Prologue
Isang matinis na tawa ang umalingawngaw sa tahimik at madilim na pasilyo.
Tinawag Niya ang pangalan ko.
Ramdam ako ang pagtinidig ng mga balahibo sa aking katawan. Kinilabutan ako sa pagtawag Niyang iyon sapagkat alam kong malapit na Siya.
“Lumabas ka na dyan.” Sabi nya na tila isang batang nakikipaglaro lang ng taguan sa akin.
Sa mga oras na ito, Siya ang taya at kailangan kong magtago—hindi, kailangan kong tumakbo, kailangan kong makalayo sa kanya.
Muli siyang tumawa.
Isang nakakakilabot na halakhak ng demonyo.
“Lumabas ka na, hindi ka naman makakatakas dito eh.”
Pinilit kong tumayo. Ramdam ko ang paninigas ng aking mga paa na tila napako na sa kinatatayuan nito. Pero kailangan kong tiisin ang sakit, dahil alam kong mas higit pa sa sakit na ito ang mararamdaman ko kapag naabutan Niya ako.
Bumaba ako ng hagdan. Sinuportahan ng mga hawakan ang buong bigat ko.
Rinig ko ang pagbagsak ng tanikala sa sahig. Kinaladkad nya ito at sadyang nakakabingi ang ginagawa nitong ingay. Rinig na rinig ko ang kalansing nito kasabay ang mga mabibigat Niyang yabag.
Talagang malapit na Siya sa akin.
Sobrang lapit na.
Ngunit hindi ako papayag na masaktan Niya ako, ni malapitan ay hindi. Kailangan kong makaalis sa impyernong lugar na ito.
Kailang kong makatakas. Pupunta ako sa kahit na saan. Kahit saan basta wala Siya. Basta hindi ko Siya makikita at makakasama.
Ngunit paano ko nga ba matatakasan ang isang tulad Niya?
“Labas na,” muli Niyang sabi. May nakakatakot na lambing sa boses Niya. Malalaman mong kahit anong oras ay kaya Niyang pumatay.
Natatakot akong maabutan Niya.
Ngunit mas higit na nakakatakot ang katotohanang…
Alam kong kaylan man hindi ko Siya matatakasan.
BINABASA MO ANG
Locked
Mystery / ThrillerThere's nowhere else to hide, nothing else to do, no one else to trust.