The Script [Short Story]

2.4K 16 0
                                    

Rocky Mendrez - Florante

Ayen Franco - Laura

Judz , Benz  at Dudz -  mga kaibigan ni Rocky

Ms. Josephine -  Teacher

*****

Nakakainis naman tong adviser ko! Ako pa pinagtutulakang maging FLORANTE dito sa buong section. Sana si AYEEEEN ang.... -Rocky

"HOY! Pre, daig mo pa babae sa haba ng nguso mo ah. Ang late mo talaga sa balita tsong."  -Judz

"May goodnews ka ba? sabihin mo na lang nga?!" -Rocky

"Pumayag ka na maging FLORANTE dahil yung chicks mo magiging LAURA. Minsan pre, ang gago mo." -Benz

"Bagay sayo pre, i'hashtag. #MEDYOGAGO!" -Dudz

*****

Buti na lang sa lahat ng section ako ang napili, eh paano ba naman DREAM ROLE ko kaya maging LAURA. Kahit sino pa maging FLORANTE ko, importante ako ang Laura.

Bwahahah :D Basta maka-arte lang ok na ko dun, makapal at walang hiya man ako (papakita ko sa kanila na wala akong palya) -Ayen

"Ms. Franco, ipapaalala ko lang na bukas na ang praktis para sa Florante at Laura. Pero mamaya ang meeting para sa mga cast, ng magkakila-kilala na din kayo." -Ms. Josephine

"Okay ma'am." nakakagulat lang si ma'am kasi bigla na lang sumusulpot. Pero ayon good news naman pala ang dala-dala niya.

Nandito na ako sa meeting, well si Rocky Mendrez pala ang gaganap bilang Florante. Infairness maitsura naman ang napili ni ma'am, pero marunong naman kaya itong umarte? (magkakaalaman 'to bukas)

*****

Uwian na, dahil tapos na yung meeting. At kasama ko yung tatlong tukmol kong mga kaibigan ng mapag-isipan kong humingi ng tulong sa kanila.

"Judz, Benz at Dudz ano ba magandang gawin. Any suggestions guys?" -Rocky

"Tutal Tita ko naman ang teacher natin sa subject na to, bakit hindi tayo humingi ng tulong sa kanya?" -Judz

"Tama ka jan utol Judz, parang gets kita. Kausapin natin ang Tita mo at agahan ang Role Play, tapos ikaw pareng Rocky huwag ka ng gumamit ng script." -Dudz

"At sabihin mo lang ang tunay mong nararamdaman." Aba at talagang duet pa tong si Judz at Dudz. Parang B1 at B2 lang eh.

"Ikaw Benz wala ka man lang idudugtong sa suggest nitong dalawa? Pero oo tama kayo pareng Judz at Dudz, magandang ideya nga yan." -Rocky

"Teka pareng Rocky alam ko na i-aambag kong suggestion, ako ng bahala sa mga schoolmate natin. Para magmukha lalong totoo ang role play." -Benz

*****

5.... 4.... 3.... 2.... 1.... ACTION!

FLORANTE: Laura, ibig kong ipagtapat na matagal na akong may lihim na pagtingin sayo.

LAURA: Florante, gayun din ako ay lihim kitang iniibig.

OK! CUT

Hindi ko alam pero parang may mali sa script. Pati yung Showing ng role play naatras din, ewan ko pero parang may kakaiba o baka praning lang ako? (baka makabagong version na ng Florante at Laura yung role play. Hahahah!)

Practice pa lang kanina pero ang galing pala ni Rocky bilang Florante, kung hindi lang 'to role play malamang nabihag na ako sa pinagsasabi niya kanina.

Lugi ako kahit kasi may kakapalan ang mukha ko medyo kinabahan pa rin ako kahit papaano, tapos sya kahit kapirasong papel walang hawak-hawak?! (yung totoo koya, bakit ang galing? IKAW NAAAA!)

*****

Ready na ang TROPANG POTCHI este ang mga tropa kong sina Judz, Benz at Dudz. I mean ready na ang rose, camera at mga audience kuno.. Hahaha =]]] 

Oo, tama ang hinala nyo Set-up lang lahat to. Pero ang sasabihin ko, ang "SCRIPT" ko totoo, tapat at galing lahat sa puso. 

*****

Hala? ang kulit ng costume ko GOWN? Sure sila? Eh para na kasing Wedding Gown to eh, kundi lang 'to kulay pink. Haaaay! -Ayen

.....And The Show Must Go On!!

& then, nagulat ako ng lumuhod si Rocky sa harap ko..

Ah! Eh! Teka, wala sa script to aah?!

Ang gulo bakit ganun? Teka naguguluhan ako?

"Laura, Ah? I mean Ayen... I admire you since we we're grade school. All those script of yours and the role play are set-up, pero lahat ng mga sinabi ko ay hindi SCRIPT dahil lahat yun ay galing dito." (sabay turo sa PUSO ko.) -Rocky

"Haaa? Aaah.. Eeeeh?" -Ayen

"Ok lang kahit wala kang reaksyon ngayon Ayen. Pero, LAURA CAN I COURT YOU?" -Rocky

"O-Oo. OO FLORANTE. -Ayen

♥ THE END ♥

The Script [Short Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon