Pass the Message

64 6 0
                                    



"Are you ready everyone?!" Sigaw ng aming guro sa microphone bilang emcee. Nagsagawa ng party sa loob mismo ng mga silid-aralan para sa mga magtatapos para sa taong ito at ginaganap ito sa kasalukuyan.

"Yeeeeeees!" at may iba-iba pa'ng mga salita ang maririnig bilang pagsang-ayon.

"Okay! Then, group yourselves into five with five members each. Para naman iyong mga KJ diyan na ayaw sumali sa mga games ay maupo na lamang! O 'di naman kaya'y i-cheer niyo na lang 'yong mga classmates niyo o 'yong mga crushmates niyo diyan!" Pabiro na sabi ng emcee at nagsitawanan naman kami. "Hurry up, Guys!"

Dali-dali naman kami'ng gumawa ng grupo para mapasali. At ako ngayon ay nasa pangatlong grupo kasama ng aking mga kaibigan.

"I think you are all done so let's proceed to our game and its mechanics! Are you familiar with the game 'Pass the Message'? Ibubulong ko sa mga nasa unahan ang word na ia-assign ko sa grupo niyo at ipapasa iyon hanggang sa huli at pagkatapos ay isusulat naman ng nasa hulihan ang word na naka-assign sa inyo dito sa harapan, sa may blackboard. Gets niyo na ba?!"

"Opooooo!" sagot naman namin'g magkakaklase.

"Well, then! Let's start!"

Nasa pangatlo'ng grupo ako naka-pwesto, at ngayon'g nasa hulihan ako ay ako ang magsusulat sa board ng ipapasa sa akin na salita.

Tinipon na ng aming guro ang mga naka-pwesto sa unahan at may ibinulong isa-isa. Ewan ko kung bakit nagkakangitian pa muna sila at parang kinikilig ang mga kaklase ko matapos may ibulong sa kanila at napapatingin sa gawi ko.

Tumingin naman ako sa likuran ko dahil baka hindi naman ako ang tinitingnan nila at iyong nasa likod ko lang iyon. At tama siguro ang hinala ko dahil ang nasa bandang likod ko –kung saan nakaupo lamang para manuod at hindi nakasali –ay si Alexa na muse ng aming silid.

"Ready na ba?!"

"Opoooooo!"

"Okay! Ready! Get set! Go!" Pagkasabi na pagkasabi ng mga katagang iyon ay nagsimulang magsigawan ang mga kaklase ko at tumakbo naman ang mga nasa unahan papunta doon sa mga pangalawa at nagsimulang bumulong.

"Bilis!"

"Oy! Ang tagal bilisan niyo!"

"Hala! Nauunahan na tayo!"

Ilan lang iyan sa mga naririnig ko. At masasabi ko na kami ang mananalo dito dahil nasa pang-apat na ang ipinasang salita samanatala sa iba ay nasa pangatlo o 'di kaya naman ay nasa pangalawa dahil na rin siguro sa kaingayan.

Humarap naman sa akin ang nasa pang-apat at itinapat ko naman ang tenga ko sa kanya para marinig ko at maisulat agad ang salita.

Na-weird-uhan pa ako noong una dahil ang corny ng sentence na naka-assign sa amin. Pinaulit ko nga ulit kaso iyon daw talaga kaya tumakbo na lamang ako sa blackboard at kumuha ng chalk para isulat na ang dapat isulat.

Binilisan ko ang pagsulat dahil iyong ibang grupo ay nagsisitakbuhan na rin papunta sa harap para magsulat subalit hindi ako makapapayag kaya mas binilisan ko ang pagsulat at nang matapos ay...

"Yes! Yes! Yes! Yes!" Tumalon-talon pa ako ng makatapos at nakataas pa ang dalawang kamay dahil sa sobrang kasiyahan.

Nagtaka naman ako dahil bigla'ng tumahimik ang lahat at nakatingin na nakangiti sa akin.

Napatigil tuloy ako sa ginagawa ko at binigyan sila ng nagtataka'ng tingin.

"Bakit? Ano ba'ng me'ron?" Tanong ko sa mga kaibigan ko na ka-grupo ko na nakangiti rin sa akin na halata mo sa mga mukha nila na kinikilig sila gayon na rin ang iba.

Pass the Message (One-Shot Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon