Cross My Heart (One Shot)

3.1K 99 22
                                    

Sabi nila, promises are meant to be broken.

Sabi rin nila, broken promises hurt people a lot, kasi napakadalas mangyari.

Edi sana, para walang masaktan, wala nang magpa-promise. Pero hanggang ngayon, kaliwa't kanan pa rin ang "Pangako..." at "Promise...".

Hindi pa rin tayo natututo.

Yes, I used the word "tayo".

Ako kasi, hindi pa rin ako natututo eh. I still make promises, kahit na alam kong malabong matupad ang mga 'yun. Ang mga pangakong ginawa ko kasama ka.

Habang mabagal akong naglalakad sa sidewalk, napatingin ako sa kanan.

Akalain mo 'yun? Ang ganda ng kulay ng kalangitan ngayon. Asul. Malawak na malawak na asul. Ang paborito mong kulay.

Umupo ako sa isang bench na malapit para pagmasdan ang kalangitan. Meron rin palang iba-ibang laki ng ulap. Parang bulak na lulutang-lutang sa langit. Ang ganda tingnan, sobra.

Napahinto ako at in-analyze ang mga pinag-iisip ko, resulting sa pagtawa ko.

Para na naman akong sira dito. Ang description ko sa mga bagay-bagay, parang galing sa isang babaeng lutang. Hindi kagaya nang babaeng minahal mo. Ikaw kasi eh, ang tagal mong bumalik.

Hay Luigi. Kailan ka ba kasi babalik? Nag-promise ka sakin eh.

Closing my eyes, sinubukan kong alalahanin ang mga nangyari sa atin. Mula noong high school pa tayo, tapos nung college, at pati na rin ngayong nakapagtapos na tayong dalawa.

Una kitang nakita noong orientation sa pagpasok ng high school, your place was a few seats away from mine. Napatitig na lang ako noon sa mga mata mo. Side view mo kasi ang kita mula sa pwesto ko eh. Ang buhok mo, nakaharang sa mga mata mo. Emo? isip ko noon. Parang ang lalim nang iniisip mo eh, nakakunot ka pa. Bored ka na rin ata sa haba ng mga talks. 

Sakto namang paglingon mo at nagkatama ang tingin natin. Ngumiti ka. Napangiti rin ako pabalik, maliit lang. Nahihiya na kasi ako. Lumingon na lang ako sa sahig. Ang gwapo nya, isip ko noon, napapangiti ulit.

Kumaway ka at nag-mouth ng "Boring". Napatawa ako ng mahina. Kamalas-malasan mo naman at natapat na nakatingin sa'yo ang speaker. Natanong ka tuloy kung ano 'yung pinagsasabi nya. Nakatingin ka lang sa kanya at nakanganga, walang maisagot. Napatawa ulit ako.

Cute.

Malay ko bang magiging magkaklase tayo? At malay ko rin bang magkakasundo tayo dahil pareho ang taste natin sa libro at sa musika? Hindi tayo 'yung best friends nang sobra, pero good friends tayo at madalas tayong nagkakasabay. All throughout our high school years. Pero ang hindi ko makakalimutan ay...

"Yra!" tawag mo noon, nagiging bilugan ang mata. Ganun ka lagi kapag nasasabik ka. Pero hindi ko naman alam kung bakit ka na-eexcite. Normal na araw lang naman iyun nung high school tayo. 

"Bakit?" tanong ko, nakataas ang isang kilay. Nakaupo lang ako sa mga plastic na upuan malapit sa classroom, sinusubukang magbasa. Napakaingay kasi at mahirap mag-concentrate sa mga salita.

Tumabi ka sa akin, na ikinabigla ko. Hindi ko nga alam kung bakit nabibigla pa rin ako, gayong lagi namang ganun ang ginagawa mo. Naramdaman kong uminit na naman ang pisngi ko. Ganito lagi ang epekto mo sakin mula nung na-realize kong crush pala kita.

"Alam mo ba, naipilit ko na kay Ma'am na pagtabihin tayo sa field trip? Ayaw ko dun sa katabi ko, maarte 'yun eh. Mas masaya kang kasama," sabi mo, nakangiti. Ang gwapo mong tingnan kapag may ngiti ka sa labi, sa totoo lang.

Cross My Heart (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon