Chapter 41: Someone

56 1 0
                                    

A/N: Chapter 41 is ready! Hope you'll like it. Enjoy reading!

Quote of the day:

• Sometimes you just have to turn the page to realize there's more to your book of life than the page you're stuck on.

******

5 years later~

Someone's POV:

            Pagbaba ko ng taxi ay naglakad ako papunta sa kinaroroonan niya. Dala-dala ko ang mga bulaklak na paborito niya. Para siyang sabik na makita ako. Nakangiti pero naiiyak. Siguro dahil sa sobrang saya. Limang taon din kasi ang nakalipas mula nang bisitahin ko siya. Ngumiti ako sa kanya. Kumakaway siya sakin na parang bata. Hanggang ngayon maganda pa rin siya. Walang pinagbago.

"Namiss kita. Sobrang namiss kita." Ibinigay ko sa kanya ang mga bulaklak.

"Kumusta kana? Matagal-tagal din mula nang huli tayong nagkita. Pasensya kana ha? Ako ba namiss mo?" Nanatili siyang nakatitig sakin at hindi nagsasalita.

"Sorry na. Huwag kanang magtampo sakin. Ikaw pa rin ang laman nito... Ikaw lang at wala ng iba. Hindi nagbago o nawala man lang ang pagmamahal ko sayo. Diba nangako ako na babalik ako? Heto na 'yun. Handa na 'ko. Handang-handa na."

           Naramdaman ko ang pagyakap niya sakin. Tinanggal ko ang sunglasses ko naramdaman ko ang pagtulo ng luha ko. Napangiti ako dahil sa yakap niya sakin.

"Namiss kita ng sobra. At hanggang ngayon mahal pa rin kita. Mahal na mahal."

"Hindi ka nagsabi na umuwi kana pala dito." Napatingin ako sa kanya... mali, sa kanila. Nakangiti silang nagbabantay sa akin. "Namiss ka namin... Aeign Zackrey." Bati sa akin ni Darren at Kean.

"Dito ka dumiretso?" Tanong ni Darren.

"Oo. Naramdaman ko kasi ang pagkamiss niya sakin." Napangiti ako at tumingin sa lapida niya.

"Sigurado masaya si Czian ngayon dahil nagbalik kana. Welcome back, dude." Nakangiting sabi ni Kean at nakipagkamayan sakin tsaka tinapik ang likod ko. Ganun din naman ang ginawa ko.

"Panira kayo ng moment. Kayakap ko pa si Czian eh." Sabi ko.

"Tangina mo Zack, huwag ka ngang manakot. Nakikita mo siya? Nasaan siya?" Tanong ng gagong si Darren.

"Heto, nakangiti satin. 'Tong picture niya gago. Bading talaga." Sagot ko at tinuro ang picture ni Czian sa may lapida niya.

"Ikaw naman kasi. Kung anu-ano sinasabi mo." Sagot niya at kinamot ang ulo niya. "Yow Czian, kumusta kana diyan? Ako? Heto gwapo pa rin kesa kay Zack at Kean. Tsaka syempre may maayos na trabaho." Nagreklamo naman kami sa unang sinabi niya. Mahangin talaga, "Alam mo ba... malapit na kaming ikasal ni Pearl. O diba nakakakilig? Hihi." Napailing nalang kami sa sinabi niya. Nakakadiri 'yung tawa niya.

"Alis nga diyan, ako naman kakausap sa kanya. Tch." Tulak sa kanya ni Kean at nilagay na din ang dala niyang bulaklak. "Hello Czian! Zack is back! Ikaw naman kasi, umalis ka agad. Pero okay na din at least hindi ka nahirapan ng matagal. Si Zack? Okay na siya. Nakakatawa at nakakangiti na siya. Pero huwag kang mag-alala, hindi namin siya papabayaan para sayo. Lagi kang mag-iingat diyan, okay? We miss you." Tumayo siya at ngumiti sakin.

"Lagi niyo ba siyang binibisita dito?" Tanong ko at tumango naman sila.

"Tara, punta muna tayo kina Kuya John. Bisitahin natin ang inaanak natin." Yaya ni Darren.

"Si Kieron?" Tanong ko.

"Yhup." Sagot ni Kean.

"Alright. Ang dami ko ng utang sa kanya. Pfftt. Magpapaalam lang ako kay Czian." Umupo ako sa damuhan at hinaplos ang lapida niya, "We have to go. Always remember na mahal kita, alright? Mag-iingat ka lagi diyan. Pupuntahan kita ulit bukas kasama si Astrid. Ipapakilala kita. Syempre pati kay dad. I love you. See you tomorrow, my love."

Memories of the Past (One Liter of Tears)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon