11 : Gnocchi
Tahimik kong pinanuod ang mga alon sa dagat habang malalim na nag-iisip. My face was blank and my eyes distant.
It has been two days since Range called me. At hanggang ngayon ay wala pa rin akong natatanggap na balita. I'm starting to get worried.
Ano na kayang nangyayari ngayon sa Maynila? What about my family? Are they safe?
I pursed my lips. I can't stop thinking about the MDF. Ano ang kailangan nila sa taong iyon? And where in the world is that person? Is he still alive?
Pinikit ko ang mga mata saka bumuga ng mahabang hininga. I have so many questions. At dumadami pa ito kapag may nadidiskubreng bago.
Sino ba talaga si Bella del Fierro?
"Penny for your thoughts?"
Umahon ako mula sa pagkakasalumbaba sa lamesa saka nilingon ang nagsalita.
"Damien." I flashed him a weak smile.
Si Damien ang engineer na namamahala sa construction ng resort. He's a well-known person around here.
Bukod sa gwapo at makisig, mabait pa ito at palangiti. Just like his cousin, Riguel. Angat lang ito ng kaonti dahil may dimples.
The man smiled back at me. His dimples showing.
"Mukhang ang lalim ng iniisip mo ah. Mind if I sit?" magalang n'yang tanong.
"No. Go ahead." sabi ko saka itinuro ang kaharap na bench.
He muttered a short thanks before taking a seat.
"How do you like it here?" tanong nito.
Lumingon ako sa dagat saka ngumiti ng bahagya.
"I love the sea. And the sea breeze. It helps me relax." sagot ko.
Tumango-tango ang binata saka bumaling rin sa dagat.
"Iyan rin ang dahilan kung bakit binabalik-balikan ng mga turista ang resort na 'to."
I didn't comment on that. Ngumiti lang ako habang nakamasid sa binata.
Ang sabi ni Riguel malapit lang dito sa resort ang bahay ni Damien. Nabanggit pa nga n'ya na dumaan s'ya kahapon sa bahay nito.
"Malapit lang ba rito ang bahay n'yo?" kuryoso kong tanong.
Tinapunan n'ya ako ng tingin na tila nabigla sa tanong ko. Agad rin s'yang nakabawi at ngumiti.
"Not quite. It's a five-minute drive from here. Pero malapit rin sa tabing-dagat ang bahay namin."
Hmm, that explains the tan. It suits him very well. Mas lalo s'yang nagmukhang makisig.
"You're living with your parents?" My brows raised.
Lumabas ang dimples ng binata nang mas lumawak ang ngiti nito.
"No. My parents died a long time ago." sagot ng binata saka tumanaw sa dagat.
Napatuwid ako ng upo. My comfy smile falling.
"Oh. I-I'm sorry."
He waved his hand dismissively.
"No, it's okay. Matagal na silang wala kaya tanggap ko na. Bata pa kami ng kapatid ko nang mawala sila."
Tumango ako saka kumurap-kurap. I pinched my fingertips on my lap. Now I feel awkward. But I'm also kinda... curious.
"What... happened to your parents?" maingat kong tanong.
Nag-iwas s'ya ng tingin saka tumanaw sa malawak na dagat. His smile reduced to a smaller one.
YOU ARE READING
Daunting Blue (BBS #1)
RomanceBAD BLOOD SERIES (1 of 3) Eizen. A story about love against death.