February 13, 2017Mama: Oh anak? Anong plano mo sa birthday mo bukas? 23 kana bukas diba?
Yeng: Ewan. Matutulog?
Mama: Eh palagi ka namang natutulog. Tingnan mo nga sarili mo, ang taba mo na kaya. Ahahaha
Yeng: Mama naman eh. Pero kahit mataba ako, maganda parin naman ako diba? Hehehehe
Mama: Ay, ewan ko sayo. Kausapin mo sarili mo. Hahaha Hay naku anak, di ko alam kung saan ka nag mana. Sa akin ba o sa papa mo. Oh kay bilis naman tumakbo ng oras parang kailan lang nung una kitang nahawakan. Paglabas mo palang, ang ingay-ingay mo na. Iyak ka ng iyak pero tumigil ka sa pag iyak ng niyakap kita. Nakita ko ang unang ngiti mo na parang isang anghel. Nawala lahat ng sakit at pagod na naramdaman ko ng ipinanganak kita.
Yang: Mama naman eh. Pina-iiyak mo naman ako.
Mama: Kahit minsan sira ulo ka, para kay Mama ikaw ang pinakamabait at pinakamaganda sa lahat.
Yeng: Sabi mo yan hap! Walang bawian? Peksman? Mamatay man?
Mama: Oo sabi eh.
Yeng: I love you Mama. (Sabay yakap)
Mama: I love you too, anak. (Yumakap din ng mahigpit) Magluluto muna ako ng hapunan. Tawagin nalang kita pag handa na.
Yeng: Sige po. Ah baka gusto niyo tulungan ko kayo?
Mama: Wag na. Chill kalang jan.
Yeng: Bumabagets si Mama oh. Chill raw? HAHAHA
Mama: Matigas pang tuhod ko no? Hindi pako ganun ka tanda. Di mo pa nga ako binibigyan ng apo.
Yeng: Apo agad? Eh wala nga akong boyfriend, asawa, apo pa kaya?
Mama: Kailan kaba naubusan ng lalaki? Asan naba si JR? Ralf? Ken? Danille? Jayson? Luke? James?
Yeng: Ngayon lang. Ewan ko kung asan sila.
Mama: Yung first love mong si Erwin?
Yeng: Matutulog mo na ako Ma. Gesingin mo nalang ako pag handa ng pagkain. Night
Mama: Ang sabihin mo, mahal mo pa ang first love mo. Kaya wala kang matinong relasyon kasi umaasa ka na balang araw magiging kayo rin. Makapagluto nga. Hahahaha Pag-ibig nga naman.
Humiga ako sa kama, pinikit ko ang aking mga mata at napaisip.
February 14, 1998
Mama: Baby, gising na. May surprise ako sayo.
Yeng: Hmmf?
Papa: Happy Birthday to you. Happy Birthday to you. Happy Birthday, Happy Birthday, Happy Birthday to you. Wake up my little princess. Andito na si Papa at may dala akong maraming toys para sayo.
Yeng: Papa? Papa? Papa? I miss you Papa. Akala ko di ka uuwi? Huhuhu
Papa: Pwede ba naman yun? Eh alam ko naman magtatampo ang baby ko. Oh wag kanang umiyak andito na naman si Papa diba?
Yeng: Yes Papa. I love you so much Papa. I love you so much Mama.
Papa: We love you too, anak. Now, blow the candles.
Yeng: awooooooooohhh!
Papa and Mama: Happy 4th Birthday Yeng.
Napangiti ako. Kay sarap namang balikan ang mga araw nayun. My father works as a Manager in a company before. Si Mama naman ay may sariling Restaurant. She really loves to cook. I was the only child at that time. Lagi nila akong iniiwan sa Yaya namin. Kahit bata pa ay naiintindihan ko naman na busy sila sa mga trabaho nila. At kailangan nilang magtrabaho para kumita at matustusan ang mga kinakailangan namin. Dahil nga trabaho sila ng trabaho, di na sila masyadong nagkikita at dun nagsimula ang kanilang pag aawayan. Pumikit ako ulit.
4:23 PM
Mama: Anak, aalis muna si Mama ha. Kailangan kung bantayan ang Lola mo sa hospital. Babalik naman ako agad bukas. Sinabihan ko na rin ang Papa mo na umuwi ng maaga. Behave ka lang ha.
Yeng: Yes Mama. Promise behave lang ako. Di ko pasasakitin ulo ni Yaya.
Mama: Manang, ikaw na bahala sa anak ko ha. Wag mo kalimutang painumin ng gatas mamaya bago matulog tsaka yung assignments niya e check mo baka mayron siyang hindi nasagutan.
Yaya: Ang talino kaya ng anak niyo madam. Kahit hindi ko e check, perfect score parin yan. Manang-mana sa magulang.
Mama: Salamat manang. O sya, alis nako. Bye baby, mwah.
Yeng: Bye Mama.
11:57 PM
Yeng: Yaya, nawiwiwi ako.
Yaya: Baby, inaantok pa Yaya. Big girl kana naman diba? Kaya mo na diba?
Yeng: Yes Yaya. I'm a big girl now. Wiwi muna ako Yaya ha.
Papunta na sana ako ng CR ng may narinig akong papasok na sasakyan.
Yeng: Si Papa? Umiwi na si Papa. Yehey!
Bumukas ang pinto. Lalapit na sana ako pero bago paman ako makalapit nakita kung may kasamang babae si Papa. Narinig ko ang kanilang pag uusap.
Babae: Sir baka makita tayo ng Asawa at Anak mo?
Papa: Wala ang Misis ko at siguradong tulog na ang anak ko. Kaya relax ka lang. Simulan na natin ang trabaho.
Bigla akong napaluha. Masyado pakong bata non. Kaya di ko masyadong binigyan ng pansin at hanggang ngayon di ko pa nasasabi kay Mama ito kasi alam ko masasaktan siya ng tudo kahit na hiwalay na sila ng Papa ko ngayon. May ibang kinakasama na siya at may anak na ito sa iba.