Unti unti nang pumapasok sa isip ni maika kung bakit sya nakakakita ng mga nilalang at kababalaghan. Hanggang sa isang araw nagbago ang tingin nya sa kakayahang ito ng hindi nya nakita ang nakita ng driver sa jeep.
1st year college si maika nun at papauwi na galing eskwela. Mga 8:00 ng gabi na yun. Tuwing uwian, nagkokomute lang si maika at sumasakay sya ng jeep. Natatandaan nya pa, labing dalawa (12) silang sakay nun sa jeep kasama ang driver. Walang katabi ang driver sa harap at tanging siya lang.
Nasa may E Rodriguez Avenue sila nun nang biglang sa di inaasahan, Pasahero: "Bakit po kayo hindi lumiko? Saan niyo kami dadalhin?" Driver: "Magpapa-gasolina lang po." Pasahero: "Loko ka e gasolinahan na ang lilikuan dapat natin?" Napagtanto ni maika na kung lumiko ang jeep nila, ay may gasolinahan nga namang mas malapit. Hanggang di na nila alam kung saan sila dinala ng driver dahil bawat eskinita ay nililikuan niya na hindi naman nila alam. Pasahero: " Manong bababa na ako, ibalik mo bayad ko." Binalik naman niya ang bayad ng bumaba. Hanggang sa nagsunuran na lang ang iba. Pito (7) na lang silang laman ng jeep at hindi nya naisipang bumaba dahil papalabas na rin sa EDSA ang nilikuan nila at alam ni maika na ang lugar, hanggang, Driver: Walang ulo yung isang lalaki kanina!
Nagulantang si maika at lahat ng pasahero nun dahil sa sinabi ng driver. Nagtinginan sila sa isa't isa hanggang sa may nagtanong, Pasahero: "Sino po manong?" Driver: "Wala na nakababa na." Pasahero: "Manong dapat sinabihan mo siya dahil mamamatay yung tao na yun kapag di sinabihan. Driver: "Di ko namalayang bumaba eh. Kaya nga ako nag-iba ng direksyon para makaiwas sa malas."
Nagulantang si maika sa mga narinig nya dahil di nya naman nakita o naramdaman man lang na may kababalaghan na nangyari sa jeep na sinasakyan nila hanggang sa isang araw si maika na mismo ang nakakita.
Break time nila yun at kasama n imaika ang "Tropang Cubaoers" sa canteen. Napakaraming tao noon siksikan sa canteen kasi kainan din karamihan ng mga estudyante sa mga oras na yoon.
Hanggang sa isang di inaasahang kababalaghan ang nakita ni maika. Nakita nya mismo sa kanyang dalawang mata at siguradong sigurado sya na walang ulo ang taong naka-green na napadaan sa harap nya. Napatigil si maika sandali at napaisip. Natandaan ni maika ang sinabi ng Ale na pasahero na kailangang masabihan ang taong yun para di siya mamatay.
Sa kasamaang palad, hindi nya na siya nakita pa dahil na rin sa dami ng tao doon. Lubos na pagsisisi ang naramdaman nya dahil hindi nya siya nasabihan. Pero ang pinang hahawakan ni maika na lang ay hindi nya hawak ang buhay niya, at kung oras na niya, ay oras na niya at di nya na mababago pa ang kapalaran niya.