ba sila naging proud sa akin.. lalo na si lolo..
Sila ang dahilan kaya ginagawa ko ang lahat.. ang maging top 1.. Ang maging leader na aming paaralan.. lahat yun para sa kanila.. para naman ipagmalaki nila ko.. Pero.. Impossible ng mangyari yun..IMPOSIBLE NA.
Lumabas na ako ng kwarto ko at dumiretso sa may living room.. andun na pala sila lolo at lola.. Lalapit na sana ako pero napatigil ako.. Nagtago ako sa may sulok at pinakinggan ang pinaguusapan nila..
"kahit kailan talaga ang batang yan! Walang mabuting ginawa sa pamilyang to.."-narinig kong sabi ni lolo..
"kumalma ka nga franco!"-sabi ni lola..
"kumalma? paano? paano ako kakalma kung puro na lang kahihiyan ang binibigay nyang batang yan sa pamilyang ito? Anong gusto mo? matuwa ako? matuwa ako dahil ang batang hindi natin kadugo ay sya pang magbibigay dungis sa apelyido ko!!!"
Sa narinig kong yun ay ang sunod sunod na pagtulo ng luha ko..
H- Hindi nila ako kadugo?.. P- paano?
Tumakbo ako palayo.. Gusto kong mapagisa..
Tatakbo lang ako ng takbo hanggang sa dinala ako ng paa ko sa isang park.. naupo ako sa may damuhan..
Binunot ko yung mga damo sa paligid ko.. Kaya ba..
Kaya ba hindi nila ako kayang ipagmalaki dahil..
DAHIL HINDI NILA AKO KADUGO?
Ang sakit sakit na...
"Wahhhhhh!!!!"-sumigaw ako.. wala na akong pakialam kung isipin ng mga taong nababaliw na ako..
Binunot ko muli ang mga damo..
"Maawa ka na naman sa mga damo."
Napatingin ako sa lalaking tumabi sa akin.. Tinitigan ko ang gwapo nyang muka..
Sya na naman.. Bakit ba lagi syang nandyan pag nasasaktan ako..
"Panyo oh.. ang panget mo oh.. puro uhog ka.."
Kinuha ko ang panyo..
pinunasan ko ang luha ko at tumingin sa langit..
"megan.. tell me.. anong problema mo?"
Tumingin ako kay JR.
"bakit ko naman sasabihin sayo.."
"dahil kaibigan mo ko?"