A/N
Hey guys!
This is one shot story
And if ever na may kaparehas ako ng characters, or some flow of the story hindi ko po yun ginaya, ginawa ko po ito with my own originalitySo hope you enjoy this!
----May family reunion kami ngayon pero sinabay na ng pinsan kong si Janine ang birthday party nya kaya nandito kami sa isang hotel na pagmamay-ari rin nila. Nagimbita sya ng mga kaibigan at kakilala nya
"Janine! Happy birthday" sabi ko at niyakap sya
"Thank you Maika, naku sana matupad ang wish ko"
"Susuportahan kita jan, ano bang wish mo?"
"More boylets to come Hahaha!" At nagtawanan na lang kami doon
"O sige na aalis na muna ako kakausapin ko lang ang ibang bisita ko"
"Sige kukuha nalang rin ako ng pagkain"
Umalis na si Janine at ako naman pumunta sa buffet table at kumuha ng pagkain. Pagkatapos kong kumuha naghanap na ako ng table
habang kumakain nakita ko si Kaizer na masayang nakikipagkwentuhan sa ibang pinsan ko, inimbitahan rin pala siya ni Janine -___-
Ghaaad! Na-aawkward ako tuwing nandyan siya, parang gusto ko ng lamunin ako ng lupa sa sobrang hiya ko sakanya
Yung mga sinabi nya saakin 3 years ago
"FLASH BACK"
Magisa nalang ako dito sa classroom, napagdesisyunan ko ng umuwi
Palabas na ako ng room ng biglang papasok naman si Kaizer
W-wait! Kaizer? Oh my Ghaaad! Si Kaizer Williams!!
And yes, may gusto ako sakanya mula nung highschool pa kami at higit pa sa gusto dahil..Alam na!
"Sabi ng kaklase mo may gusto ka daw saakin"
Napatikom ang bibig ko sa sinabi nya. Sinong nagsabi sakanya? I swear kung sino man sya ipapakulam ko sya Ugh!
"But sorry I will never like you"
"FLASHBACK ENDS"
Inaamin ko nasaktan ako sa sinabi nya sino ba namang hindi masasaktan kung irereject ka ng taong mahal mo diba?
"Oh Maika ikaw nalang ang hindi pa nakakabunot l" sabi ni Janine habang hawak ang isang papel at maliit na box"
"Para san? Anong meron?"
"Hindi ka nakikinig no? Inannounce ko yan kanina. All teenagers are required. May mangyayaring dare game, bubunot ka dito sa box at gagawin mo, kapag hindi mo nagawa may sasagutin kang tanong. Ang magtatanong sayo ay yung lalaking makakaparehas mo ng nabunot na number" pagpapaliwanag nya at bumunot na ako sa box
"The table at the center of the venue, sit there until the program is finish" sabi ng nakasulat sa paper at number 5 ang nabunot ko
Pinakita ko naman iyon kay Janine at may tinignan sya sa papel na hawak nya
"Si Kaizer ang magtatanong sayo"
Bago pa ako makapagreact nakaalis na sya, kaya wala na akong nagawa at pumunta na sa table
Itong table na ito ay magisa, Wala rin akong kasama at mukhang naiiba
May napadaan din akong tatlong pinsan ko na may hawak na tig-isang white rose, siguro dare rin nila yun
"Uh Good Evening everyone, I'm here infront of you to deliver my speech to someone and this is just a dare but I'll take this chance to talk to her and lahat ng sasabihin ko ay totoo" sabi ni Kaizer
"Maika Jana Davis" agad naman akong naalarma sa tingin ng ibang tao at nang tingin nya
"Naalala mo 3 years ago pinuntahan kita sa classroom nyo dahil nalaman kong may gusto ka sakin at sinabi kong hindi kita gusto? There are 5 reasons why I don't like you" dito pa talaga nya balak sabihin? Sa maraming tao? Pwede namang kahit kaming dalawa lang ang magusap
"First, I don't like your first name" ano namang pangit sa name ko? T___T
"Second, masyado kang feeling close" kailangan pa talagang sabihin pati yun
"Third, wala kang pakialam kahit na may ibang nahihirapan sa paligid mo, iniisip mo lang ang sarili mo" Aray !! Masakit na ah, sumusobra naman na ata sya. Hindi naman iyon totoo
"Fourth, wala kang alam" anong wala? Nasa rank nga ako eh. Ilan pa bang masasakit na salita ang sasabihin nya? Hindi ko na kaya! Tumakbo na ako palabas pero sinarado nila ang pintuan
"Teka lang hindi pa ako tapos" sabi nya, ibubuka ko na sana ang bibig ko nang nag "sshh" sya
"Patapusin ko muna ako. Okay and Fifth ayoko ng apelyido mo"
Pagkatingin ko kay papa nakangiti lang syang nakatingin, pati na ang ibang bisita nakangiti na rin. Hindi ba sila magagalit sa sinabi nya?
