Chapter 37 (B)

7K 186 3
                                    

Dinner was good. No, it was awesome and their catch was delicious. Medyo marami-rami ang huli nila kaya naman masagana ang hapunan nila. 

They cooked it in gata na may sili. Oh boy! Talo ang five star restaurants at ang gourmet resto! Fisrt time nya to eat those food kaya naman sarap na sarap sya. Isama pang ang ganda ng cook. Solve!

"Maghuhugas lang ako ng plato. Punta ka muna doon." Pagtataboy sa kanya ni Rostica. He was helping her putting up the dirty plates in the sink. 

"Samahan na kita." 

"Wag na. Madali lang naman ito." Wika nito bago kinuha ang plato na nasa kamay nya. 

"Dito nalang ako. Panonoorin nalang kita kung ayaw mong tumulong ako." Wika nya sabay hila ng bangko at naupo. 

"Bahala ka nga." Wika nito bago nagsimulang maghugas. 

Nakapangalumbaba siya sa mesa habang pinapanood ang likod nito. Nakatalikod kasi ito sa mesa dahil nakaharap ang lababo opposite sa kamesa kaya malaya nyang napagmamasdan ang seksing likod nito. 

Ngayon nya lang napansin, likod o harap, wala kang itatapon sa katawan ng nobya nya. Lahat masarap sa mata. Nakakapanginit ng pakiramdam at nakakamanyak! 

Kamuntik pa syang mapamura when she bend over to pick up the spoon na nalaglag sa sahig. Those sexy butt is torturing him.

Pumikit sya at huminga ng malalim ng makailang beses bago tumayo at nagpaalam. Kailangan nyang lumayo muna at baka matukso sya. Baka magahasa nya ng wala sa oras ang nobya. Matagal-tagal pa naman syang tigang.

He ended up outside the house. Nakatayo lang sya at nakatingala sa langit na puno ng bituin. Payapa ang lugar at presko ang hangin. Wala din masyadong tao kahit alas otso palang nang gabi. Ganito pala talaga ang buhay probinsya. 

He was too busy admiring the night sky kaya di na nya napansin na nakalapit na pala sa kanya si Rostica. 

"Di ka nilalamig?" Tanong nito habang inaakbayan sya.

"Nope." Sagot nya dito habang tinatanggal ang pagkakaakbay nito sa kanya. Hinila niya ito at ipinwesto sa harap nya habang sya ay nasa likod nito. He then give her a back hug. 

"Ilang anak ang gusto mo?" Tanong nya dito habang pareho silang nakatingala sa langit.

"Dalawa siguro o tatlo. Ikaw?" Balik tanong nito. They didn't realize that they are already gently swaying side to side.

"Kung ilan ang gusto mo. Ikaw ang reyna ko eh."  Bulong nya dito bago hinigpitan ng kaunti ang pagkakayakap dito.

DI naman mapigilan ni Rostica ang mapangiti. 

"Magtatagal kaya tayo?" 

"Oo naman."

"Papano ka nakakasiguro?"

Iniharap nuna sya nito bago sumagot. 

"Kasi wala na akong ibang babaeng naiimagine na makasama ko sa pagtanda kundi ika." He put her hands on his shoulder while he place his hands in her waist. Bahagya sya nitong kinabig palapit kaya kakaunti nalang ang distansya ng katawan nila. Hinawakan din nito ang baba nya, for her to be able to look at him in his eyes. "Wala na akong ibang babaeng gustong pagbigyan ng pangalan ko kundi ikaw. Ikaw lang din ang gusto kung maging ina ng mga prince and princesses ko. At wala na akong gustong ibang babaeng mamahalin kundi ikaw. Ikaw lang Swang at wala nang iba."

Pwede palang magmahal ulit ng paulit-ulit! My geee! Ilang beses ba syang nainlab uli sa greek god na ito ngayong araw?

"Mahal mo ako pero di mo ako kinikiss. Hmp.." wika nya dito bago pa nya mazipper ang bunganga. Nakakahiya! 

Napatakip tuloy sya ng mukha at nahihiyang tumungo kasabay ng impit na tili. Gusto tuloy nyang maging pagong kahit ngayon lang. May mapagtaguan man lang sya ng nangangapal na nyang mukha sa hiya. At ang magaling, nagawa ppang tumawa!

"Nakakainis ka!" Akmang lalayo na sya ng higpitan nito ang yakap sa kanya. 

"Ang cute mo kasi." Natatawang wika nito.

"Bitiwan ko na nga ako. Matutulog na ako." Pagiinarte nya. Natatawa pa rin ito kaya naman di na nya napigilang kurutin ang itlog nito. Weheheh! Joke! Baka majumbag sya nito ng wala sa oras.

Matapos ang ilang sandali, natapos na din ito sa pagtawa. Habang sya naman ay nakapagisip na. Since nasimulan na nyang ungkatin ang halik issue nya dito, mabuti pa siguronf ituloy-tuloy na nya. Imarinate na nya ang mukhang nababad na sa kahihiyan.

"Gusto ko lang kasing malaman. Bad breath ba ako kaya di mo ako kinikiss? May tinga ba ako in between my teeth o kaya masyado bang maka'cory aquino ang ngipo ko kaya di mo feel?" Seryosong wika nya dito. She saw him smile muna bago nito ipinatong uli ang mga kamay nya leeg nito.

"Unang-una, hindi ka bad breath, pangalawa, wala kang tinga, at pangatlo, your teeth is healthy kaya no need to stress over that."

"E bakit di mo ako kinikiss?"

"I have my reasons." Nakangiting wika nito. Kumunot naman lalo ang noo nya. 

"And what is that?" Pangungulit pa rin nya.

"Gusto mo talagang malaman?" Tila naghahamong wika nito. Tumango naman sya. Bumuntong hininga muna ito. She intently look at him in the eyes and he did the same. 

"Kasi gustong kong ang first kiss natin sa loob ng simbahan. Gustong kong magkaapilyedo na tayo kapag hinahalikan ako na yang labi mo. Dahil hindi ko alam kung kaya ko bang tumigil sa halik lang." 

Ay syet! Maypa ug wala sya nangutana dah. -sana hindi nalang sya nagtanong-.  Uminit yata at namula ang talampakan nya hanggang sa anit sa hiya. 

"I lust you and i desire you so much. Alam mo bang ang sakit mo sa puson? Pero mas nananaig ang pagmamahal at respeto ko sa'yo kesa sa tawag ng laman ko sa'yo. Mahal kita and i want to make this right for us." Wika nito sabay yakap sa kanya. Di naman nya maiwasang mangiti sa sinabi nito.

"Makuntento muna tayo sa halik sa noo at sa pisngi hah. Baka kasi di ko kayaning magcontrol kapag iyang labi mo na ang hinahalikan ko. I don't wanna risk it, Swang."

"We'll wait for that perfect day. At kapag dumating yun, lips to lips tayo ng thirty minutes. Ang mauunang bumitaw, tapyasin ang lips." Nakangiting bulong din nya. 

Hay, thank you so much Lord. Salamat sa aking foreber. 










Si Promdi made at Si State sideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon