Chapter 1

22 4 3
                                    

Ashton's POV

Kakagising ko lang at napagdesisyunan kong pumunta sa may sala. Pagkaupo ko sa sofa, napansin kong wala yung mga bayot.
Napatingin naman ako sa pintuan ng kwarto ni Newt ng may marinig ako na parang boses.
Naglakad ako papalapit sa pintuan niya at dahan dahang binuksan yung pinto.
"Ugh ugh yeah umm~~" tangina. Nanunuod pala ng porn yung loko.
Bumalik ako sa sofa dahil masyado pa akong inosente para masilayan ang pinapanuod ni Newt.

Pagkabalik ko sa sala napansin ko naman yung dalawang nakaupo sa sofa.
"Fefe Menhe hehe"
"Beket fefe keizen ke? Hehehe"
Yan nga pala yung dalawang bayot na si Minho at Kaizen. Partner in crime yang dalawa na yan.

Bumalik ako sa kwarto ko at humilata sa kama. Kukunin ko palang sana ang gitara ko ng biglang nag-ring ang cellphone ko.
Nakita ko naman ang pangalan ni Greys sa caller ID at agad ko itong sinagot.
"Bat ka napatawag?" nakarinig naman ako ng tawa sa kabilang linya.
"Wala lang naman. Namiss lang kita bayot."
"Omg kiligin na ba me huh?"
Nagpatuloy ang pag-uusap namin at napag-alaman kong nasa acting workshop pala sila.
Napagdesisyunan kong pumunta dahil nababagot na ako dito sa dorm.

Pagkadating ko sa workshop ay nakita ko sila Airah at Greys. Narinig ko yung pangalan ko kaya nilapitan ko sila.
"Akin lang si Ashton. Gagawa pa nga kaming project sa english e." Nagulat ako kung bakit nadamay pangalan ko.
"Walang sayo Airah! Akin lang si Ashton!" Sigaw naman ni Greys.
"Si Greys lang ang mahal ko." Pagsingit ko sa usapan at tumabi ako kay Greys.
"Akin nga lang si Ashton e." sabi pa ni Greys.

Hinila ko siya palayo kay Airah at pumunta kami dun kila Cohen at Psyche.
Si Cohen nga pala ay yung leader ng grupo namin na Seventh Republic.
Si Psyche ay member naman ng Seventh Society.

"Hi Ash." Bati sakin ni Shanaia, siya yung leader ng Seventh Society. Bihira lang kami magkausap nito, natatakot kasi ako sa kanya.
"Hi Shan. Musta?" Umupo siya sa tabi ko. Nakaramdam naman ako na parang may nakatingin sakin at tama nga ako. Nakatingin sakin si Cohen, boyfriend ni Shanaia. Kung nakakamatay lang ang tingin, pinaglalamayan na siguro ako ngayon.

The Last StrumWhere stories live. Discover now