Tanging piano at violin nalang ang naririnig ko. Ang tahimik wala ni isa ang nagsasalita
Nang matapos na sya nilakasan ko ang loob ko
Tumayo ako at diretsong nakatingin sakanya
"Are you done? So, thank you ha, thank you sa mga masasakit na salitang sinabi mo" maglalakad na sana ako nang magsalita sya
"Maika stop, I'm not yet finish"
"Para san pa? Para ipamukha mo sakin ang lahat ng iyon? Para sabihing hinding hindi mo ako magugustuhan?"
"Maika please listen to me"
"I don't like your first name, it always makes me wonder, dahil alam mo ba tuwing nakikita kita MAIKAkaiba akong nararamdaman" nagulat ako sa sinabi nya, parang naginit ang pisngi ko
"Feeling close ka, hindi ba pwedeng maging close nalang talaga tayo?" Seryoso ba sya? baka niloloko nya lang ako
"Wala kang pakialam kung may nasasaktan, hindi mo ba alam na tuwing may kasama kang iba halos madurog ang puso ko sa sobrang sakit?" Mas lalong naginit ang pisngi ko. Pagtingin ko sa mga tao ngiting ngiti silang nakatutok saamin
Nagsimula nang maglakad si Kaizer palapit saakin
"Wala kang alam, oo nasa ranking ka pero wala ka paring alam. Hindi mo nga alam na may gusto ako sayo" totoo? I mean pano? Pero diba sabi nya--
"And last ayoko ng apelyido mo, hindi bagay sayo ang mas maganda Maika Jana Williams, ayos lang ba?"
Nang nasa tapat ko na sya, may tatlo akong pinsan na lumapit at binigay sakin yung white rose na hawak nila. Para sakin pala ito
"Pero yung sabi mo noon"
"It was also a dare that time lapitan ko daw yung taong may gusto sakin at sabihing hindi ko sya gusto, eh nalaman ko before nun na may gusto ka raw sakin. Alam mo bang ang saya saya ko nun dahil napapansin mo pa pala ako. Kaya ginawa ko nalang, nahihiya kasi akong malaman mong may gusto ako sayo" sabi nya at naghawak ng batok nya habang naka mic pa rin sya. Ang cute nya!
"So, dahil lumabag ka sa rules, umalis kana agad ng hindi pa natatapos ang program, here's my question"
"Ang sakit naman kasi ng mga sinabi mo panong hindi ako aalis"
"But you disobey it" tumango nalang ako bilang pagsangayon
"So yeah. Yun yung reason why I don't like you" Hah? Parang mali naman ata
Ngumiti sya sakin at sinabing..
"I don't like you 'coz I love you. So Maika here's my question...
Will you be my girlfriend?"
----
The End!Thank you for reading guys!
Vote, Comment and share
Have a good day everyone Ciao!