Kabanata 26: Underestimate

718 12 2
                                    

Nagising ako ng maramdamang tumatama ang sikat ng araw sa mata ko. Kinusot ko ang aking mata at bumangon. Napasandal ako sa headbord ng kama at hinilot ang sintido ko. Parang mabibiyak ang ulo ko sa sobrang sakit. Napadami ang nainom ko kagabi at hindi ko alam kung anong pinaggagagawa ko.

Napailing ako at pinikit ang mata ng maalala ang nangyari kagabi.

Did I just kiss Eyrone? Shit, Odessa, hindi ko alam kung bakit ko 'yon nagawa. Ang naaalala ko lang ay si Carlos. Everything I see is Carlos. Sa sobrang pagkamiss ko sa kanya ay napagkamalan kong si Carlos si Eyrone. Hindi ko rin alam kung paano ako nakauwi. Everything went black after I kissed him. Napabuntong hininga ako at tinaggal ang kumot na nakabalot sa katawan. I'm still wearing what I wore yesterday.

Napatingin ako sa pintuan ng bumukas. It was Max with a glass of water on his hand. Ngumiti ako at inalalayan siyang umupo sa kama.

"Good morning," ani ko at hinalikan ang pisngi niya.

"Gamot mo daw, ate, ayos ka na? Hindi na masakit ulo mo?" hindi ako sumagot at kinuha sa kanya ang gamot at ininom.

"Masakit ang ulo ko, Max." ani ko at linapag ang baso. "Uh, sinong naghatid saakin kagabi? Nakita mo ba?" tumango siya at pumwesto sa likod ko. Napangiti ako ng hilutin niya ang sintido ko. Sa ganitong pagkakataon ay sigurado may gustong hilingin ang batang ito. Well, ganito siya kay Carlos noon. Maglalambing kapag may gustong ipabili.

I'm worrying. Isang araw pa lang ang nakakalipas na hindi ko nakakausap si Carlos ay alalang alala na ako. I know his mad, really. Pero galit rin ako sa kanya. For staying at the bar with Stacey. He lied to me. Naiinis ako dahil isang buwan pa lang siya sa Manila ay parang may nagbago na sa kanya. I don't know, either. O baka naman naprapraning lang ako. Annoyed, maybe. Noong nandito pa siya ay oras oras niya akong chinicheck kahit nasa kalagitnaan ng klase. I understand that he is busy. I just can't stand seeing him with other girls.

"Hinatad ka ni kuya Eyrone kagabi. Nagising ako sa boses ni mama. Ang akala namin napaano ka na." ani niya at magaan ang kamay na hinihilot ang sintido ko. Napapikit ako. Nakakarelax ang ginagawa niya at gusto ko ulit matulog.

Hindi ako sumagot hanggang sa matapos ang ginagawa niya. Umupo siya sa tabi ko at mariin akong tinitigan.

"Ate nag away ba kayo ni kuya Carlos?" nabigla ako sa tanong niya.

"Bakit mo naman nasabi?"

"Tumawag siya kahapon sa landline. Ate alalang alala siya sa'yo. Hindi ka daw niya matawagan at hindi ka nagrereply sa mga text niya. Tapos naglasing ka pa. Mabuti na lang at hinatid ka ni kuya Eyrone."

Parang sumikip ang espasyo ng kwarto ko at nanikip ang dibdib ko. Of course, he's worried! Mabuti at hindi niya naisipang umuwi ng wala sa oras. Inaliw ko lang ang sarili ko upang mawala ang galit ko. Hindi ko naman akalain na magugustuhan ko ang alak sa bar. Mainit man sa lalamunan at sikmura ay masarap parin. Napapikit ako ng mariin. Shit! Bakit ko nga ba ginawa 'yon? Hindi ko alam.

I missed him so bad. Ang akala ko ay makakatulong ang alak pero hindi. Mas lalo ko lang siya na miss. God. I've missed him so much.

"Anong sinabi niya sa'yo?"

"Binabaan mo daw siya ng telepono noong tinawagan mo siya. Pagkatapos hindin ka na daw niya matawagan." napatango ako at hinaplos ang buhok ni Max. Sinabi kong iwan muna niya ako saglit upang makapag-ayos.

Sinara ko ang pintuan at kinuha ang phone ko. Sinubukan ko 'yong buksan pero lowbat na talaga kaya naman chinarge ko. Nagdiretso ako sa banyo upang maligo para mabawasan ang sakit ng ulo ko. Nanlalagkit ako sa sarili. Nang matapos ay inabala ko ang sarili sa harapan ng salamin.

EverlastingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon