Annabelle's POV
N-n-nathaniel..... sh*t! sh*t! sh*t! Ang tanga mo Annabelle. Sino ba naman kasing may sabi sayo na si Christian ang may pakana nito? Pinapunta ka niya rito, oo, pero wala siyang sinabi na siya ang naghihintay sa'yo.
Binigyan ko ng isang tipid na ngiti si Niel at pinunasan ang mga luha ko. Lumapit siya sa akin at ginawaran ako ng isang matamis na ngiti.
Ano na namang pakana 'to? Hinampas ko pa siya kunwari para mawala ang awkwardness. Nginitian lang niya ulit ako at tumingin sa buong paligid. Napatingin din siya sa buong paligid. Gusto ko ulit umiyak. Yung feeling na sobrang romantic ng buong lugar pero hindi mo maapreciate. Kitang kita mula sa kinatatayuan namin ang mga puno ng Acasia. May mga violinist din na nakatayo malapit sa may mini stage. May mga kandilang nakapalibot sa mesa. Hugis puso ang pagkakaayos nito at nasisiguro kong ang sarap sa feeling kapag nakaupo ka na sa upuan sa gitna ng mga kandilang iyon.
Nang matapos siya sa kakatingin sa paligid ay doon lang niya napansin na nakatingin na si Niel sa kanya.
What is the meaning of this? Litong-lito niyang tanong sa lalakeng kaharap.
This? Balik tanong nang kausap sa kanya.
Yes. This. All of this. Ngumiti lang ulit ang kausap habang nakatingin sa kung saan.
I did this because I want you to be happy. I did this because I love you. Nakayuko lang ako habang nagsasalita siya. Nahihiya ako. Kung siya ang may gawa nito, ibig sabihin ba 'nun ay.....
Natigil ako sa pag-iisip dahil sa tatlong pares ng sapatos ang nakikita ko. Ang isang pares ay 'akin. Ang isa ay kay Niel. Kanino yung isa? Tiningnan ko kung sino ang nakatayo sa harap namin at bumungad sa akin ang ngiti niya. Tinignan kong muli ang isa pang pares ng sapatos at tinignan muli kung sino ang nagmamay-ari 'nun. Hindi nga ako namamalik-mata lang. Siya nga ang nakikita ko.
Hi. Bati niya. Hindi agad ako nakapagsalita. Nararamdaman ko na naman 'yung pag-init ng gilid ng mga mata ko.
Anong ginagawa mo dito? 'yan ang lumabas sa bibig ko imbes na dapat ay "hello". Naglaho bigla yung ngiti sa mata niya pero hindi nawala 'yung ngiti sa mga labi niya.
Nandito ako kasi nandito ka. Hindi ba't sinabi ko sayo noon na sabay tayong babalik dito? Sabi niya ng nakakunot ang noo at gayun din naman ako. Wala akong matandaang sinabi niyang ganun. Nanatili pa rin ang paningin ko sa kanya nang bumuga siya ng hininga.
Lumapit pa siya lalo sa akin at balak pa ata niyang hawakan ako kaya naman umatras ako ng isang hakbang sa kanya. Natatakot ako. Nasasaktan. Mahal ako ni Niel at ginawa niya ang lahat ng ito para sa akin. Wala man akong nararamdaman para sa kanya, pero hindi ibig sabihin nun ay babastusin ko na siya at iwanan na lang dito nang mag-isa. Ayaw kong baliwalain lahat ng efforts niya.
Tinignan ko si Niel at ang mukha niyang takang-taka. Hinawakan niya ang braso ko at bumulong sa tainga ko.
Tss rinig kong sabi ni Christian habang nakatingin ng masama sa aming dalawa ni Niel habang nanlalaki ang mga mata ko.
To-tto-oo? Tanong ko sa dalawa. Ngitian lang ako ni Niel at nginisian naman ako ni Christian.
Hinila ako ni Christian sa tabi niya at ngayon ay kaharap na namin si Niel. Hindi pa rin ako maka move on sa sinabi niya. Hindi ako makapaniwala.
Paaano ba 'yan? Tapos na ang trabaho ko rito. Pwede ko na sigurong puntahan ang girlfriend ko. Kanina pa siya naghihintay, baka masapak na naman ako nun. Ahahahahaha..... malakas na tawa niya. Ma-may girlfriend na siya? Bakit hindi man lang niya sinabi sa akin?!
May girlfriend ka na? Bakit hindi mo sinabi sa akin? Akala ko ba mag-bestfriend tayo?! Ang da - hindi ko na natapos ang sinasabi ko nang biglang sumulpot si Mae sa likuran ni Niel at inangkala niya ang braso niya rito.
Eh sa ayaw kong ipasabi sa'yo eh. May problema ka? O_O nanlalaki ang mga mata kong nakatingin sa kanila.
Kailan pa? Tanong ko. sasagutin na sana ni Niel ang tanong ko nung mag-ehem si Christian kaya napatingin kami sa kanya.
Oo nga pala haha.. Oh sya mauuna na kami at may date rin kami. Hindi lang kayo noh! Paalam ni Mae at tuluyan na nga silang umalis.
