Second Wish

33 2 0
                                    

20 Years After

Nakabalik na ng Pilipinas ang pamilya ni Karylle. Kasama ang kanyang dalwang adopted sisters na sina Zia at Coco. 20 years na din nung nakabalik sila. Kaya sa Pilipinas na rin ni Karylle pinagpatuloy ang Grade School hanggang College nya. She took Business Management dahil pangarap talaga niya na mag business at restaurant ang gusto nyang ipatayo. After ng Business management, nag - enroll sya sa isang Culinary School for 3 years. Sa bahay nalang nya pinagpatuloy ang pag - aaral magluto ng iba't - ibang putahe na ilalagay sa Menu ng kanyang dream restaurant. Sa loob ng halos 20 years sa kanyang bansang sinilangan, marami siyang nakilalang mga tao na naging mahalagang parte na ng buhay nya. Isa na doon si Vice.

Noon, medyo nahirapan pang pakisamahan ni Vice si Karylle dahil inglisera pa si Karylle at tutoy pa noon si Vice. Pero habang tumatagal, nagkakaintindihan na din sila dahil unti-unti na ring nadadagdagan ang kaalaman nila sa isa't - isa. Hindi mapaghiwalay ang dalawa. Kahit na gusto ni Vice mag PolSci, pinili nya ang Business Management dahil ' love nya daw si K...... Bilang KAIBIGAN '.

Kasalukuyang nasa isang coffee shop ang magkaibigan. Pinagpapaplanuhan na ni Karylle ang pakikipag partnership sa isa pa nyang bestfriend na nasa NY na si Anne. Fina - finalize na nya lahat habang ang kasama nyang si Vice..... wala lang. Kumakain lang ng chocolate cake at umiinom ng frappé.

" Ang busy mo na talaga, bessy " sabi ni Vice.

" Shempre,  kailanga  na to I-fanalize. Atsaka, alam mo namang kailangan ko na ulit bumalik ng NY next week para dito. " naka-pout lang si Vice habang nakikinig kay Karylle na parang nagtatampo.

" Bat kasi kailangan pa yun. " wala sa sariling tanong ni Vice.

" Ha? Anong Bat kasi kailangan pa nun? Eto, parang di nag-aral. Pag-usapan naman natin yung business nyo. "

" Hmm. Ayoon. Successful naman. " tinatamad na sagot ni Vice. Masaya na sana nung pagbalik ng kaibigan niya. Pero nung nalaman nitong aalis ulit ang kaibigan nya sa isang linggo, medyo nagtampo siya at nalungkot. Halos isang buwan na din kasi silang di nagkikita dahil busy lagi sa trabaho.

" So, would you mind If I requested na magtayo ka pa ng branch? Super sikat na ng salon nyo, bes " napansin ni Karylle na parang nakabusangot ang mukha ng kanyang best friend at alam na nya kung bakit.

" Babalik naman agad ako bes eh. Pagbalik ko may dala akong spam.. " hinawakan nya ang kamay ni Vice pero wala parin.

" Ibibili kita ng.. ano.. Gergens. Gusto mo? " umiling lang si Vice at nanatiling tahimik.

" Eh anong gusto mo? " tanong ni Karylle.

" Ikaw. " tugon ni Vice. Ngunit sadyang tinamaan ng kabingihan si Karylle at di nya iyon narinig dahil busy sya sa kanyang phone.

" Nako bes. I need to go. Mag-aayos pa ako para sa flight ko. Tara na. "

" De sge. Mauna ka na. Sayang naman tong foods. "


" Haay. Tandaan mo, Vice. BAKLA KA. At hindi pwede. Diba? May jowa na yung tao? Di na pwede. Itanim mo yan utak mong sa dinami-rami na ng tinanim ay nagmukha nang gubat. Haayst. Kailan kaya? Kailan nya kaya mapapansin tong lihim kong pagtingin para sa kanya. 3 years! Mayghaad! I'd better be going. Kailangan na ko sa salon. Iba nalang isipin mo "







:-)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 30, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Wish Upon A Star (VICERYLLE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon