XXXIII - My Santa Claus
Hyacinth’s POV
“Heller Hya? Hindi pa rin talaga siya nagpaparamdam talaga mula nung double date natin?” – nth time na tanong na sakin yan ni Bru.
Nandito nga pala kami sa bahay namin. Kaloka nga eh, bigla bigla na lang silang pumunta dito ng walang paalam eh, aalis pa naman nanay ko nako, wala daw magbabantay sa tindahan namin. Paktay ako neto >.<
“Teh, isa pa malapit na mag Christmas nuh. Actually, sa Friday na! Eh, Tuesday na ngayon. Anebey! Wala talagang paramdam sa’yo?” -Ces
“Ano ba namang boyfie yan! Buti pa yung boyfie ko!” – Raez, tapos pinagtinginan siya nina Cath, Eunice at Ces na parang sinasabing, “manahimik ka na lang kung wala kang matinong sasabihin”.
Hay. Yeah.. Christmas na sa Friday. Nangako pa naman kami na magkikita kami sa Christmas.
“Ano boi? Pahanap na natin sa NBI?” – Eunice
“May pangbayad ka dun, Eu?” – Raez
“Syempre….” – Eunice , nakatingin na sa kanya ang Judges..
“…wala!” sabi pa niya at saka lalong nawalan ng pag-asa ang Judges.
“Mga adik lang? Papa-NBI niyo talaga yun kung may pambayad tayo?” – Eunice, sabagay may point siya.
“Hay.. Hoy, Raez at Cath! Give Hya advices naman tutal kayo itong may mga boyfie!” – Ces
“No, I don’t need any advices.” –ako
“Ha? Eh ano? Magmumukmok ka na lang diyan? Heller! Paskong-pasko eh!” – Bru
“eh, ang gusto ko lang naman..” napansin kong naka-abang silang lahat sa sasabihin ko.
“Ano?”- silang lahat
“GUSTO KO LANG UMALIS MUNA KAYO DITO KASI PINAPAGALITAN NA KO NG NANAY KO DAHIL AALIS SIYA TAPOS WALANG MAGBABANTAY NG TINDAHAN NAMIN.” – ako
And all of a sudden, nag-evaporate na sila sa harapan ko.
Whew!
FLASHBACK FROM 2nd DAY SA SUBIC ~~
“Hoy. Sa Christmas ha?” – ako
“Yes. Syempre, magkikita tayo, mine.” – Xander
Napangiti ako. Ano kaya puwede naming gawin sa Christmas? Hm,?
“Ano bang gusto mong gawin? Shopping? Gala somewhere? Sabihin mo lang!” – Xander
“Hm, ayoko ng mga yun. Magastos lang!”
“Eh ano, mine?” nakatingin siya sa’kin ng seryoso na parang sinusubukan niyang basahin kung ano’ng nasa isip ko.
Tumingin ako sa kalangitan. “Dati nung buhay pa si Papa, lagi siyang nagcocostume ng pang-Santa Claus kasi alam niyang gustong-gusto ko yun. Kasi, avid fan ako ni Santa eh. Naniniwala ako sa kanya noon. Actually, nung inexplain sakin ni Papa na hindi totoo si Santa, umiyak ako ng sobra nun. Tapos sinabi na lang niya sa’kin na, ganito na lang, siya na lang ang magiging Santa Claus ko tuwing pasko. Pero… mula nga nung namatay na siya, hindi ganun kasaya tulad ng dati ang bawat pasko ko. It’s been years na mula nung nagChristmas ako ng kasama si Santa, kaya naisip ko na gusto ko makasama ulit si Santa kahit makakita lang ng ibang Santa mascot na kasama ka, ayos na ko dun!”
BINABASA MO ANG
MOVING CLOSER by Eunice
Roman d'amourThis story is written by Eunice Laurito with the help of Hyacinth Manesca in cooperation with LOVE OUR BLOG POST :D She's no ordinary. She loves manipulating people's lives until she met this guy who have turned her world upside down and also the gu...