Tumikhim ulit si Christian at inilahad ang braso niya. Inabot ko naman 'yon at kumapit sa kanya. Pumunta kami sa may mesa na napapalibutan ng mga kandila. Hinila niya ang uupuan ko at pinaupo ako roon. Sus! Pa-gentleman effect pa. Nagpasalamat ako at umupo na rin siya upuang nakalaan para sa kanya.
Nang magkaharap na kami ay isa-isang lumapit 'yung mga lalaking nakadamit na parang pang waiter sa amin at inilapag ang mga pagkain. Sa sobrang tahimik namin ay ang mga manunugtog lamang ang maririnig sa buong lugar. Kahit nga sa pagkain ay parang hangin lang na dumadapo ang mga kutsara't tinidor dahil halos hindi ito makalikha ng ingay. Ibubuka ko na sana ang bibig ko nang bigla siyang magsalita, kaya pinabayaan ko na lang siyang magpatuloy sa kung ano man ang sasabihin niya.
Kumusta? Nalaglag ang kutsara ko sa tanong niya. Ano ba namang klaseng tanong 'yun. Isang salita pa lang ang nasasabi niya ang nangangatal na ako.
Ayos lang sagot ko naman.
Hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa, gusto kong manligaw ulit kung maaari sana. Gusto kong maramdaman ulit yung pakiramdam na akin ka. Gusto kong makita kang ulit na nakatawa dahil sa akin. Gusto kong magsimula ng bagong relasyon kasama ka. Gusto kong ipagpatuloy natin yung pagmamahalan noon na tayo lang ang pwedeng makagawa. Pero bago 'yon, gusto ko sana munang patawarin mo ako sa mga kasalanan at pagkukulang ko. Patawad. Sa haba ng sinabi niya ay hindi rumirihestro sa utak ko lahat ng mga sinabi biya. Titig na titig siya sa mga mata ko at nakikita kong sinsero siya sa mga inamin niya.
Kasabay ng ngiti ko ang pagtulo ng luha ko. Ang sakit na ang sarap sa pakiramdam. Masakit kasi hanggang ngayon ay iniisip pa rin niyang hindi ko pa siya napapatawad. At masarap dahil masarap-wala ng ibang dahilan.
Sino ba ang may sabi sa'yon a hindi pa kita napapatawad? At tyaka alam ko na ang lahat. Sinabi na sa akin ni Mae 'yung pangyayari noon. Sorry dahil ngayon ko lang nalaman. Sorry dahil hindi kita natulungan. Sorry dahil wala ako sa tabi mo noong mga panahon na kailangan mo ako. Nakakainis ka naman kasi. *singhot* Hindi mo man lang sinabi sa akin. Hindi mo man lang ako hinayaang tulungan ka. Hindi mo man lang ako hinayaan na maging girlfriend mo at tumayo sa tabi mo para may makapitan ka. Hindi mo man lang ako - natigilan ako sa pagsasalita nung maramdaman ko ang katawan niyang nakayap sa akin. Hindi ko makita kung anong itsura niya. Kanina pa kasi ako nakayuko, simula nang magbitiw ako ng mga salita.
Hindi ko na napigilan ang mga luhang kanina pa nagbabadya at tuluyan na talaga silang kumawala. Hindi ko na rin kinaya at napahagulgul na ako sa balikat niya at niyakap rin siya pabalik. Mas lalong humigpit ang yakap niya. Nararamdaman ko rin ang pagtulo ng luha niya kaya mas lalo akong naiyak.
---
Nakaupo si Annabelle at nakaluhod si Christian habang magkayakap sila. Kanina pa ganoon ang posisyon nila at kanina pa sila umiiyak pareho subalit parang wala ni isa sa kanila ang gustong bumitaw sa pagyayakapan. Hinalikan ni Christian ang noo ni Annabelle at pareho na silang nakangiti sa isa't-isa. Nagsayaw sila. Nagtawanan. At nagpalitan ng I love you's bago nila tinahak ang daan palabas nang magkahawak ang kamay.
Habang nakatingin naman si En-jhay sa kanilang dalawa ay hindi niya maiwasang matuwa. Si Nathaniel kay Mae. Si Christian kay Annabelle. At si En-jhay kay Jhinalyn. Nakangiti pa siya habang pinagpapareha-reha ang mga pangalan nila nang batukan siya ng mahina ni Jhinalyn. Natawa siya sa ginawa ng babaeng mahal niya at sinabihan ito ng "I love you too". Bigla na lang nag-blush si Jhinalyn kaya mas lalong lumawak ang ngiti ni En-jhay. Hinawakan niya ang kamay nito at lumabas na rin sila sa dating eskuwelahang pinapasukan nila Jhinalyn.
So this is how it feel.. pahabol na bulong ni En-jhay bago sila tuluyang makalabas.
BINABASA MO ANG
So this is how it feel (Completed)
HumorThis story is about a girl na sinaktan at pinaiyak ng kanyang mahal-- her boyfriend. Sobra siyang nasaktan to the point na gusto niya siyang kalimutan at iparamdam din sa lalakeng nang-iwan sa kanya na masakit pala. Gusto niyang iparamdam sa lalake...