Chapter 30
A/N: kantahan at dramahan chapter po ito :D
[Bryan's POV]
Nagulat na lang kami nung biglang tumayo si Megan at mukhang galit yata? Teka anyare ba? Kanina pa yan eh. Pitikin ba naman ako sa noo? Ang sakit eh may lahi yata talagang ninja turtle yan, dancing ninja turtle.
"Oh Megan anong problema?" tanong sa kanya ni coach.
"Ako naman kakanta! Ang pangit ng boses nyang bakulaw na yan!" sabi nya at may pasigaw-sigaw pa. Naku malakas talaga sapak ng babaeng ito.
Tsaka anong pangit? Ganda kaya ng boses ko. =____=
"Naks! Go bestfriend!" sigaw ni Jade.
"Go Megmeg!" sabi naman ni Wencie at Clarine. Woooo, si Wencie inagawan ako ng mic kanina, buti at gwapo ko kaya okay lang ^_____^v
Lumapit na sya dun sa videoke at pumindot-pindot ng kanta nya. Ano kaya kakantahin nya? Hmmm, naalala ko tuloy kanina, magaling sya sumayaw ha, kaya nga dancing ninja turtle eh. Kamusta kaya ang boses?
Nagsimula ng tumugtog at ang lakas ng loob ng pagong na to, "Girl on fire" talaga ang kakantahin nya? Seryoso ba sya?
She's just a girl, and she's on fire
Hotter than a fantasy, lonely like a highway
She's living in a world, and it's on fire
Feeling the catastrophe, but she knows she can fly away~Okay, so far so good. Okay din naman pala ang boses, medyo basag nga lang haha, pero kung papipiliin ako eh mas gusto ko yung sayaw nya *___*
Medyo masakit kasi sa tenga eh, abangan na lang natin yung mataas na part >:)
Abot nya naman yung tono, ma----
This girl is on fire
This girl is on fire
She's walking on fire
This girl is on fire~~~OMAYGULAY >__________
ANG SAKIT SA TENGA!!! LANGYA SUMAYAW KA NA LANG!!! YUNG EARDRUMS KO NAGDUDUGO NA! ANAK NG PAGONG NAMAN!!!
At may papikit-pikit pa syang nalalaman? With matching hand gestures at padyak pa? Concert lang?
"Looks like a girl, but she's a flame~
So bright, she can---"Natigil sya sa pagkanta dahil inagaw ko sa kanya ang mic.
"Oh bakit nang-aagaw ka ng mic?" tanong ni coach na alam kong gusto din nyang ginawa ko yun dahil kanina pa sila tawa ng tawa.
"Gumaganti ka lang yata eh!" sigaw naman ni Wencie at si Clarine naman eh natatawa na din dahil sa pagkanta ni Megan.
Grabe guguho ang mundo ko dahil sa boses nitong taong ito >_____
"Aish. Ninja turtle naman! Pwede namang bahay kubo o happy birthday na lang kantahin mo eh, dumugo ear drums ko, tama na please!" sabi ko kay Megan na lukot na naman ang mukha.
"Tss, kala mo naman maganda boses mo? Aish sa---"
"Oy tama na yan, mag-aaway na naman kayo, alam nyo bang dyan nagsimula ang lolo't lola ko? Yieeeee!!!" pang-aasar naman ni Dan.
"Tsk, ano namang kinalaman ng lolo't lola mo dito kuya Dan?" ayan na naman po, slow motion na naman yung brain cells nya =____=
"Ibig sabihin eh may pag-asang maging kayo! At mukha na daw kayo lolo't lola!" sabi naman ni Luke.
BINABASA MO ANG
Bakit Hindi Ako Crush Ng Crush Ko? [COMPLETED]
Teen FictionMay pag-asa bang magkagusto sayo ang taong matagal mo ng gusto? O isa lang ito sa mga pantasya ng mga kababaihang lubos na nagkagusto sa isang tao? "Bakit hindi ako crush ng crush ko?". Yan ang kaisa-isang tanong na gustong masagot ni Marjorie. Masa...