That 3 Seconds.

1K 34 9
                                    

A story that will teach you how to love selflessly.

That 3 Seconds

Sa bawat pagpatak ng oras ay maraming maaaring mangyari.

May namamaalam,may bagong sisibol.

May umiiyak at patuloy na nangungulila,may masaya at patuloy na lumiligaya.

May pagkakataong di mo malilimutan at syempre may panahong pagsisihan mo ang mga maling desisyon.

Sa isang iglap pwedeng magbago ang lahat.

Sa isang kisapmata maaaring mawala ang mga bagay na pinahahalagahan.

Ika nga nila 'every second counts' kaya pahalagahan mo ang bawat segundong pinagkakaloob sayo dahil ang panaho't oras ay di na maiibalik pa.

Yun nga ang ginagawa ko ngayon hindi ko sinasayang bawat segundong pumapatak sa pagmamasid sa taong mahal ko.Gwapo nya talaga kahit sang anggulo!

"Uy lokaret baka matunaw si Razel niyan!",kung makasigaw naman tong sang to.-__-

May balak pa atang i broadcast sa buong campus!Di ko keri tong bunganga ng babaeng to.Para kasing nakalunok nang mic sa lakas.

"Shh. Nu ka ba loka loka hinaan mo yang boses mo baka may makarinig.",pabulong kong saway sa kanya with matching hampas sa balikat.

"Oo na ako na ang nakalunok ng mic ako na talaga!",asar niyang sabi.

Ito naman dinibdib agad?

"Sorry na kasi Tiffany.",pa sweet kong sabi.

"Aishh.Bat ba kasi di mo na ipagtapat nang gumaan yang dinadala mo.",sabi niya.

Ako naman nakapako pa rin ang paningin sa taong lihim kong minahal for 4 years.Razel Maundd,heartthrob,deans lister,photographer of all times,owner ng university(sa kanya talaga nakapangalan),at model pa.Bat ba ang layo ng agwat namin na para bang may malaking wall na humihiwalay sa mundo ko sa kanya.Kaya sa mga nakaw na tingin ko lang napagbibigyan ang damdamin ko.

"Hoy lokaret!Natuluyan ka na ba?Baliw na baliw ka talaga sa Razel na yan noh.Di naman kita masisisi eh Mr.Perfect kaya yan.Package na ika nga.Hay grabe ka naman magpantasya eh yung ang layo as in super layo na kahit 10 meters lang ang distansya nyo ay malayo pa rin.",stress niyang sabi.

That 3 Seconds.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon