He ain't no perfect boyfriend material. Basagulero, babaero, palaging outstanding, at marami pa. Classmates na kami eversince grade 7 hanggang ngayon na grade 10 na kami. Pero hindi ko alam, parang may nagbago. Parang may nagbago na hindi ko gusto na parang gusto ko rin. . .
"Wow impressive. Natapos niya ng parang wala lang. may itinatago palang galing itong si Gilbert eh!" sabi ni Marie sa akin habang nag re-rate siya kay Gilbert na nag ee-speech. Jury kasi siya.
I smiled silently. Oo nga naman, nakakamangha lang na isang Gilbert Rivera eh may other side pala.
"Nakakaturn-on," nasapo ko bigla ang bibig ko. Napatingin ako agad kay Marie and tama nga ako. Nakingiting aso naman ang gaga.
"Uyy ikaw Gel ha may hindi ka sinasabi sa akin." Nakangiti nitong sabi habang sinusundot ang tagiliran ko.
"Ano ba! Hindi kaya! Ang sabi ko nakakturn-on kasi ang fluent niyang mag-english. Ang bihira kaya ngayon sa isang lalaki ang ganyan tapos alam mo pa ang back—" hindi ko na natapos ang sinasabi ko ng makita kong hawak-hawak niya ang tiyan niya at nagpipigil itong tumawa.
"Girl. Pfft—hahahaha! Ang defensive mo swear! Hahahaha! Wala pa nga akong sinasabi ang layo-layo na ng inabot mo!"
Pakiramdam ko umakyat lahat ng dugo ko sa mukha ko. Para na akong kamatis dahil sa sobrang pula ko ngayon for sure. Damn, nakakahiya! Ano ba tong mga pinagsasabi ko. Okay Gel wala lang yan. I tried to compose myself back and face into the flat form. Pero as I my made my move, I saw him smiling brightly with his group of friends and I was startled when my gaze catch his'.
Hindi ko alam ang gagawin ko pero parang biglang nag slow motion ang lahat ng nasa paligid naming dalawa. He then faced me. Pero ang mas nakakabigla sa lahat when he smiled at me.
Oh.my.gosh.
---
The following day, the usual things happened. Napagalitan ako ng adviser namin kasi late akong pumasok tapos parang tulog pa yung kaluluwa ko na Marie had to remind me to check the attendance.
"Ano ba ang nangyayari sa 'yo Miss Medina at lagi kang wala sa sarili mo?" yan parati ang bumubungad sakin tuwing umaga galing kay Sir.