Chapter 16

86.4K 920 52
                                    

Kath's POV

 

Ilang araw na din ang nakalipas simula nong pag sagot ni Mich kay Dan. Buti nalang at wala talaga kaming klase ng ilang araw kasi preparation na for our foundation week. Kaya hanggang ngayon ay nagkukulong lang ako sa bahay. Ilang beses pa nga akong kinukulit nina Julia na gumala pero lagi kong tintanggihan. Hindi ko kasi kaya eh.


Pagkababa ko ay nakita ko si Kuya na may kinukubli sa laptop niya.


"Kuya si mama?" Tinignan niya ako at tinaasan ng kilay.


"Nasa kusina. Naghahanda ng meryenda." Tumango na ako at pumunta ng kusina. 


Naabutan ko si mama na gumagawa ng juice at may sandwich na sa tabi nito.


"Ma labas muna ako. Gusto ko kasing magpahangin eh." Tumango lagn si mama sa sinabi ko.


"Okay, gusto mo bang kumain bago ka umalis? Ready na tong meryenda mo oh." Umiling nalang ako sa sinabi ni mama.


"Wag na po. Busog pa naman kasi ako eh." Tumango si mama at hinarap ako.


"O'sige. Mag ingat ka ah? Balik ka kaagad bago mag gabi." 


"Opo ma, sige po alis na ako." HInalikan ko siya sa pisnge at nagpaalam na din sa kuya ko bago lumabas ng bahay.


Ngayon lang ata ako nasinagan ulit ng araw.


Pagbukas ko palan ng gate ay sina Mich at Dan agad ang bumungad saakin. Sabi ko magpapahangin diba? Ang sikip naman ata dito, hindi ako makahinga.


Papasok na sana ulit ako para maiwasan sila pero may tumawag na saakin.


"Kath!" Nilingon ko yon at nakita ko si JC na kumaway saakin. Ngumiti ako sakanya at kumaway din.


"JC! Anong kailangan mo?"


"Tagal na nating hindi nagkita ulit. Hindi ka na kasi sumasama sa gala ng barkada. Ano ba ang ginagawa mo sainyo?" Tumawatawang sabi ni JC.


Pinilit ko nalang din na sumabay sa tawa niya.


"Uhm, wala! Nagkasakit kasi ako ng ilang araw eh. Kaya hindi talaga ako nakasama." Sumulyap ako kay Dan if nag alala ba siya pero wala. Nandon lang ang buong atensyon niya kay Mich.


"Ha? Sure? Okay ka na ba?" Nag alalang tanong ni JC saakin. 


Mismong best friend ko hindi ako tinanong kung okay lang ba ako. Sa tingin mo Jayce? Magiging okay kaya ako?


"Oo naman. Salamat sa PAG ALALA ha?" Binigyan diin ko talaga ang pag alala. Baka sakaling marinig niya yon pero hindi eh. Manhid talaga!


Bestfriend Ko... (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon